Reila
“Hoy, kaaga-aga ang ingay mo na naman," sabi ni Blake sa akin pagkatapos kong mapasigaw. As usual, masungit siya. "Ano ba kasing problema mo?"
Napansin na rin ni Elise yung necklace niya. Pati siya ay nagulat dahil tulad ako ay hindi namin aakalain na siya pala yung bagong bodyguard.
Lumapit ako sa kanya para mag-usap lang kami nang normal at hindi nagsisigawan. Ayokong gumawa ulit ng eksena lalo pa na transferee lang ako dito. Mahirap na makipag-usap sa kanila kapag ganoon. Nilapit ko yung bibig ko sa tainga niya at may binulong ako.
“Ikaw ba yung bodyguard ko?” bulong ko sa kanya dahil ayaw ko itong marinig ng mga bago kong kaklase.
Nagnod siya sa akin at pinikit ulit yung mga mata niya at nakinig ulit sa music. Buti naman at hindi siya yung feeling close. May sarili pa nga ata siyang mundo. Hay, ano ba kasi ang problema niya? May nagawa ba ako sa kanya para ganito ang pagtrato niya sa akin? Baka ganyan lang talaga siya sa lahat ng tao.
Nakarinig ako ng tumatawang sa likod ko at naalala ko kung kaninong boses iyon. Isa siya sa mga mayayabang na tao na kilala ko. Lagi na lang niya akong pinagtritripan. Wala naman akong ginawagawa at hindi ako bumabawi.
Beware!
“Hahahahaha! Anong nangyari sa iyo Rei? Weird ka talaga kahit kailan,” sabi ni Lance sa akin at tumawa pa siya ulit. Weird? Siya kaya yung weird! Ewan ko ba pero lagi na lang niya ako niloloko at naiinis na ako. Ugh, wala akong pake sa kanya kahit siya pa yung pinakaguwapo dito. Nakaka-turn off para sa akin yung mga sobrang kulit. Nakita niya siguro yung ginawa ko kanina. Hindi ko na lang siya pinansin.
Sige pa. Tumawa ka pa hanggang mabulunan ka diyan. Gusto mo tulungan pa kita diyan eh.
“Rei, ano nga ba yung nangyari sa iyo kanina?” tanong sa akin ni Elise at hindi rin niya pinansin si Lance.
Lagi kong kaklase si Lance noong elementary pa lang kami. Ewan ko ba kung bakit ganoon. Fate? No way. Not in a million years. Tapos, naging kaklase ko siya noong first and third year kami kaya matagal ko na rin siyang kilala. Pero kahit kailan talaga ay mapang-asar siya.
“Nice talking, tsk bahala na nga kayo,” umalis na rin yung papansin at habang naglalakad siya ay lumilingon sa kanya yung ibang babae, as usual. Si Elise naman ay kilala na yung pagiging nakakainis ni Lance kaya mag-aaway lang yung dalawang iyon.
“Siya yung sinasabi ko sa iyo kanina,” tinuro ko si Blake at nagulat doon si Elise.
“Talaga? Tss, kamalas naman natin diyan.”
“Hayaan mo na lang. Mas mabuti pa nga at ganito siya. Mukhang magaling din naman siya,” totoo naman na magiging mabuti ito para sa akin. Ayaw kong nasa akin yung attention lagi at may mga nanggugulo sa akin.
Pagkatapos niyon, dumating na yung teacher namin at isa-isa kaming nagpakilala. Hala, kilala na talaga nila ako sa eksena na ginawa ko kanina. Nakakahiya! Sana hindi nila pinansin masyado yung nangyari.
BINABASA MO ANG
Light of Darkness
ActionPwede siyang magtago sa bahay niya. Pwede siyang pumunta sa kahit saan niya gusto. Pwede siyang lumaban at gamitin ang kapangyarihan niya. There's only one catch. She'll never be safe. Ipinanganak sa mga taong may kakayahang gumamit ng enerhiya, ang...