Chapter 15

238 8 3
                                    

Angel POV

Nang makarating kami sa palawan ay kaagad kaming naghanap nang matutuluyan.

"Ano saan tayo ngayon??" tanong ni Eggpie.

"Ehh kung sa El Nido Resort tayo?" sambit ni Jen.

"Oo nga! Sabi ng mga tropa ni kuya maganda daw don" sabi ni Nini.

"Sige! Pero bago yan kumain muna tayo" sabat ni Ken.

"Oo nga kanina pa ako magugutom eh" pagsang ayon ni Niño kay Ken dahil don ay tinanong ko na kaagad si Maco kung tatawagan ko na ba sila Rocky.

"Maco tatawagan ko na ba sila Rocky?"

"Itext mo nalang para mabilis tas hanap nadin kamo sioa nang makakainan" sagot niya. Kaya dali dali ko nang tinext si Rocky. Habang nag aantay sa reply ay pinagmamasdan ko yung mga puno sa gilid ng kalsada. Tama pala yung kaibigan ko maganda pala dito kasi ilang beses na ata silang nagpupunta dito nang pamilya niya. Nasa magagandang tanawin ang tingin ko nang magvibrate ang phone ko.

"Maco sabi ni Rocky may nakita daw siyang kainan kanina balikan nalang daw natin" sabi ko kay Maco habang seryoso siyang nakatingin sa daan.

"Sige" matipid niyang sagot. Ano kayang nasa isip nito?? Nang maitext ko si Rocky ay kaagad na pumihit si Maco para umikot ganon din yung dalawang sasakyan. 

Nang makarating kami sa sinasabi ni Rocky ay may kainan nga pero di kalakihan at magisa lang ito sa gilid nang kalsada na napapalibutan nang naglalakihang mga puno. Kapansin pansin din ang isang matandang babae na nakaupo sa may labas.

Nang makapasok kami ay nagkanya kanya kami nang order. Habang kumakain ay naramdaman ko na naccr ako kaya kaagad akong tumayo at nagexcuse sa kanila.

"Cr lang ako ha" sabi ko wala naman silang naisagot dahip patuloy lang sila sa pagkain kaya kaagad akong lumapit doon sa may babaeng pinagorderan namin at nagtanong.

"Ate saan po yung cr" pagtatanong ko.

"Doon sa may labas sa likod nito" sabi niya kaya kaagad narin akong lumabas at nagcr. Nang papasok na ako sa loob ay laking gulat ko nang tawagin ako nong matanda sa pangalan ko.

"Angel" sabi nang matanda kaya kaagad ako napalingon dito at sa paligid ko baka may kapangalan lang ako a tinatawag niya pero wala.

"Ako ho ba ang tinatawag niyo?" may pagtatala kong tanong habang nakaturo sa sarili ko.

"Oo ikaw nga! halika dito" sabi niya kaya dahan dahan na din akong lumapit.

"Bakit ho? Paano niyo ho nalaman ang pangalan ko?" wika ko.

"Gusto mo bang magpahula?" sabi niya. Manghuhula pala siya kaya nahulaan niya lang siguro pangalan ko kasi baka mukha talaga akong Anghel. Wala narin akong nagawa itatry ko nalang wala din namang mawawala.

"Ahh sige ho magkano ho ba?" wika ko.

"Ahh nako hindi ako nagpapabayad! Akin na ang kamay mo" sabi niya. Kaya dahan dahan kong inabot ang kamay ko at tinignan ito.

"Masama ang ginagawa niyong pangloloko" wika niya kaya medyo naguluhan ako pero lumiwanag din lahat kaya iniba ko nalang ang usapan pero ang galing niya.

"Eh about po sa lovelife at career ko" sambit ko.

"Makapagtatrabaho ka sa isang kilalang kompanya at don mo makikilala ang totoong para sa iyo" wika niya pero kung ganon di kami magtatagal ni Maco pero hula lang naman ito eh pwedeng mali.

"Sige ho salamat ho" wika ko bago bumalik sa lamesa namin.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Maco.

"Ahh hinulaan kasi ako nung babae sa labas" sagot ko.

"Anong sabi?" tanong ni Allen.

"Ano daw-" di ko na natapos nang biglang sumigaw si Ken.

'Teka!" malakas na sigaw ni Ken kaya napatingin kami sa kanya maging sila Rocky at kasama niya na nasa kabilang lamesa ay napatingin. "Asan ang Cr?" tanong niya.

"Don sa likod" sabi ko bago siya tuluyang lumabas.

"Ano Angel ano nang sabi nung manghuhula sayo?" tanong naman ni Badeth.

"Wala tara na tapusin na natin to tas pahula nalang din kayo" sabi ko nang matapos kami ay nagsilabasan na nga sila at nagpahula pero ako lumapit ako dun sa babaeng pinagtanungan ko kanina.

"Hello! Ako nga pala si Angel" wika ko.

"Ahh hi! Ako si Marian anak nang may ari nito. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" mahinahon niyang sagot.

"Ahh wala naman pero kaano ano niyo yung matanda sa labas?" pagtatanong ko.

"Ahh yun ba matagal na yan diyan pero di pa namin kilala alam mo ba kahit kailan di pa yan nagkamali aa panghuhula sinabi niya kahapon na darating daw ang isang grupo nang dayuhan at di siya nagkamali kahit nung mga nakaraang araw sinasabi niya kung ilan ang pupunta dito."

"Ahh ganon ba" sabi ko bago napaisip.

"At alam mo ba ang dami niya pang sinabi tungkol sa inyo tulad nang ma-" di na niya natapos ang sasabihin niya nang tawagin siya nang nanay niya siguro kaya dali dali itong pumunta sa may kusina. Langya naman di pa natapos yung sasabihin kaya lumabas nalang ako.

Nang makalabas ako nakita ko na si Maco na yung huhulaan. Katulad nang sakin ay hawak din nang matanda ang kamay nito.
Nang hawak na nang matanda ang kamay nito ay napailing nalang ito bago nagsalita pero naunahan na siya ni Maco.

"Bakit ho nay may problema ho ba?" pagtatanong ni Maco.

"Iho kung alam mo lang na napapalibutan ka ng mga traydor at sinungaling at isa pa iho tama lahat nang iniisip mo" sabi nito bago napatingin saming lahat dahilan para magkatinginan kami.

"Sino ho nay?" seryosong tanong ni Maco.

"Hindi ako nagbabanggit nang pangalan iho" sabi nito bago hinaplos ang palad ni Maco.

"Ahhh ok po nay ito ho ang pera kumain na muna kayo" sabi ni Maco na biglang nag abot nang 500.

"Wag na iho itabi mo na yan" sabi nang matanda.

"Sige po. Salamat po ulit" sabi ni Maco bago siya humarap samin. "Cr lang ako" dagdag niya.

Nang matapos siya at nakapagcr na rin yung iba ay bumalik na kami sa sasakyan at tumungo sa El Nido pero habang nagmamaneho siya ay kitang kita sa mukha niya ang pagkaseryoso at lungkot pagkatuwa di ko malaman ang tumatakbo sa isip niya. Isa lang ang nasisigurado ko magiging masaya kami sa 2 weeks na pag sstay namin dito.

____________________________________

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon