Chapter 4

382 11 0
                                    

Angel POV

*krringg* *krringg*

Nagising nalang ako sa sunod sunod na ring ng cellphone ko. Kaya kaagad ko itong hinanap sa kama at ng makapa ko ito agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at napatingin din ako sa upper part ng cellphone ko at nakita ko na 2:30 palang nang madaling araw.

"Ohmagad!" sabi ko habang antok na antok pa

Muli kong tinignan kung sino ang tumatawag at nakita kong si.

[Besh Calling...] kaya kaagad kong sinagot ito.

[Hello Besh] sabi nito.

[Oh besh anong oras palang ah? Bat ka napatawag?] sabi ko.

[Nagkaroon kasi ako ng masamang panaginip eh. Napahamak daw si Maco. Ok lang ba sya?] alalang alalang tanong nito.

[Oo! Ok nmn sya wag ka nang mag alala di ko sya pababayaan. Tyaka panaginip lang yan wag mo masyadong pansinin. Ito nga siya sa tabi ko ang himbing himbing nang tulog.]
sabi ko.

[Ok Salamat! Sorry sa istorbo at tyaka ganyan talaga yan.] kalamadong sabi nito sabay tawa ng mahina.

[Ok lang. Bye! Tulog kana ulit] sabi ko.

[Bye! Ikaw din] sabi nito sabay baba ng cellphone nya.

Nako talaga yon si besh masyadong sineseryoso ang lahat. Tinignan ko si Maco at lumabas na muna ako sa Tent para tanawin ang magagandang tanawin.

---------------------------

Marcus Daniel(Maco) POV

Nagising ako nang wala na sa tabi ko si Angel kaya kaagad akong napabangon nang biglang mag ring ang cellphone ni Angel.

[Besh Calling...] sinagot ko na agad ito.

[Hello] sabi ko.

[Maco ikaw ba yan?] tanong nito.

[Ha? Sino to? Kilala ba---] di pa man tapos ang sasabihin ko ay inend call nya na ito.

Kaya lalong nagulo ang isip ko dahil parang narinig ko na ang boses na iyon. Nagkita na ba kami? O nagkausap man lang? Kung oo,saan? Siya kaya iyon? Pero malabo kasi matagal na siyang wala. Di ko nalang masyadong inisip pa ang bagay na iyon hinanap ko na muli si Angel.

Pagkalabas ko nakita ko nmn si Angel na nakaupo sa di kalayuan. Kaya nilapitan ko ito at dahang dahang niya galing sa likod sabay kiss sa ulo.

"Bat ang aga mo naman nagising?" sabi ko.

"Eh ang lakas kasi ng hilek mo eh" pang aasar nya.

"Talaga ba?" sabi ko.

"Hindi! Joke lang" sagot nmn nito.

"Ready kana ba para sa pag alis natin next next week?" tanong ko.

"Oo naman!" sagot nito sabay hikab.

"Antok ka pa no?? Tara balik na tayo don nang makatulog ka na ulit" sabi ko at tyaka kami bumalik at muling natulog.

Kinaumagahan nakita ko sa tabi ko ang babaeng makakasama ko habang buhay. Ang ganda ganda nya talaga ang cute pa sobra at higit sa lahat mabait siyang babae. Pero paano kung may tinatago siya sa akin? Sino kaya ang mga magulang niya? at tyaka parang ang bilis ng mga pangyayare?

Pero bakit ko naman paghihinalaan ang katulad nya ngayong alam ko naman Na Mahal Na Mahal nya ako at sobrang bait niya pa sakin pati sa magulang at mga kaibigan ko.

Lumabas muna ako para bumili ng makakain namin nakita ko naman si Monique at Eggpie na naguusap sa may ilalim nang puno. Sweet ng ganon no? Yung nakaupo sa ilalim ng puno tas masayang naguusap.

Kaya yon hinayaan ko nalang sila
at umalis na muli sumakay ako sa motor ko at pumuntang bayan. Naisip kong bumili sa Jolibee kasi sabi nila don daw bida ang saya, para narin mawala masyado yung mga bumabagabag sakin na di malaman kung siya nnga ba yon.

Umorder nalang ako nang kung ano ano syempre yung masasarap. Nang nakalabas na ako nang biglang may tumawag sakin at napalingon sa kaliwa at kanan ko. Nang makita ko si Trina na kumaway sa akin sa di kalayuan.

Kaya nilapitan ko ito, "Musta kana??" tanong ko sa kaniya.

"Ok naman! Eh ikaw?" sabi niya.

"Kumain ka na ba??" sambit niya sa akin.

"Ahhh hindi pa Eh, pero laalus na ako bumili lang kasi ako ng makakain" sabi ko sabay taas nang hawak ko na supot.

"Ahhh ok. Pwede ba tayong magkwentuhan kahit saglit? Plssss" pagmamakaawa niya.

"Ahh sige basta saglit lang ha." sabi ko.

"Ano dito tayo mag uusap? Sa gitna nang daan?"sabi niya.

"Hindi dun nalang tayo sa may upuan" sabi ko.

Nang makaupo na kami bigla siyang nagtanong.

"Kamusta na kayo ni Leah?" tanong niya. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil naalala ko nanaman siya.

"Huy!! May problema ba?" dagdag pa nito.

"Ahh wala na kasi siya. Iniwan na niya kami eh" sagot ko.

Gulat na gulat siya sa sinabi ko kaya tinanong ko siya. "Bat ka nagulat? Ngayon mo lang kasi nalaman no?"

"Hindi! Ano kasi sigurado ka na bang wala na siya? Wag ka namang magbiro" sabi niya.

"H-ha?? Bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Wait! Matanong ko kaylan ba siya namatay?"seryoso niyang tanong.

"Mga mahigit 1 years narin" sabi ko.

Ngayon kitang kita sa mukha niya ang sibrang pagkagulat na may haling takot.

"Bakit ba kasi?" pangungulit ko.

"Kasi ano eh nakita ko siya last month sa Laguna sa may Enchanted Kingdom" sabi niya na may halong takot.

"Baka minumulto ka na nya??" pananakot ko pa sa kaniya.

"Hindi kasama niya siguro yung magulang niya nung nakita ko siya! Ang saya saya pa nga niya e" sabi niya.

Meron nang kung anong bumabagabag sa loob ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o hindi. May nabubuo tuloy sa isip ko pano kung buhay pa siya? pero kitang kita ko naman nang mangyare yon. Eh pano kung tama ako na buhay pa nga siya? Nagugulo ang isip ko.

Umisip nalang ako nang paraan kung pano ko lulusutan to. "Baka naman namimilik mata kalang?" yan yung naisip kong sabihin para mabawasan yung sakit na nadarama ko.

"Hindi! Promise! Siguradong sigurado ako kasi a--" di ko n siya pinatapos at umalis na ako.

Narinig kong sinugaw niya pa yung pangalan ko pero di ko na siya nilingon kasi parang sumisikip yung dibdib ko at nahihirapan ako.

____________________________________

A/N: Thanks sa pagbabasa.
Salamat sa vote comment nalang din kayo kung maganda ba o hindi.

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon