The Beginning

1.3K 30 24
                                    

Aaron's POV

Pasukan na bukas :( Nakakainis kulang na kulang ang 2 months vacation pero masaya ako kase ito na ang last year ng pagiging Highschool ko :) Pero napa isip ako magiging masaya ba ako na last year ko na for being Highschool or magiging Malungkot ako ? UGH Who Cares HAHAHAHAHA YOLO naman eh.

Habang nag-iisip ako tungkol sa mga bagay bagay sa school para bukas biglang kumatok si Mommy

"Aaron matulog ka na baka makalimutan mo may pasok ka na bukas"

At pagkalabas ni mommy sa kwarto ko ay pinatay ko na ang TV, Phone and Computer ko :) haha ang dami kong ginagamit na bagay haha and that's what we call the power of MULTITASKING.





"Aaron anak gising na baka ma-late ka sa school mo"


At ayun na nga nagising na ako at pagkabangon ko dumerecho na ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na din ako at bumaba para kumain ng breakfast. Habang kumakain ng Breakfast ay may napanood akong news sa TV, ang sabi may bagong virus ang natagpuan sa India at ito ay violent at mabilis mag spread, pero wala pa naman daw nababalita na meron na nito sa Pilipinas. Pero napa-isip ako habang pinapakinggan ang mga Symptoms ng bagong virus, una  takot makisalamuha sa mga tao at kapag nakalapit ang isa sa kanya ay bigla niya itong kakagatin, pangalawa ay ang pag iba ng kulay ng mata, pangatlo ay ang pagiging violent at parang nasapian ng demonyo. At ng pagkarinig ko iyon ay napatigil ako sa aking pagkain kase ang mga symptoms na iyon ay parang symptoms ng pagiging isang zombie, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kase magkakatottoo na ang gusto kong pumatay ng Zombies in real life or malulungkot kase baka mapahamak lang ako at ang aking pamilya pero nagulat nalang ako ng biglang pinatay ni mommy ang TV.

"Nako anak iba na talaga ang mga sakit na lumalabas ngayon habang tumatagal nagiging bayolente na ang mga sakit sana di mag-spread itong virus na ito sa Pilipinas"

Naisip ko Kung ano ang pwede mangyari sa amin kapag ito ay kumalat sa Pilipinas, natatakot ako na baka mamaya maging isa si Mommy sa mga maging Zombies kung sakaling kumalat ang virus dito sa Pilipinas "Oo nga ho Mommy sana nga po"

Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy ay tumayo na ako sa Kainan at nag toothbrush at pagkatpos umalis na ako ng bahay.

Naglakad lang ako papuntang school kase malapit lang bahay namin sa school mga 2-5 mins na lakad lang nasa school na ako.

Pagka pasok ko sa school siyempre hinanap ko na ang aking mga kaibigan upang malaman kung magkaklase ba kami at kung sino ang adviser namin. Madami akong nakikitang familiar faces and siyempre new faces. Madami akong kaibigan, kung simula Nursery ba naman dito ka na nag-aaral sa school na ito wala ka pang nakilala or kaibigan man lang hahahaha XD.

Ayun na hanap ko na section ko :"> 10-Legion of Mary
at masaya ako madami akong ka-close dito, Ang saya!!!.

OK sa Unang mga Minuto Boring until marinig ko ang sinabi ng adviser namin na
PWEDE NA KAMING MAG RECCESS!

siyempre takbo ako sa Canteen agad para hanapin ang mga Friends ko at itanong kung ano section nila at kung ano ginawa nila ang nung summer at kung ano-ano pa.


Lumipas na ng 3 months at madami na akong naging kaibigan. Bago ako pumasok ng School ay nanuod ako ng News. Nabalita na nga na may isang tao na galing sa China ang nakitaan ng symptoms ng bagong Virus. Ako ay kinabahan sa narinig kong balita. Dumeretso na ako sa school.

Live to Survive: Teenage NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon