Revelation.

473 16 0
                                    

=============

=============

=============

(Aaron's POV)

Handa na akong tanggapin na mamamatay na kaming lahat, pero may unti parin akong pag-asa na mabubuhay kami. Pumikit nalang ako at hawak ko na ang granada, papasabogin ko na ito.

Tatanggalin ko na sana ang pin sa granada pero bigla kong naramdaman na natumba kami at nakahiga na kami sa floor sa loob ng gusali.

"Guys binuksan na ang PINTUAN!" JB

"Aaron tingnan mo ang granada na hawak mo." Michelle

Agad kong tinignan at nakita ko na natanggal na ang pin. "Lumayo kayo guys babato ko sa mga zombie at pagkabato ko isara niyo agad ang mga pintuan."

"Ok kuha na namin." Kenneth

Pumunta na si Kenneth at si Ceric sa may Pinto. Binato ko na ang Granada papunta sa mga zombie at agad nilang sinara ang pintuan. Makalipas ng ilang segundo ay sumabog na ito pero masyado paring madami ang mga zombie sa labas.

Tinignan ko ulit ang CCTV Camera sa loob ng facility. "Lock mo ang Pintuan bago pa makapasok ang mga zombie!!!"

Pero hindi na kami pinahintay dahil agad namang ni lock ang pintuan.

"AKALA KO MAMAMATAY NA TAYO!" Elline

"Oo nga buti naman at pinapasok na tayo sa building na ito." Ange

"Pasalamat tayo at  buhay pa tayong lahat at buong-buo!." Kath

Nilibot namin ang lobby ng reasearch facility, malalaki ang bintana nito at kitang kita namin na gustong-gustong sirain ng mga zombie ang bintana pero hindi nila magawa.

"Tignan niyo guys yung sasakyan natin andun pa at hindi pa nagagalaw ng mga zombies." Apple

"Oo nga so kapag kailangan na natin umalis dito magagamit pa natin ang sasakyan na iyon."Charm

"Yung mga pagkain natin nandun sa loob ng sasakyan." Owen

"Oo nga paano yan wala tayong pagkain dito." Gee

"Oops sinong may sabing wala tayon pagkain?" Tanong ko

"Ako, diba wala tayong nadalang pagkain." Gee

Ngumiti lang ako at itinaas ko ang hawak ko na malaking bag.

"Diba mga bala ang laman niyan?" Ange

"Akala ko rin na mga bala ang laman nito pero ibang bag ang nadala ko." Sabi ko

Nakita ko naman na sumaya sila dahil may pagkain na kami. Pero medyo naalerto kami dahil may nagbukas na pintuan sa may lobby.

"Guys may papunta yata dito mag ready kayo baka mamaya kalaban din pala iyan." Sabi ko

Nakita ko naman ni-ready nila ang mga weapon nila at handang bumaril kahit anong oras. Nag tuluyan ng nagbukas ang pintuan ay wala kami masyadong makita dahil madilim ang loob nito ngunit may naririnig akong mga footsteps na papalapit saamin.

Live to Survive: Teenage NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon