Chapter 7

304 10 0
                                    

Wilbert(Bibot) POV

Hinahanap ko pa rin sila Maco kaya pumunta na rin ako sa may tambayan pero wala naman sila don.

Naisip ko na baka magkakasama sila nila Rocky kaya kaagad narin akong pumunta don.

Nang makarating naman ako kila Rocky nakita ko yung van na ginagamit namin. Kaya kaagad akong kumatok pagbukas nang pinto nakita ko sila Maco at si Rocky.

Napatingin naman silang lahat sakin. "Ayan pala si Bibot e" sabi ni Rocky.

"Bibot san ka ba galing?" sabi ni Allen.

"Ano bibot sumagot ka!" sabi ni Angel. Kaso parang may mali nandito naman silang lahat kung ganon di hindi nila pinakelemanan yung cp ko.

"Bibot" sabi ni Maco sabay tapik sa pisngi ko natulala pala ako.

"Ahh may gusto kasi kumuha sakin at hinabol pa ako pero ok nanaman ako" sabi ko.

"Eh bat nga pala di ka namin
macontact?" tanong ni Nini.

"Kasi ano eh nalaglag cp ko nung tumatakbo ako" sabi ko napatawa naman sila. May nakakatawa ba don??

"Teka! Kung nandito ka asan si Rose??" sabi ni Kiel. Napaisip ako at yun na nga yung sinasabi kong mali.

"Aba malay ko!?" sabi ko.

"Kasama mo daw ah" sabi ni Eggpie. Kaya sobra akong nagtaka sa sinabi ni Eggpie.

"Ha? Sino may sabi?" nagtataka kong tanong.

"Yung mommy ni Rose. Galing kasi kami don kanina. Sabi nya nagkita daw kayo." sabi ni Maco.

"Sabi na eh" sabi ko.

"Wala ka namang sinasabi eh" sabi ni Ken.

"Tange! Tara na nga lang." sabi ko.

"Saan naman?" sabi ni Angel.

"Kay Brix" sabi ko.

"Angel mas mabuti kung umuwi muna kayo nila Nini." sabi ni Maco kay Angel.

"Oh sige! Mag iingat kayo ha" sabi ni Angel gayon din naman ang iba kaya ang panget din pag may gf eh.

"Ahh sige susunod ako tatawagin ko lang mga kaibigan ko" sabi ni Rocky.

"Sige" yan na lang yung nasabi ko at ttyaka umalis na kasama sila Maco.

Habang nasa van kami biglang nagtanong si Jeck. "Bibot alam mi ba kung asan sila?"

Napaisip naman ako kasi di ko nga naman alam kung asan sila.
"Ahh hindi eh! Pero hahanapin natin sila!" sabi ko.

"Saan nmn tayo magsisimula ??" sabi ni Kiel.

"Basta kahit saan" sabi ko.

Habang nagdadrive ako napansin ko na may mga lalaking naglalakad sa tabing kalsada at tila naghahanap. Nang namalayan kong sila yung kaninang mga lalaki.

"Mga tol ito yung nga nakasuntukan ko kanina!" sabi ko sa kanila.

"Siya tara resbakan na natin yan" sabi ni Eggpie.

"Easy lang Eggpie mas maganda kung susundan na muna natin sila" sabi ni Maco.

"Oo nga! Tama si Maco" pagsang ayon ni Kiel.

"Sige susundan muna natin to at nang sila na ang magdala satin sa bungad nila" sabi ni Niño.

"Inuyss dami mong knowss" sabi ni Ken. Nagtawanan naman ang mga kulokoy.

Napansin ko na sumakay sila sa isang kotse kaya dali dali ko itong sinabi kila Maco.

"Sige sundan mo lang" sabi ni Maco habang seryosong nakatingin sa sasakyan na sinakyan ng mga lalaki.

Nang makarating na yung mga sinusundan namin sa lugar na pupuntahan nila. Tumigil narin kami sa di kalayuan at kaagad naman naming tinext si Rocky kung asan na kami.

--------------------------

Angel POV

Nasa condo kami halos nagaalala kami para sa kanila kaya naisipan ko na munang magpaalam at bibili muna ako sa may Jolibee. Tumango naman sila at napangiti kahit papaano.

-------------------------

Eunice(Nini) POV

Habang nanonood at habang inaantay si Angel na bumalik biglang may kumatok sa pinto kaagad ko namang binuksan baka kasi si Angel na. Pagbukas ko nakita ko si Rose na may malungkot na mukha pero nagalak ako kasi nandito na siya.
Pinapasok ko siya sa loob at pinainom ng tubig.

"San kaba galing? Alam mo bang alalang alala kami sayo" sabi ko.

"Ok lang ako! Wala kayong dapat ipagalala" sabi niya.

"Teka tatawagan ko sila Maco para makabalik na sila dito" sabi ni Monique.

"Wag!" sabi ko kaya napatingin naman sila sakin.

"Baka kasi maistorbo natin sila malay niyo sinusundan na nila yung mga lalaking yon na tao ni Brix" sabi ni Rose.

"Ahh pano mo naman nalaman na   hinahanap nila yung mga tauhan ni Brix??" tanong ni Jen sabagay may punto siya.

"Kasi ano eh basta di na mahalaga yon ang mahalaga makaalis na tayo dito kasi sa tingin ko mas madali kayong mahahanap dito" sabi ni Rose.

"Eh saan naman tayo pupunta?" sabi ko.

"Sa may tambayan niyo kasi kokonti lang ang nakakaalam non" sabi niya.

"Pero si An-" di ko pa man natatapos yung sasabihin ko nang hilain na niya ako para umalis.

-------------------------

Marcus Daniel(Maco) POV

Papasukin na namin yung pinasukan nung mga lalaki kasi pagbukas namin isa lang tong bodega na puno ng gamit.

"Patay na! Mukang napagplanuhan nila to" sabi ko.

"Eh asan naman sila?" tanong ni Ken.

"Aba malay ko!" sagot ko naman kahit ako nagtataka kasi bigla silang nawala. Nang biglang may humarurot na mga motor sa labas hahabulin sana namin ito kasi binutas siguro nila ang mga gulong nang sasakyan.

"Tara na at bumalik baka nasa kapahamakan na sila ngayon" sabi ni Kiel kaya dali dali na kaming tumakbo at humanap ng masasakyan.
____________________________________

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon