The Eaters

548 22 9
                                    

=========================

Mukhang pagod na silang lahat  at halatang gusto na nilang matulog. "Elora tignan mo parang may bahay dun oh malapit sa may kanan tara dun muna tayo mag pahinga at tignan natin kung may tao."

"Ahh doon sa bahay na iyon? Okay." Elora

"Ang creepy ng bahay na iyon haha parang haunted." Mikha

"Oo nga Mikha tapos parang puro kulay black lahat ng parte haha." JB

Tinignan lang nila lahat kung ano ang mukha ng bahay. Kung ako tatanungin, medyo creepy nga siya, mukhang luma na, may ikalawang palapag, pero sa tingin ko pwede na yun, kung pagpapalipas lang naman ng gabi.

"Itigil niyo po ang sasakyan tulungan niyo po kami!." Sabi ng babae

Pero walang nagawa si Elora dahil biglang tumakbo ang dalawang survivor sa gitna ng kalsada kaya nagpreno agad si Elora para hindi sila masagasaan.

"Tulungan niyo po kami, Patay na po ang lahat ng kamag-anak namin at kami nalang ang natira." Sabi ng babae

Sasakay na dapat sila ng sasakyan pero pinigilan ko sila. "Teka lang Miss and Sir pero may gagawin lang po kami sainyo bago ho kayo sumakay dito sa sasakyan."

"Hah ano po gagawin niyo po saamin." Sabi ng Babae

"Taas niyong dalawa ang kamay niyo." Utos ko sa kanilang dalawa.

Agad naman nilang tinaas at bumaba ako ng sasakyan, sinimulan ko ng tignan ang buong katawan nila , kunga may kagat ba sila or kalmot, mahirap na kase baka mangyari nanaman ang nangyari dati sa Mall.

Nang makita ko naman na wala silang mga kagat, pinapasok ko na sila. "Sige maaari na kayong pumasok."

"Salamat po talaga at tutulungan niyo po kami, ako nga po pala si Clare." Nag handshake kaming dalawa at tuluyan na siyang sumakay.

"Ako naman si Edcarl salamat ulit." Nag handshake din kami

Pumasok na rin si Edcarl at Clare at umupo sa may likod. Pinaandar na ulit ni Elora ang sasakyan at pinatakbo na ito muli.

Malapit na kami sa bahay na pupuntahan namin, pero may napansin ako sa mga ibang puno, dahil may mga nakasabit na bawang pero hindi ko na iyon pinansin at ayun na nga tumigil na pinark na ni Elora ang sasakyan sa tapat ng bahay.

Bumaba kaming lahat.  "Ang creepy talaga ng bahay, sure ka Aaron na dito tayo manunuluyan?" Chynna.

"Sure yan ano ba haha sa panahon ngayon hindi na multo ang kinakatakutan, Zombie ang dapat natin katakutan hahaha." Sabi ko kay Chynna

"Oo nga naman Chynna, wag mong sabihin naniniwala ka sa multo?" Patawang tanong ni Elline kay Chynna.

"Paano kung sabihin kong OO." Sabi ni Chynna ng walang emosyon

Napatingin kaming lahat sakanya. Tapos biglang tumawa si Chynna.

"Hahaha hindi ako makapaniwala naniwala kayo sa sinabi ko HAHAHA!." Sabi ni Chynna

Nagtawanan naman kaming lahat pero lumipas din ang ilang segundo nanahimik na rin kaming lahat.

"Kailangan na natin malaman kung may tao ba diyan sa bahay na iyan." Sabi ko sa kanila.

Live to Survive: Teenage NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon