Chapter 11

268 10 0
                                    

Jericko(Jeck) POV

Kasalukuyan kaming nasa daan ni Jen galing kami sa bahay nung Nanay niya. Nanay tawag niya sa Lola niya kung saan nandun din yung mga kapatid niya. Nag aalangan tuloy akong itanong kung asan yung mommy at daddy niya. Baka kasi patay na ito? O kaya ay hiwalay na at may sari sarili nang pamilya? Ano pa kayang pwedeng dahilan? Mas natatakot akong tanungin kasi baka bigka pang humagulgol nang iyak dito sa Jeep. Oo! Asa jeep kami ngayon papuntang mall sira kasi yung kotse ko at nahihiya naman ako manghiram kay Maco nang motor.

Saglit akong napatingin kay Jen problemadong problemado ang mukha nito kaya tinanong ko.

"Ok ka lang ba?" tanong ko dito pero hindi ito sumagot niyakap lang niya ang braso ko.

Hanggang makarating kami sa mall kumain kami pero di parin to gaanong nagsasalita. Nagsalita lang ito nung tinanong ko siya kung anong gusto niyang kainin.
Pagkatapos naming kumain niyaya ko siyang manood nang sine.

"Jen gusto mo nood tayong sine?" sabi ko habang magkahawak kamay kaming naglalakad. Hindi ito sumagot kaya inulit ko yung tanong ko pero tumango lang ito senyales na gusto niyang manood. Habang nanonood kami pansin ko na wala ito sa sarili para bang may malalim siyang iniisip. Natapos na yung movie pero tanging kalungkutan parin ang nakapinta sa mukha niya.

Tumayo na ito at tipong paalis nang bigla ko itong hinila at inupo sa tabi ko.

"What!?" malakas niyang sabi kaya halos napatingin samin yung ibang umaalis pero di ko na sila pinansin at mas pinagtuonan ko nang pansin si Jen.

"May problema ba?" tanong ko dito.

"Bakit mo naman naitanong yan?" sabi niya at biglang lumingon sa malayo.

Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi nito at iniharap sakin. "Kanina ko pa kasi napapansin na parang may problema ka. May problema ka ba? Kung meron sabihin mo lang di kasi akobsanay na nagkakaganyan ka. Mula pa noong umalis tayo sa bahay nang Lola mo habang nakain tayo di ka nagsasalita non pati kanina habang nanonood tayo halatang wala ka sa sarili. Ano bang iniisip mo?" sabi ko dito bago binitawan ang pagkakahawak ko sa pisngi nito.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita. "Pasensya ka na ha. Naalala ko lang kasi yung magulang ko" sabi niya habang nagpipigil na pumatak yung mga luha na namumugto sa mata niya.

"Ha? Bakit ano bang nangyare?" sabi ko pero bigla na lang niya akong niyakap at umiyak kaya yumakap narin ako.

"Ok lang yan. Ang mahalaga ligtas yung mga kapatid mo at magkasama tayo ngayon" pagcocomfort ko sa kanya habang hinihimas himas ang likod nito pero di parin siya gaanong tumitigil.

"Hoy! Ang ingay niyo!" sigaw nung nasa harap na upuan ko. Ngayon ko lang din napansin na nagsisimula na ulit yung palabas.

"Hoy! Hindi mo ba kayang patahimikin yan?!" sabi ulit nung lalaki sa harapan ko at bumalik na sa panonood.

"Tara na Jen alis na tayo. Wag kana umiyak nandito naman ako di kita iiwan" sabi ko kay Jen at tumigil narin naman ito.

Nang makatayo na kami pinauna ko na si Jen sa may labas. Pagkaalis naman niya kaagad kong sinipa yung upuan nung lalaki sa may harap ko kanina yung maingay.

Kaagad naman itong tumayo at nagsalita. "Ano bang problema mo ha?!" galit na wika nito kaya napatingin samin yung mga tao sa paligid.

"Tarantado ka pala eh!" sabi ko at tipong susugurin ako nito pero bigla nalang may umawat sa amin guard pala. Habang pababa ako bigla ko nalang narinig yung sigaw nung mokong na yon.

"Hindi pa tayo tapos! Hahanapin kita! May araw ka rin sa akin!" sigaw niya pero hindi ko na lang nilingon. Nang makalabas ako nakita ko si Jen na nag aantay kaya nilapitan ko na ito.

"Jen!" tawag ko dito at agad naman siyang napalingon.

"Oh! bat ang tagal mo??" tanong nito.

"Wala naman may inasikaso lang. Bakit may problema ba??"
sabi ko kay Jen.

"Wala naman pero nagtext si Kiel sakin"

"Ano namang sabi?"

"Sabi dumeretso na daw tayo sa may tambayan nandun na daw sila Rocky"

"Kung ganon di tara na" sabi ko dito. Napansin ko si Mokong na sinusundan ako at may kasama na pero di ko na gaanong pinansin dahil mabilis naman kaming nakasakay.

Nang nasa biyahe kami napansin ko na sinusundan kami nang pulang kotse. Pero di ako sure kung nakasunod nga sila sa amin.

Nang makarating naman kami sa paroroonan namin na wala naman yung pulang kotse. Nakita namin sila don naghahanda na nang hapunan. Boodle Fight!

"Jen mukang madami ka nanamang makakain niyan" sabi ko kaya sinamaan niya ako nang tingin.

"Joke lang! Ikaw namam di kana mabiro" pangaamo ko dito at kaagad naman akong binatukan nito.

"Si batok! Isa pa hahalikan na kita!" sabi ko dito."Arayyy!!" sigaw ko nang bigla akong binatukan ulit.

"Binalaan na kita ha!" sabi ko dito at hinawakan ang pisngi bago ko hinalikan sa malalambot niyang labi. Nakita ko naman na nakapikit siya at ninanamnam yung sarap napatigil ako nang biglang may sumigaw sa di kalayuan.

"Hoy! Jeck at Jen tigilan niyo na yan kumain na muna kayo mamaya niyo na ituloy yan!!" kaya pareho kaming napatingin ni Jen sa sumigaw. Si Bibot pala, panira talaga yun eh.

Nagpatuloy na kami ni Jen sa paglakad hanggang sa makarating kami don at nagsimula nang kumain.

"Teka may naalala ako!" napatigil kami nang magsalita si Maco.

"Ano yon?" tanong ni Angel kay Maco.

"Natatandaan mo Kiel noong isang araw. Sabi ni Rose kaya daw nila ginawa yon para maghigante?" tanong naman ni Maco kay Kiel.

"Oo nga eh" sagot naman nito.
Kahit ako narinig ko yon eh.

"Kahit ako narinig ko yon" sabat ko sa kanila.

"Pero kanino naman kaya sila maghihigante? Eh wala naman tayong nagawang mali sa kanila"
tanong ni Nini.

"Sure ba kayong wala?? Malay niyo may isa sa atin na nakagawa nang kasalanan sa kanilang magkapatid" sabi ni Badeth sa amin.

"Rocky may tatanong ako sayo" sabi ni Maco kay Rocky.

"Ano yon?" tanong naman nito.

"May nasabi ba sayo si Rose na paghihigantihan niya sa amin?" napatigil naman si Rocky sa pagkain.

"Hmmmmm! Oo pero wag niyo na alamin" sabi ni Rocky.

"Sabihin mo na para malaman na namin. Ok lang yan" sabat ni Eggpie.

"Di na kailangan mukhang alam ko na kung sino" sabi ni Maco kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Detective Conan ikaw ba yan?" tanong ni Monique sa kay Maco.

"So sino na nga?" tanong ni Rex na kala mo hindi alam. Siguro di niya nga alam.

"Si-

____________________________________





Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon