Chapter 8

275 9 0
                                    

Angel POV

Habang palabas na ako ng Jolibee nakita ko sila Nini na kasama ni Rose. Tatawagin ko pa sana sila kaso nakita ko sa driver seat yung Brix at imbes na sila ang tawagin ko naisip ko nang tawagan si Maco.

[Hello! Maco asan ka??] sabi ko.

[Andito sa may tambayan. Bakit? Asan na ba kayo?] sabi niya.

[Nakita ko sila Nini na kasama si Rose. Mukhang papunta sila dyan]

[Si Rose nga ang nagsabing pumunta kami dito kasi papunta narin daw kayo. Bakit may problema ba??] sabi ni Maco kaya lalo akong napaisip.

[Kasi kasama nila si Brix kaya dapat na kayong umalis dyan]

[ Pero sinabi mo nang pupunta sila dito kasama nila Nini kaya haharapin na namin sila]

[Sige magiingat kayo]

[Sige na Bye na]

Pagkatapos nang usapan naming
iyon kaagad kong tinext sila Rocky para malaman na nila kung asan sila Maco.

(Thanks sa info. Otw na kami) reply ni Rocky.

Ito na ako ngayon litong lito kung ano pa mitutulong ko sa kanila.

-------------------------

Marcus Danie(Maco) POV

Habang iniintay sila na dumating dito nag kanya kanya na kami nang pwesto pero hanggang ngayon napapaisip pa din ako kasi bakit naman magkasama
si Rose at Brix? Ibig sabihin ba nito kasama rin nila si Rocky? Pero pano nga ba to magagawa ni Rose samin eh ang ayos ayos naman namin? Sa kakaisip ko di ko na namalayan na dumating na sila Brix na kasama si Rose naalimpungatan na lamang ako nang tumabi sa akin si Kiel.
Pasimple kaming tumingin di kami gaanong kalayo kaya naririnig namin ang pinaguusapan nila.

"Rose asan na sila?!" halos mainis inis na sabi ni Brix.

"Wala pa nga eh! May magagawa ba ako?" mahinahong sabi ni Rose at tila nagtaka ang mukha nito at tinignan silang lahat.

"Teka parang may kulang? Asan si Angel yung gf ni Maco?" nagtatakang tanong nito kila Nini na ngayon ay nakagapos habang nakaupo sa may lupaan.
Hindi naman sila sumagot at tila nagmamatigas tinanong ulit sila
ni Rose.

Napatingin si Nini dito na galing sa pagkakayuko at nagsalita
"Hindi namin sasabihin sayo kasi masama kang tao. Akala namin nung una mabait ka pero nagkamali kami sayo"

Lumapit sa kanya si Rose at hinawakan ang buhok nito nang mahigpit."Wag na wag mo ako pagtataasan nang boses! Tanndaan mo yan ha at-" sabi niya nang may pagkainis pero di na niya ito natapos nang magsalita si Brix.

"Hayaan mo na yan! Ang mahalaga ay mapapunta na natin sila dito para makapaghiganti!"

MAKAPAGHIGANTI. Di yan nawala sa isip ko. Kasi kanino naman sila maghihiganti gantong nakilala lang namin si Rose ng dalhin siya ni Bibot dito.

Bigla akong knalabit ni Kiel at tumuro naman siya sa lugar kung asan sila Nini.

"Ehh kung tawagan mo kaya sila ngayon" sabi ni Brix kay Rose.
Kaagad naming isinilent ang phone namin ni Kiel at sana sinilent din nung iba yung phone nila.

Nang magsimula na itong tumawag ay tila ba nainis yung mukha niya at nagsalita "Brix wala eh hindi ko sila matawagan"

"Lintik na yan!!" galit na wika nito at lumapit kay Nini at tipong sasampalin ito pero tipong patayo narin si Kiel para awatin ito pero kaagad ko itong hinila yun lang natapakan niya yung kahoy at nabali dahilan para mapatingin silang lahat dito sa lugar na tinataguan namin.

"Ano yon?" tanong ni Brix at napalingon lingon.

Lumapit si Rose kay Brix at tila may binulong sa mga tenga nito.

"Wayne at Carl hanapin niyo sila don isama niyo pa yung iba" sabi ni Brix at tinuro yung mga kakahuyan.

Sumunod naman sila papunta na nga sila dito at habang palapit sila nang palapit ay naghahanda narin kami sa mga pwedeng mangyari may mga baril sila pero bahala na.

Papalapit na sila ng papalapit nang isang van ang bumusina nang bumusina habang tinatahak ang kinaroroonan namin. Naisip ko na sila Rocky na nga iyon kaya medyo nawala na ang kaba ko, pero paano kung kasama rin nila Rocky si Rose yan naman ang bumabagabag sa loob ko ngayon.

Natauhan ako bigla nang siniko ako ni Kiel kaya napatingin ako sa kanya at ininguso niya naman yung mga lalaking palapit nang palapit samin. Nang makadating na yung sasakyan na maingay kanina napalingon yung mga lalaking papunta sa amin. Tamang pagkakataon para atakihin sila halos sabay sabay kaming sumugod habang nakatalikod sila at wala naman silang nagawa bumagsak sila sa suntok namin sa may batok. Di na siguro napansin nila Brix yung mga tao nila kasi nakatingin sila dun sa van ma dumating. Nang bumukas ang pintuan nang van niluwa nito si Rocky at hawak hawak niya si-.
Tama ang hinala ko!

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon