Friend

534 15 1
                                    

=

=

=

Ano ba itong napasukan namin dapat talaga hindi kami nagtiwala agad sa kanila. Nakakainis wala akong maisip na plano kung paano kami makakaalis dito sa impyernong lugar na ito.

"Huy kayong mga tulog pa diyan magsigising kayo ngayon na ang araw Bwahahahaha." Sabi ni Lorcan.

Nagising na ang lahat ng mga kaibigan ko. Nagtaka ako sa sinabi ni Lorcan, ano ba meron ngayong araw na ito?

"PAKAWALAN NIYO NA KAMI PLEASE NAGMAMAKAAWA NA PO KAMI." Sabi ni Michelle habang naluluha.

"Sige na po Lorcan gagawin namin ang lahat para lang pakawalan niyo kami." Sabi ni Elora

Pero tinawanan lang ni Lorcan sila Michelle at Elora at may pinapasok na mga kasamahan niya. Pero nagulat kami dahil may mga dala silang mga 2-3 zombie pero nakatali sila

"Ngayon ang kaarawan na aking anak at pinatay mo siya! at kayo dapat ang ipapakain ko sa kanya." Lorcan

Mas lalo kaming nagulat sa sinabi niya at mukhang nasisiraan na siya ng bait dahil balak pala niya kaming pakainin sa zombie.

"Itigil mo na itong kalokohan mo Lorcan." Elline

Naglakad-lakad lang si Lorcan sa tapat namin. "At dahil pinatay niyo ang anak ko papakainin ko kayo sa mga zombie na kasama ko ngayon. Pagmasdan niyo kung ano ang gagawin ko." Lorcan

Sinaksak niya ang isa niyang kasama sa tiyan at kumuha ng mga bituka, ang bituka na kinuha niya ay ipinakain niya sa mga zombie at tuluyan ng namatay ang isang kawal. Hindi lang kami ang nagulat kundi pati ang isang kasama dahil sa ginawa ni Lorcan.

"Nababaliw ka na talaga Lorcan Nababaliw ka na!." Sabi ko sa kanya

"Maghanda na kayo bwahahaha dahil kapag naubos na ng mga zombie itong kasama ko na ito ay kayo naman ang susunod nilang kakainin bwahahaha." Lorcan

"Pagbabayaran mo itong mga kagagawan mo Lorcan." Ange

Tumawa lang siya ng malakas at umalis na sa gusali. Kasama namin ngayon ang 3 zombie na nilalamon yung kasama ni Lorcan. Kitang kita namin kung paano nila tanggalin ang mga intestine sa tiyan ng lalake at rinig na rinig namin ang pag snap ng mga buto ng lalaki sa tuwing kakainin ng mga zombie ang mga parte ng katawan niya. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay sarap na sarap pa sila pag kain dito. Malapit na nilang maubos ang katawan ng lalake at maya-maya kami naman ang magiging hapunan nila.

"Guys kailangan natin ng plano, wala akong maisip kase eh, kailangan natin magtulungan upang makawala dito." Sabi ko sa kanila

Pero wala sa kanila ang umimik at lahat sila ay naka yuko na lamang.

"Aaron wala na tayong magagawa tanggapin na natin ito na ang katapusan pagkatpos nilang ubusin ang lalake tayo naman ang isusunod, wala na tayo magagawa para iligtas ang ating sarili." Sabi ni JB.

Wala akong nagawa kundi yumuko na laman at umiyak dahil wala akong magagawa upang matulungan ang sarili at aking mga kaibigan.

Nakita ko na may papunta ng zombie saamin sinipa ko ang isa para medyo lumayo siya, ganun lang ang ginagawa naming lahat sinisipa lang namin sila para hindi makalapit saamin.

Live to Survive: Teenage NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon