My Island Girl
Chapter3#Travel_to_nowhere😑
#Xyrll
"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong pag-alis Xyrll?"Hanggang ngayon di pa rin nila tanggap ang break na hinihingi ko. Para naman akong bata kung ituring ng mga ito.
Napasimangot ako dahil sa ka Oahan ng mga lalaking to. Alam ko concern lang sila sa akin pero kailangan ko talagang umalis.
Hindi ako takot na makipagkompetisyon sa negosyo.
Takot ako sa commitment kaya yon ang haharapin ko.Ayaw ko ng maging duwag.
Gusto ko ng maging masaya.
Kagaya nila,kagaya ng mga kaibigan ko."I already made my decession,aalis pa rin ako."Final na wika ko."As I've said kayo na muna ang bahala sa mga business ko. Sana lang hindi pa ito nalulugi pagbalik ko!"
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nila. Nagbibiro lang ako. Pero mukhang seryoso sila."Hey,Im just joking ok? Alam ko naman mas palalaguin nyo ang mga maiiwan kung business."
"Fuck you Xy,bakit ba parang mamatay na yang tono ng pananalita mo! Ang creepy,para kang naghahabilin,will you stop that!"Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Phaton.
Napakamot na lang ako sa batok ko."Kayo naman,natural maghahabilin ako kasi ayokong magkaroon ng problema habang wala ako."Paliwanag ko sa mga kaibigan ko na sobrang seryoso ng mga mukha.
Anong meron at ganito sila ka seryoso?
Dinig ko ang marahas na paghinga nila. Ang wierd na talaga nila.
"Just take care of your self,bro!"Seryosong wika ni Claude."Sorry kung iniwan kita sa pagiging single. Its my fault di mo na sana ito maiisipang gawin kung single pa ako hanggang ngayon."Malungkot na wika niya.
Napatingin ako kay Claude ng wala sa oras."What? Ano ba yang pinagsasabi mo? Wala kang kasalanan,ano ba Claude. Grabe naman kayo sa akin! Magbabakasyon lang naman ako."
" Alam naming magbabakasyon ka. Ok sana kung sa abroad ka magbabakasyon. At least kampante kami. Di yong kung saan-saan ka lang magsusuot. At wala pang signal sa pupuntahan mo."Mahabang litanya ni Ethan na dati ay tahimik lang. Ngunit di na rin nakatiis at nakisali na din.
"Tama na naiiyak na ako. Salamat ng marami guys. Wala man akong mga magulang dito,pero nandiyan naman kayo parati para sa akin. Im so lucky to have you all as my best buddies.."
"Para na tayong bakla nito. Di ba pwedeng magchange destination ka na lang.?"Pangungumbinsi ulit ni Xerxes.
Napailing ako."Nope,my travel to nowhere is all set. Just stop worrying ok,babalik ako after I will find myself. You guys worry to much."
"Yah,youre right were just worried."Mahinang wika ni Zain.
"Its ok,everything will going to be fine. I will be fine,I promise."
Ginulo nila ang buhok ko,na ikinaasar ko"Fuck not my hair!"Grabe sila nakagel pa naman ito at ayos na ayos yong tipong maslide yong langaw.
Hahahhaa."Baguhin mo na kasi hairstyle mo!"Nang-aasar na wika ni Ethan.
Inirapan ko sila."Ayaw ko nga,dito sa hairstyle kung to nadali ang mga babae noh."Malakas na tawanan ang pumuno sa buong paligid. Ang saya-saya namin.
Will mamimiss ko ang mga kaibigan kung to.
Sila na ang kasama ko magmula ng magmigrate abroad ang mga magulang ko at mga kapatid.
Nagpaiwan ako dahil di ko kayang mahiwalay sa kanila.
Funny ok lang na malayo ako sa pamilya ko pero dito sa mga kaibigan ko diko talaga kaya.Kaya diko din naman sila masisi kung ganito ang maging reaction nila sa pag-alis ko.
"Just take care please. Baka dilikado sa lugar na pupuntahan mo. Baka kidnapin ka pa,alam mo na sikat ka pa naman"Paalala ni Xerxes.
Tango lang ako ng tango.
Isa din naman yon sa concern nila ang seguridad ko.
Dahil nga sa isa akong maimpluwensyang tao at a very young age dapat pag-ingatan ko ang sarili ko."Im born ready,I can depend myself. Dont worry,magiging ok lang ako."Pangungumbinsi ko sa kanila.
"Fine,suko na kami! Basta mag-ingat ka lang palagi ha. Call us if you need anything or mas mabuting bumalik ka na lang kapag di mo nagustuhan doon sa pupuntahan mo kung saan man yon."
Isa pa sa ikinabahala nila dahil hindi ko sinabi sa kanila ang exact location ko.
Nginitian ko lang sila,"Yah sure,mag-iingat ako,I wont let anything bad happen,mag-aasawa pa kaya ako."At malakas akong tumawa. Pero ang mga kaibigan ko seryoso pa rin silang nakatingin sa akin."Sige na inom na tayo malapit na kayong umuwi o,mag-aalas dose na. Baka masugod pa kayo dito ng mga asawa nyo."
"Pinayagan na kami na samahan ka hanggang sa makaalis ka bukas."Seryosong wika ni Phaton."Gusto nga din sanang sumama ni Eureka sa paghatid sayo kaso sinabi kung wag na lang. Alam mo naman yon baka kulitin ka lang ng kulitin lalo pat parang kapatid na din ang turing niya sayo"
"Oo nga gustong makisama ng mga asawa namin dito."Sang-ayon naman ni Zain.
"Nakakatouch naman yan. Mabuti nga at di nyo sila sinama magmumukha na naman akong alone,dahil ako lang ang walang partner."Malungkot na wika ko kahit hindi ko pinahalata sa kanila.
"Sige lasingin natin si Xyrll ng di na siya umalis pa."Malakas na wika ni Claude sabay taas sa hawak niyang baso.
"Cheers!"Sabay-sabay na wika namin.
#Xyrll
Ito na yon.
Ito na yong araw na aalis na ako.Pasakay na ako sa chopper na magdadala sa akin sa pupuntahan ko.
"Ingat ka doon sa pupuntahan mo,Xy!'Seryosong wika ni Xerxes.
"Baliktad naman yata yan,dapat ingat sila ang mag-ingat sa akin. Ako kaya to si Xyrll the heartbreaker."Natatawang wika ko para maiba naman ang aura. Ang lulungkot kasi ng mga mukha nila.
'Puro ka kalokohan dyan,"Halata sa boses ni Ethan na naasar na ito.
"Paano aalis na ako."Wika ko sa kanila sabay sakay na sa Chopper nA naghihintay sa akin.
Pilit silang ngumiti para ipakita sa akin na ok lang sila pero alam ko maiiyak na sila.😭.
"O yong sipon mo,Zain,tutulo na!"Malakas na sigaw ko kay Zain dahil nag-uumpisa ng mag-ingay ang Chopper.
"Puro ka talaga kalokohan!"Asar na wika nito.
Unti-unti ng tumaas ang sinasakyan ko,panay kaway naman sila sa akin na ang lulungkot ng mukha.
"Yong negosyo ko,alagaan nyo ha! Babalik ako!"Malakas na sigaw ko sa kanila.
"Mag-iingat ka Xyrll!"Malakas na wika nila sa akin. Sabay-sabay silang sumigaw kaya dinig-dinig ko."Tawag ka pagkadating mo doon!"
Napailing na lang ako. Para namang mga bata tong mga to.
Haisst.Nasa himpapawid na kami kaya napasandal na ako sa upuan.
Nagthumps-up naman sa akin ang Piloto,ibig sabihin ok na kami.
Napapikit na lang muna ako,malayo pa kasi ang pupuntahan ko.
Tapos medyo may hang-over pa ako kagabi.
Ang mga saltik na yon.
Nilasing nga ako.Napangiti na lang ako ng maalala ang mga kaibigan ko.
Promised pagbalik ko magiging isang mabuting tao na ako.
Babaguhin ko na ang image ko at di na ako mananakit ng mga babae.
Tama hindi na ako magiging pasaway at playboy.
Magiging mabait na ako.
Napangiti na lang ako dahil sa naisip.
Hanggang sa diko namalayan nakatulog na pala ako.😐
BINABASA MO ANG
My island girl (Completed) #The_6th_story
Ficção GeralSi Xyrll na lang ang natitirang bachelor sa grupo ng makapag-asawa na din si Claude. suddenly naisip niya na ang lungkot ng buhay niya. kaya nagdecide siyang umalis muna nagseselos kasi siya sa tuwing nakikitang masaya ang mga kaibigan na ang Fufuck...