Someone's Pov
"Hey, Athena are you ready to meet him again??" Fiona asked me again about that for the Nth time...Like what the hell!! We are here at my condo near in manila hotel...Kararating lang namin galing new york at kasama ko si Fiona at Bettina which is pinsan ni Blake. And speaking of Blake, I really missed him so much.Yung mga memories namin dati, tandang-tanda ko pa, yung mga oras na kasama ko sya, yung mga salitang binibitawan nya.
*Flashback*
"Baby, I love you. Wag mo kong iiwan ha, pag malaki na tayo, papakasalan na kita" Blake said that to me when we are in Grade 6, hindi ko inakala na kaya nya yang sabihin sa kin.
"I love you too, Baby and I will neer leave you" I said
"Promise?"
"Promise"
*End of flashback*
Hindi ko naman intensyon na iwan sya ng walang pasabi eh, hindi ko ginusto ang lahat ng iyon. Nakukulangan ako sa pagmamahal ng isang magulang kaya ang tanging natitira kong gawin eh ang hiwalayan si Blake upang makasama ang magulang ko Abroad. Hindi ko sya iniwan dahil may iba na ko, iniwan ko sya dahil gusto kong makaranas na may pamilyang nagmamahal sa kin.
"Oy Girl, phone mo natunog" Bumalik ako sa reyalidad ng sikuhin ako ni Fiona. Agad ko namang kinuha yung phone ko na nasa kama. It was Bettina, Blake's cousin.
[What took so long?? Girl,] tanong nya on the other side.
"I was thinking...uhh, about the party??" Sinagot ko yan ng patanong.
[Party or Blake??] What would I expect, alam kong kabisado na ko ni Bettina ever since.
[By the way, maghanda ka girl, I heard na isasama ni Blake ang buong tropa nya including this girl named Kianna]'Kianna who??'
Napangiwi naman ako sa sinabi ni Bettina.
"Kianna who??"
[I don't know, nasa bahay ako nila Couz para sa preparation ng party, ang sabi ni Manang eh nasa Hillstate Subdivision daw si Blake]
Hmm, sino naman kaya ang Kianna na yun?? At bakit?? parang...ang bigat ng dibdib ko?? Wala na ba yung pangako nya sa kin?? Did he already forgot about it??
[Gotta go na Girl]
And then Bettina Ended the call. Whoever she is, I'll make her suffer for stealing Blake from me.
Blake's Pov
Lunch na nung nakarating kami sa Hillstate subdivision, at talagang napakaganda nga ng subdivision na ito. Hindi nalalayo sa Subdivision namin. Ayos na kami ni Kianna, magkahawak kamay kaming bumaba ng Van, pero bumitaw sya para salubungin ang Mommy nya. Maganda ang mommy ni Kianna, matangkad, maputi at mahaba ang buhok. Nakuha ni Kianna ang kagandahan ng mata nito, at yung kulay. Bwahaha!! nakakatawa, para silang magbarkada. Maya maya pa eh nakita kong lumabas ng pinto si Kuya Slate kaya naman agad akong lumapit."Kuya, kamusta ang kaso ng Jaguars??" Agarang tanong ko dito.
"Nasa kulungan na si Michael habang si Krystal naman eh nasa mental, tsk.. Ano bang nangyari sa babaeng yun??" Natatawang tanong ni Kuya, maski ako ay nagtaka, panong napapunta sa mental si Krystal??
"Panong napapunta sa mental si Krystal??" Tanong ko.
"Ang sabi ng nag-observe sa kanya eh, matagal na syang may problema sa pag-iisip, hindi lang nahahalata sa kanya kasi maganda ang pangangatawan nya" Napatango na lang ako sa sinabi ni Kuya. Sa matagal na panahon na nakasama ko si Krystal, hindi ko inakala na ganun pala sya.
BINABASA MO ANG
My boyfriend is a Casanova King (On- going)
Novela JuvenilMy boyfriend is a Casanova king