Wrong Move

652 19 0
                                    

================================

(Aaron's POV)

Kakagising ko lang at nakita ko ang mga kasamahan ko na walang malay sa harapan ko.

Tinignan ko ang paligid at tiyaka ko naalala ang mga tumulong saamin na maka-alis sa mall.

Nakita ko nandito kami sa loob ng truck at nakita ko ang ibang kasama namin na natutulog din dito sa Mall, may takip ang kanilang mukha kaya hindi ko sila makilala at habang sila ay natutulog ay hawak pa rin nila ang kanilang mga baril.

Ang tingin ko sa kanila nasa 20+ ang edad ng mga ito ngunit may isa rin na parang mga kasing edad namin dahil medyo maliit siya.

Sa sobrang pagod ko hindi ko mapigilang makatulog ulit.

==========================

======

=========================

=====

Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong tumigil na sa pag galaw ang truck at tiyaka nakaramdam ako na may humahawak sa aking kamay dahilan para tumayo ako at pinalabas kami sa truck.

"Magsigising na kayo at lumabas ng truck bilisan niyo" Sabi ng isang lalake

Tinignan ko lang ang lalake pero hindi ko rin siya nakilala dahil may takip ang mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila mag takip ng mukha.

"Salamat po sa pag tulong saamin" Sabi ko sa kanila.

Tumawa lang ang isang lalake na siyang walang takip ang mukha.

Masasabi ko na nasa 45-49 years old na siya, medyo chubby siya, at masama ang kutob ko sa kanyang tawa.

Tinignan ko lang ang mga kasamahan ko at nakita ko na parang alam nila na masama ang pakay nila saamin.

"Mikha kilala mo ba sila at yung matandang iyon?" Sabi ko kay Mikha ng pabulong.

"Shhh tumigil kayo sa pagbulong bulong diyan sa katabi niyo." Sabi ulit ng Lalake

Inabot niya ang kamay saakin. "Ako si Lorcan ang leader ng grupong tumulong sainyong maka alis mula sa mall."

"Aaron" Sabi ko naman sakanya habang nakikipag hand shake.

"Oh bat parang ang tahimik niyo!? di ba kayo masaya dahil buhay pa kayo?"  Tanong saamin ni Lorcan

Pero wala saamin ang sumagot at naka pamewang si Lorcan na nakangiti.

"Wag kayo mahiya saamin, hali kayo dito maupo kayo alam kong gutom na kayo." Lorcan

Wala kaming nagawa kundi umupo sa mahabang table at kumain kami. Dahil doon nakipag kilala narin ang mga kasama ko kay Lorcan.

Hinubad na rin ng mga kasamahan ni Lorcan ang mga takip nila sa mukha at namukhaan ko ang isa sa mga kasamahan niya.

"Psst psst Apple diba si Robert yun?" Tanong ko kay Apple sabay turo sa kanya.

Lumaki ang mata ni Apple at napangiti siya. "HUH Oo nga si Robert nga iyon."

"Huy Robert halika dito kumain ka na kasama nina kuya Lorcan" Apple

Live to Survive: Teenage NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon