My Island Girl
Chapter5#Who_am_I
Ella
Ilang araw na ang dumaan medyo magaling na din ang ibang sugat ng lalaki.
Pero hanggang ngayon ay wala pa din itong maalala.Kampante na din si Ella dahil hindi na ito inaapoy ng lagnat.
Patuloy pa rin ang pag-aalaga niya sa lalaki.
Dahil siya lang naman ang naiiwan palagi sa bahay dahil ang Nanay niya ay nakahanap ng trabaho sa bayan.Nakatingin lang si Ella sa lalaki na tahimik na nagmamasid sa malawak na dalampasigan.
Ang tahimik nito.
Hindi pa din ito nagsasalita.
Baka nakalimutan din nito Kung paano magsalita."Sir? Pasok na po kayo,medyo malamig na po dito,hindi pa po kayo masyadong magaling baka magkasipon po kayo."
Pero hindi man lang sumagot ang lalaki. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa duyan sa harap ng Musmos nilang tahanan.
Nauna na itong naglakad kaya napasunod na lang din si Ella sa lalaki.
"Nasaan yong suot kung damit bago nyo ako matagpuan?"Seryosong wika nito.
Napalunok si Ella ng magtama ang mga mata nila.
"Ah,sandali kukunin ko."Dali-daling tumayo si Ella para makaiwas siya sa kulay brown nitong mga mata na kay gandang titigan. Mayamaya pa ay bumalik na siya. Hindi nila ginalaw ang pantalon ng lalaki.
Agad niya itong inabot sa lalaki.
Nang maabot na ito ng lalaki ay kinapa-kapa niya ang mga bulsa nito.Nakatayo lang si Ella sa isang tabi at nakatingin lang sa gagawin ng lalaking estranghero.
Kinapa nito ang bulsa ng suot nitong pantalon na nagkabutas-butas na.
May nakapa ang lalaki kaya bahagyang napalapit si Ella sa kanya"Ano yan?"
Pero nanataling tahimik ang lalaki. Hanggang sa makuHa nito ang isang pulang plastic na parang lalagyan ng Id. Binuksan niya ito at nakita ni Ella ang laman isang Id nga.
Napakunot noo ang lalaki ng makita ang nakasulat sa Id.
"Ano nakalagay na ba ang pangalan mo?"Excited na tanong ni Ella sa lalaki.
Hindi pa rin ito nagsalita basta ipinasa na lang sa kanya ang Id. Agad niyang tiningnan at binasa ang nakasulat. Kahit papano naman nakatapos siya ng High School kaya marunong siyang magbasa. Katunayan siya ang Class Valedictorian sa klase nila. Matalino siya pero wala ng pantustos ang Nanay niya sa kanya para magpatuloy sa College. Wala na din kasi siyang tatay nalunod ito sa dagat ng minsang maabutan ng bagyo sa laot."Xyrll Bryll Alde nako Sir ang ganda po ng pangalan nyo."Natutuwang wika ni Ella sa lalaki na Xyrll pala ang pangalan."Wala pa din po ba kayong matandaan?"Biglang sumeryoso si Ella ng mapansing mukhang malungkot pa din ang lalaki."Hayaan nyo Sir,gagaling ka din,pag nangyari yon,mag-iipon tayo ng pamasahe papuntang bayan,tapos,pupuntahan natin itong addressed nyo dito Sir. Wag ka ng malungkot Sir,malalampasan nyo rin ang pagsubok na ito. Wala pong binigay na pagsubok sa atin na hindi natin kayang dalhin."
"Gusto ko ng magpahinga!"Malamig na wika nito sabay talukbong ng kumot. Hay ang daldal mo kasi Ella,kastigo niya sa sarili niya."Sige po Sir,ipaghahanda ko muna kayo ng hapunan"Kahit ganon,masayahing tao si Ella kaya hindi niya hahayaan na lamunin ng lungkot ang pagkatao niya dahil malungkot itong lalaking kasama niya.
.....
Xyrll.
"Anong pagkain to?"Maybe wala siyang maalala,kung hindi dahil sa Id na nakita niya sa bulsa ng pantalon niya di pa niya malalaman ang pangalan niya. Pero ng makita niya ang pagkain na nakahain sa harapan niya. May pakiramdam siya na di pa siya nakakain ng pagkain na yon kahit kailan.
BINABASA MO ANG
My island girl (Completed) #The_6th_story
General FictionSi Xyrll na lang ang natitirang bachelor sa grupo ng makapag-asawa na din si Claude. suddenly naisip niya na ang lungkot ng buhay niya. kaya nagdecide siyang umalis muna nagseselos kasi siya sa tuwing nakikitang masaya ang mga kaibigan na ang Fufuck...