Chapter 24: Taking the Risk

139 8 1
                                    

Blake's Pov
        "Kailangan mong ikutin ang circle lane sa kalsada, you will do that 5 times...sa ika-5 times...you have to open the passenger seat' window then take off your T-shirt and wave it...at hindi mo ito susuutin hangga't hindi mo nakaka-usap ang magbibigay ng address sayo...pero bago mo ikutin ang circle lane...i-withdraw mo toh" Saad ni Kuya Slate saka nilapag yung sampung Credit Card....anong gagawin ko sa sampung credit cards na toh??? naguguluhan kong tiningnan si Kuya Slate.

"A-anong gagawin ko dito Kuya??" tanong ko at napatungo naman sya.

"You have to give it to them" Napatayo ako sa narinig ko!!!! Tangina hindi pwede toh!!! ano kidnap for ransom!!!

"HINDI KUYA!!! HINDI AKO PAPAYAG!!!! BAT KAILANGAN PA NG PERA???" Galit kong tanong. Mga hayop sila!!! pupunuin ba talaga nila ako!!! Punong puno na ko! Mga Gago!!!

"It's the only way para makuha ang address nila, please Blake!! I'm Begging you" Kuya Slate said.

"Am I alone??" Tanong ko at naupo ulit at kinalma ang sarili ko.

"Yun ang instruction pero syempre hindi ako papayag!!! You will have a Back-up pero hindi sya mahahalata....I won't let them hurt you, yan ang isa sa pinangako ko kay Kianna" Saad ni Kuya Slate!!! Kianna!!! putangina talaga!!! kahit kailan talaga hindi nya iniisip ang sarili nya!!! Kailan ba Kianna???! Kialan ka ba mag-iingtan ha??!!

"Anong oras ko ba dapat gawin yan??" tanong ko at tumingin naman si Kuya sa relo nya.

"5 Hours from now" sagot ni Kuya Slate...tumango na lang ako at nagpaalam muna yung iba na ihahanda lang daw yung gagamitin para mamaya....meron kaming isang warehouse kung saan nandun lahat ng kailangan namin kapag may naghahamon!!! malamang dun sila pupunta. Ako namn eh nagpaalam na muna ako kay kuya Slate na uuwi muna ako at para ma-i-withdraw ko na din yung pera....Hayop!!! anong gagawin nila sa ganun kalaking pera??? Lumabas ako ng dorm nila at dumiretso sa kotse ko at agad na sumakay don at pinaharurot ito patungo sa bahay namin. Psh!!! walang kwentang bahay yun!! laging wala sila Mommy at Daddy....eh pano laging nasa ibang bansa at inaasikaso ang mga partners nila sa trabaho, somehow I understand them naman!!! I know that they only did it for me!! for the best for me!!! Narating ko yung bahay mga around 6:15 na ng gabi at 4 na oras na lang at gagawin ko na yun!!!! gagawin ko yun para kay Kianna!!! para sa kanya lang!!! Pumasok ako sa bahay at sinalubong ako ni lola Carol, si Lola Carol sya yung pinakamatagal na katulong namin dito sa bahay...kapag wala sila Mommy eh sya lagi ang nagbabantay sa kin. Hindi na Yaya ang tawag ko sa kanya kundi Lola....Sinalubong nya ako at tinanong kung ano ang kailangan ko.

"Oh Iho, aba eh bakit ngayon ka lang, kagabi ka pa hindi nauwi ah....may problema ba??" tanong ni Lola Carol.
Niyakap ko sya para kahit papaano eh maiwasan ang pag-aalala nya.

"La, ayos lang ho ako...may kailangan lang ho akong ayusin at babalik na po ako sa dati" Saad ko at binigyan sya ng isang ngiti bago ako umakyat sa kwarto ko. Nagdiretso ako sa walk-in-closet ko at binuksan ang secret passage ko....Dito ko halos lahat nilalabas ang galit ko!!! meron ako ditong punching bag at ito ang lagi kong sinusuntok!!! kaya nga malakas akong sumuntok eh... May mga gamit na din ako dito...mga Baril na dekalibre!!! at hindi basta-basta...Binuksan ko yung Cabinet kung saan nakalagay ang baril ko... Kinuha ko iyon at tiningnan kung ayos pa ba ito!!! Hmm....try ko kaya!!! Tinutok ko ito sa isang board at kinasa ito.

*Bang*

Hmmm, ayos pa namn kaya nilinis ko sya para handa ng gamitin mamaya...Sana ito na ang huli....sana pagkatapos nito puro saya na lang!!! sana Kianna.
Nilapag ko muna yung baril sa lamesa at saka lumapit sa punching bag ko...agad ko itong sinuntok ng sinuntok.....hanggang sa napagod ako at mapahiga sa sofa na hindi kalayuan sa punching bag ko.... Pumikit ako para ipahinga ang katawan ko.

-=-
"Ready ka na ba Blake, nandito lang kami sa likod ng minamaneho ni Nathan" Saad ni Kuya Slate habang nilalagay yung wi-nidraw kong pera....

"Handa na ko Kuya" Saad ko habang inaayos ang polo ko....Naka-polo lang ako na kulay Puti tapos maong na pantalon tsaka rubber shoes. Yun din ang sabi ni Kuya eh, polo na lng daw ang suotin ko para mabilis hubarin....ay shet ang panget nung term!!! munbakla!!!.

Sumakay na ako sa kotse ganun din si Nathan.

"Bro, did she confess??" napatingin ako sa kanya.

"Yup, And I'm so stupid for not saying that our feelings are mutual" I said then nag-iwas ako ng tingin kay Nathan, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla na lang akong maiyak ng wala sa oras. Pagdating talaga kay Kianna....nag-iiba ako, hindi naman ako ganito dati eh, ako pa nga yung iniiyakan nila pero...ibang-iba ngayon, kasi nagmamahal na talaga ako. Parang hindi ko kaya na saktan si Kianna pero inaamin ko na naging manhid ako dahil yung pagpapanggap pala namin eh nakasakit ng todo kay Kianna.

"Matagal ko na bang nasasaktan si Kianna??" Tanong ko Kay Nathan, alam kong madami syang alam tungkol sa nararamdaman ni Kianna kasi halos si Nathan ang kasama ni Kianna.
Nag-isip pa sya bago magsalita.

"Since nung pinakilala mo sa min si Nikki" Saad nya, alam nyo kung bakit hindi pa kami naalis....eh kasi wla pang signal na galing kay Kuya. So It means....Mahigit two weeks syang naiyak....ng dahil.....sakin. YOU'RE A BIG ASSHOLE BLAKE!!!

"So ibig sabihin....lagi syang naiyak" Saad ko.

"Absolutely, actually hindi lang sya tuwing gabi naiyak eh....naiyak sya ng hindi natin alam....I mean iiyak sya pag wala kayong dalawa ni Nikki....Natakas pa nga sya eh. Kianna is a great pretender, she can pretend that she's Happy even if she's not, yun ang nasaksihan ko kapag kasama ko sya" paliwanag ni Nathan. Saktong pagsabi nya namn nun ay ang pagtunog ng alarm nung kotse at hudyat nito na kailangan na naming kumilos....Van ang gamit namin at kumpleto ito sa gamit....
Simula sa protection gears hanggang sa mga dekalibreng baril. Gagawin ko toh para kay Kianna....kahit gano kahirap at kasakit pa yan, kaya kong gawin basta para sa kanya....Mas ikakamatay ko kapag hindi ko sya nabawi ng Buhay.






I'm taking all the risk just to keep you alive.....

My Princess

-=-

Waaahhh!!! Grabiti na dissss hahaha!!!! anong sunod na mangyayari sa next chapter???
hahah di ko din po alam....De choss lang!!! hahaha sana po nag-eenjoy pa kayo sa story ko!!!
KEEP READING GUYSSSS!!!!
SARANGHEART YOU ALL!!!❤️❤️❤️

        Advance Merry Christmas

@luhanie_143

My boyfriend is a Casanova King (On- going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon