Chapter 17

244 6 1
                                    

Marcus Daniel(Maco) POV

Si Jeck naman ang nagsimulang magkwento. "Ganto kasi yan isang beses nang nagpicnic kami.May iba't ibang pagkain kaming dala kasama na doon yung eggpie" paghinto niya.

"Ito naman kasi hindi pa pala nagpaalam" sabat ni Kie habang nakaturo kay Eggpie.

"Wag ka nang sumabat ako na magkukuwento" sabi ni Jeck.

"Tapos yun nga hindi nagpaalam yan si Eggpie. So ayon hanggang sa nakita kami ng mama niyan sa may bukid at nang makita siya kaagad nadampot nung mama niya yung eggpie na pagkain at inihampas sa mukha niya kaya iyon binansagan siyang Eggpie" pagtapos ni Jeck sa kwento dahilan upang magtawanan sila pero para sakin di nakakatawa yon kasi nung hinampas si Eggpie ng eggpie kaagad kami kumaripas nang takbo at dahil bata pa nga kami ay tumakbo kami nang matulin. Hanggang yon nalaglag ako sa malalim na butas buti nalang at walang tubig. Buti nalang din at di nila naisama yon sa kwento kung hindi pati ako pagtatawanan nila.

"Ang lakas niya manglaglag nakakahiya tuloy kay Monique" sabi ni Eggpie na hanggang ngayon ay pingtatawanan parin ni Monique.

"Aba di ka namin nilalaglag! Sinagot lang namin yung tanong nila" sabi ni Jeck kay Eggpie.

"Oo nga naman di ka naman namin kayang ilaglag eh" sabi pa ni Kiel kay Eggpie. At kapag binabanggit nila ang salitang nalaglag  para bang kinakabahan ako na baka bigla nilang maalala.
"Teka! Speaking of nalaglag di lang dapat ako ang inilaglag niyo pati syempre yung nalaglag" sabi ni Eggpie na may malaking ngiti sa mukha habang nakatungin sa akin. Tulad nang inaasahan mapupunta sa akin ang usapan dahil kay Rex na nagtanong kung bakit Eggpie.

"Oo nga! Naaalala ko may isa nga palang batang lalaki ang nalalaglag sa malalim na butas habang tumatakbo tayo" pagsang ayon pa ni Kiel.

"Sino yon? Wala akong maalala?"
sabi ko na para bang nagmamakaawa na wag na nilang ikuwento.

"Di mo kilala?" sabi ni Bibot sakin na meron naring malakung ngiti habang nakatingin sa akin.

"Hindi eh! Tara ligo na ulit tayo" pag iiba ko nang usapan na ssigurado akong nahalata nila.

"Wag mo ibahin usapan, dahil ang nalaglag non ay" pagbitin ni Eggpie habang seryosong nakikinig sa kaniya yung iba. "Ay IKAW" pagtutuloy niya na para bang nakacapslock lahat nang letra sa salitang ikaw habang nakaturo pa sa akin. Tulad nang inaasahan nagtawanan nanaman sila lalo na si Angel na may papalo palo pa sa balikat ko.

"Pano ba naman kasi napakabilis manakbo wala pang tinginan kaya yon laglag" panggagatong pa ni Bibot kaya yon di na sila tumigil kakatawa maging yung ibang kasama ni Rocky tumatawa narin. Nako naman! Sinasabi ko na nga ba at ganito ang mangyayare si Rex kasi may patanong tanong pa e. Para matigil ko sila at bigla akong nagsalita at tumayo.

"Tara ligo na ulit tayo bala kayo dalawang araw lang tayo dito" at yun na nga napatigil ko sila bago nagtakbuhan papunta sa tubig.

"Galing ko talaga!" proud na bulong ko sa sarili ko.

Nang matapos nanaman sila nagkaniya kaniya nanaman kami pero yung iba stay strong walang ahunan. Habang yung iba kumain ulit yung iba nagpahinga at natulog tas yung iba magkakausap tulad namin ni Angel magkatabi kami ngayon habang magkahawak kamay sa lugar na tahimik.

"Babes may tanong ako?" pagbasag niya sa katahimikan.

"Ano yon?"

"Paano kung malaman mo na mali ang lahat nang ito?" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Huh? Panong mali??" nagtataka kong tanong.

"Mali yung parang mali na lahat nang nangyayare sayo at sa paligid mo"

"Huh? Lalo akong naguguluhan eh. May mali ba sa akin?"

Napabuntong hininga siya bago nagsalita "Wala kalimutan mo nalang yung mga sinabi ko"

"Ahh ok" sabi ko nang biglang tumunog yung relo ko 6pm na pala. "Tara tulungan mo akong magluto" paganyaya ko sa kanya bago lumapit don sa iba.

"Tara luto na tayo para makakain na tayo" paganyaya ko sa iba pa.

"Sige! Gutom na ata tong si Jen jen ko eh" pang aasar ni Jeck di naman na siya sinagot ni Jen.

"Tulong narin ako!" sabi ni Monique.

"Sige" simple kong sagot.

Habang nagiihaw nang liempo si Jeck at nakaupo sa likod niya si Jen at katulong nila si Allen at Badeth. Ako naman at si Angel ay kasama si Kiel at Nini pati si Eggpie at Monique pero yung tatlo nawawala ata. Alam ko si Rocky nagkakasama yon eh yung tatlong kumag.

"Nakita niyo ba yung tatlo?" pagtatanong ko at napaisip naman sila.

"Sinong tatlo?" tanong ni Kiel.

"Sila Ken, Niño at Bibot" sagot ko kay Kiel.

"Ahh yun ba di ko alam" sabi ni Kiel.

"Oo nga! Kanina pa wala yon" pagsang ayon ni Eggpie.

"Eh kanina nandiyan lang naman yon" sabi ni Nini habang nakaturo sa may tubig.

"Oo nga! Nakita ko rin sila duyan kanina. Para bang may pinaguusapan silang ewan" sabi ni Angel.

"Tara hanapin na natin.Nang makatulong naman sila sa pagluluto para di puro kain" sabi ko at akmang tatayo nang magsalita si Monique.

"Di na kailangan nakita ko na sila" sabi ni Monique kaya napatingin kami sa kaniya.

"Asan naman?" tanong ni Kiel.

"Ayon oh" turo niya sa di kalayuan. Sila ngayon at magkakasama sila kasama din nila yung kausap ni Ken kanina.
Yung isa blonde yung buhok at maputi yung isa naman parang koreana singkit eh tapos yung isa pinay ata pero pangmodel yung katawan.

"Mga fvckboy talaga! Buti nalang di Kiel hindi nila kagaya" sabi ni Nini sabay yapos kay Kiel.

"Kala mo lang hindi" pangaasar ni Eggpie bago marahan na tumawa.

"Wag ako Eggpie" bawi ni Kiel bago tumingin sa malayo.

"Tigilan niyo na nga yan tatawagin ko muna sila" sabat ko sa asaran nila bago tumayo at hinila si Angel.

"Teka! Sama na kami!" rinig kong sigaw ni Monique kaya ayon kadama narin si Eggpie pati yung dalawa pa.

Habang papalapit palang ako narinig ko na yung usapan. Patay mapapasabak ata kami nito mga English speaking kahit yung pinay di nagpatalo ang lalalim pa nang salita. Kaya tumigil muna ako sandali dahilan nang pagtigil din nila dahil ako nga yung nauuna. Paano ko kaya sila maieexcuse??

____________________________________

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon