My Island Girl
Chapter6#Silip
#Ella.
Maaga pa lang ay gising na ako. Maghahanda pa kasi ako ng almusal namin ni Xyrll. Si Xyrll isang buwan na siyang nandito at wala pa din siyang naaalala. Napangiti na lang ako ng maisip ang maamong mukha nito. Mabuti na lang magaling na mga sugat nito.
Papunta na ako sa likod bahay para magsibak ng kahoy ng mapansin kung may nakahanda ng panggatong.
Napasilip ako kung sino ang nagsibak,para lang makita si Xyrll na abalang-abala sa pagsibak ng kahoy,pawisan na ang katawan nito. Napalunok na lang ako paano wala itong pang-itaas na damit. Oo sanay na akong makita itong walang damit dahil kadalasan ay ako ang gumagamot sa kanya. Pero kakaiba ngayon. Parang may kung anong something akong naramdaman sa katawan.
Napangiti na naman ako ng maisip ang unang subok nitong magsibak ng kahoy,dahil hindi ito marunong,pakiramdam ko mayaman talaga itong si Xyrll.Wala sa loob na nilapitan ko siya."Bakit?"Napahinto siya sa ginagawa niya ng makitang papalapit ako sa kanya.
"Wala lang,ngayon ko lang kasi napansin ang ganda pala ng katawan mo."
"What?"Hindi yata nito inaasahan na yon ang sasabihin ko. Diyos ko isa akong dalagang Pilipina,pero daig ko pa ang malanding higad dahil sa inasal ko.
"Ahmm,wala,Sorry!"Pakiramdam ko namula yata ang pisngi ko dahil sa nangyari. Bat ba kasi ang tanga-tanga ko."Si-sige magsasaing na a-ako!"Talaga naman o,pati pagsasalita ko pautal-utal na rin. Ano ba kasing nangyayari sa akin?
Gustuhin ko mang lumingon ay pinigilan ko ang sarili ko ayaw kung makita ang reaksyon ni Xyrll,nakakahiya.
Dali-dali na akong naghanda para magsaing. Grabe may nakahanda ng tubig. Ipinag-igib ako ni Xyrll,kakatouch naman ang lalaking yon. Kaso suplado.
Pasilip-silip pa rin ako sa kanya. Infairness,ang macho talaga niya.
"Sinong tinitingnan mo dyan?"
"Ai Macho!"Nagulat na wika ko.
Napailing na lang si Xyrll dahil sa inasal ko. Paano siyang napunta sa harap ko ng di ko namamalayan?
"Sinisilipan mo ba ako?"Seryosong tanong nito.
"Huh? Nako hindi ah,kapal mo naman para silipan ko pa. Ako na Dyosa dito sa isla,sisilipan ang isang mortal na kagaya mo. No way."Bahala ng maging timang ang mahalaga malusutan ko ito. Huli ako sa aktong paninilip sa kanya. Nakakahiya.
Napailing na lang siya." Para ka talagang baliw."Sabi niya,tapos nilampasan na niya ako at pumasok na siya sa loob. Maya-maya pa ay may dala na siyang tuwalya.
"Maliligo ka?"
Napatingin siya sa akin."Ang kulit mo! Oo maliligo ako,gusto mong sumama?"
"Hindi noh,"
"Wag ka ng mahiya Ella alam ko gusto mong sumama sa akin. Lets go,maligo na tayo."
Napahawak ako sa dibdib ko,bat ang bilis ng tibok nito."Ano na?"Tanong ulit niya.
"Di na mauna ka ng maligo. Mamaya na ako."
Nagkibit balikat lang siya saka nilampasan ako."Bahala ka."
Nang makatalikod na siya ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Nang tingnan ko ulit siya medyo malayo na siya. Sa di kalayuan pa kasi ang batis na siyang pinagkukunan namin ng tubig.. Hay Ella magtino ka nga,nakakahiya ka. Babae ka pa naman,pailing-iling na kastigo ko sa sarili ko.
Natapos na ako sa pagluluto,pero di pa rin nakakabalik si Xyrll. Anong nangyari sa lalaking yon? Ang tagal naman yata niyang maligo. Teka masundan nga ang lalaking yon at lumalamig na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
My island girl (Completed) #The_6th_story
Ficțiune generalăSi Xyrll na lang ang natitirang bachelor sa grupo ng makapag-asawa na din si Claude. suddenly naisip niya na ang lungkot ng buhay niya. kaya nagdecide siyang umalis muna nagseselos kasi siya sa tuwing nakikitang masaya ang mga kaibigan na ang Fufuck...