chapter9

8.3K 192 3
                                    

My Island Girl
Chapter9

#Tsismis

#Xyrll

Nagmamadali ang bawat hakbang ko,paano iniwan na naman ako ni Ella.
Grabe diko inakala na aabot sa ganito ang lahat.
Mga tao nga naman ang hilig manghusga ng kapwa.
Dahil sa pagtulong niya sa akin.
Napasama pa tuloy siya sa mga katrabaho niya.

"Ella,sandali,hintay naman."Tawag ko sa kanya konti na lang maabutan ko na siya.

Pero ni hindi man lang siya nakinig sa akin.

"Ella,naman!"

Huminto din siya sa wakas kaya nakalapit na ako sa kanya.

"Ella,,,"

"Ano?"Halata sa mukha niya ang tinitimping galit na kanina pa yata gustong sumabog.

"Sorry kung dahil sa akin,napagtsismisan ka."Taos sa pusong wika ko,nahihiya ako dahil ako ang dahilan kung bakit nagkagulo ang buhay niya.

"Hindi sapat ang sorry mo! Ano yon Xyrll! Bakit mo ako tinatawag na asawa sa harap ng mga kasamahan ko!"

Lagot!
Nagliliyab na ang mga mata niya.
Galit na yata siya.

"Am,ano kasi,yong babae kasi kanina sa batis,nakita ko siya dito at kinukulit na naman niya ako. Kaya naisipan kong magpanggap na may asawa na para di na niya ako guluhin."

"Yon,lang? Dahil lang doon,pagtsitsimisan na ako ng buong Isla. Bakit kasi ang landi mo,tuloy nadadamay ako!"Puno pa rin ng galit ang mukha niya.

Hindi pa nga ako cleared sa nangyari kanina tapos heto madadagdagan na naman.
Hay,ano ba to!

"Lumayo ka muna sa akin!"

At nag-umpisa na naman siyang maglakad.

"Sandali lang."

Pero di na siya nakinig.

"Ella,may pulong tayo,ipakikilala na ni Kapitan mga tunay na may-ari nitong palaisdaan."Pagbibigay alam ng isang kasamahan niya.

Tumango lang siya at sumunod na dito. Sumunod na din ako,funny pero hindi ko kayang malayo sa kanya.
Batid ko ng magiging malungkot ako kapag nawala siya.

Siya ang nag-alaga sa akin,ginawa niya lahat ng paraan para magamot ako,nagsakripisyo siya para sa akin. Kaya hindi ako papayag na malayo sa kanya.

"Mga kababayan,sa wakas nandito na din ang tunay na may-ari nitong palaisdaan si Mr. Andy
Salvacion,at ito naman si Maam Irene ang nag-iisang anak niya."

#Ella

Tahimik lang akong nakikinig sa Kapitan namin na siyang katiwala nitong palaisdaan.

Nagulat ako ng ipakilala niya ang anak ng Boss namin,ee yon yong babaeng kalampungan ni Xyrll sa batis.

Kaya pala hindi ko siya kilala.
Dayo din pala.

"Sige na magsibalik na kayo sa trabaho nyo."Mando ni Kapitan.

Nagsibalikan naman ang mga kasamahan ko,kasama na ako.

"Hoy,ikaw!"

Palingon-lingon ako. Saka napatingin ako sa kanya.

"Bakit Maam Irene?"Magalang na tanong ko sa kanya.

Halata sa mukha nito na masama ang ugali nito.

"Asawa ka ba talaga ni Xyrll?"Matapang na tanong nito halata sa mga kilos niya na di niya gusto ang nalaman.

"Oo,asawa ko ang lalaking kalampungan mo sa batis kaninang umaga!"Akala niya,matatakot ako sa kanya. Porket amo ko siya. Loaded na ang araw na to,para madagdagan pa.

My island girl (Completed) #The_6th_storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon