Chapter 14

246 10 0
                                    

Angel POV

"Baliw ka talagang lalaki ka!" sambit ko sa kanya feeling ko tuloy namumula ako sa kilig.

"Bakit may problema ba?" tanong niya.

"Wala naman! Tara na nga lang kumain na muna tayo" sagot ko sa kanya at hinila na siya papuntang canteen. Nang pumasok kami sa canteen ay agad namin silang nakita. Napatingin naman sila  sa amin nang makalapit kami sa kanila.

"Di pa ba kayo kakain??" tanong ni Eggpie.

"Ito na kakain na" sagot ni Angel
bago kami maupo at kumain.Nang matapos na kaming lahat sa pagkain ay tumambay muna kami sa labas at ang sarap nang hangin rinig na rinig ko ang bawat hampas nang alon ng karagatan. Gabi na kaya di ko narin masyado makita yung mga nasa tubig pero isa lang naalala ko yung sinabi sakin ni Maco kanina kahit para siyang ewan sa tingin at pinagsasabi niya. Mula kanina pag naalala ko yon ay di ko mapigilang kiligin di ko lang alam kung nahahalata nila ako.

--------------------------

Marcus Daniel(Maco) POV

"Ang sarap dito ang lamig!" sabi nung isang kasama ni Rocky. Di ko pa kasi kilala lahat ng tao ni
Rocky kaya di ko na napigilan ang sarili ko na lumapit kay Rocky at itanong ang mga pangalan nang mga kasama niya.
Nang makalapit ako nang husto sa kanya ay kaagad naman siyang napatingin sa akin at sinalubong ako nang tingin.

"Sarap dito Maco first time ko sa barko sarap pala" sabi niya at tumawa nang mahina.

"Kahit ako eh first time ko din eh"

"Ahh ganon ba?!"

"Oo nga! Teka may tanong ako" wika ko.

"Ano yon?" seryoso niyang tanong.

"Pwede mo bang sabihin sakin mga pangalan niyang mga tao mo iilan lang kasi kilapa ko eh. Yung iba kasi parang may sariling mundo minsan" sagot ko kaya napatawa siya nang mahina.

"Hindi naman sa may sariling mundo baka nahihiya lang sila sa inyo pero halika papakilala kita isa isa" sagot niya sa akin.

"Wag na sabihin mo nalang mga pangalan nila. Nakakahiya naman kung alam na nila yung pangalan namin tas pangalan nila di ko pa alam"

"Sige! Simulan natin dun sa lalaking payat na nakasalamin" sabi niya at tinuro yung tinutukoy niya."Yun ang nerd sa aming sa lahat sya ang pinakaweirdo mahilig siya sa pagiimbento pero wala pa ni isang imbensyon niya ang gumana"

"Ahhh halata naman eh!" sagot ko sa kanya bago tinignan nang mabuti si Joey sa salamin, brace at porma pa lang niya ay halatang halata na na isa siyang Nerd. Kaso ang nakapagtataka ay bakit nila ipinasok sa grupo nila ang isang nerd?? Itatanong ko sana kaso naunahan niya na ako magsalita.

"At yung kausap naman niya ay si Bob" sabi niya sabay turo don sa kausap ni Joey. "Siya lang naman ang pinakamahangin samin"

"Halata naman eh" sagot ko kaya nagkatawanan kami. "Eh yung nag iisang yon" sabi ko sabay turo don sa lalaking nag iisa.

"Ahh yon ba! Si Bruce yon isa sa pinakamagaling mag martial arts dun sa school namin at mas gusto niya lagi mapagisa kaysa madaming kasama" wika ni Rocky. Baka kaya Bruce ay dahil Bruce Lee!

"Ahhh eh yung isa na may magandang katawan" sabi ko sabay turo doon sa lalaking batak na batak.

"Si Leo kapag nawawala yan lagi lang nasa gym yan at yung nasa may kanan niya ay si Joseph sharp shooter namin sa galing bumaril nan siguradong isang putok isang patay at yung nasa kaliwa naman ni Leo ay si Michael siya ang pinaka sporty sa amin" sabi niya kaya tinignan ko isa isa yung tatlo.

'At yung dalawa don na nag iinom ay si Marky at Eric" sabi niya kaya napalingon ako don sa dalawang nag iinom. "Si Eric siya lang naman yung pinakamalakas uminom sa amin habang si Marky broken hearted lang yan tignan mo lasing na di naman kasi nag iinom yan eh" sabi niya bago siya uumiling.

"Mga babae talaga kahit kailan" wika niya sa malungkot na boses.

"Nako tol! Sabi nga nang Ex Batallion at O.C. Dawgs Hayaan mo sila na maghabol sayo yeah" wika ko. Ganda talaga nung kanta nang Ex B na Hayaan mo sila sayang lang at wala si Jroa.

"Geh tol sa susunod mo nalang sabihin yung iba enjoy mo muna tong gabi" sabi ko kaya nag angat siya nang tingin sa akin at ngumiti sabay Fist Bomb. Pagkatapos non nagpatuloy na akong lumakad papalayo sa kanya at papunta kay Angel. Nang makita ko si Angel ay kausap na niya si Kiel at si Nini.

Kaya kaagad akong lumapit at nagsalita "Kamusta ba tayo diyang mga pare" sabi ko at itinuon ang pansin ko kay Nini "at mare" sabi ko bago ko tuliyang mayakap si Angel galing sa likod.

"Ok lang naman" magkasabayang sagot nung dalawa bago sila magkatinginan at nagsenyasan.
"Geh una na kami" sabay nilang sabi bago umalis.

"I love you so much Babes" sabi ko bago siya hinagkan sa ulo.

"I love you too Babes" sabi niya bago humarap sakin at hinlikan ako sa labi.

"Ano yan ha?!" sabay kamung napalingon ni Angel si Niño at Ken pala. Dadagukan ko sana yung dalawa kaso pinigilan na ako ni Angel.

"Tara Maco pasok narin tayo sa loob" sabi niya bago ako hilain at nang makalayo kami dinig na dinig ko yung sigawan nung dalawa buti wala nang gaanong tao.

"Hoy! Maco mag helmet ka"

"Wag mong bibiglain"

"Wag sa loob dapat sa labas lang"

____________________________________

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon