Blake
Ang tagal naman ni Reila!
Kanina pa kami naghihintay sa kanya dito. Iihi lang daw siya. Ano na kaya nangyari sa kanya? Baka naman nadapa na iyon ta napunta sa nurse. Sana hindi mangyari yung kinakatakutan ko.
Sa tingin ko malala na ito. Dapat siguro binantayan ko pa rin siya. Hindi naman namin alam kung kailan susulpot ang kalaban.
Ba’t ko nga ba ito iniisip? Imposible naman na magka-alzheimer si Reila. Alam kong makakalimutin siya pero hindi ako naniniwalang mangyayari iyon.
“Presenting candidate number 26!” sabi ng nagi-introduce at lumabas na si Elise. Panghuli na siya ngayon. Pinakilala na niya ang sarili niya at nagpatuloy ang program hanggang matapos ang first part. Mamaya pa itutuloy yung second part pagkatapos ng break.
Nakikinig lang ako ng music sa upuan ko nang makita kong nasa harapan ko na si Elise.
“Hoy lalaki, nakita mo ba si Reila?” tanong niya sa akin.
“Hindi, bakit?”
“Eh nasa kanya kasi yung wallet ko at gutom na ako. Pahanap nga naman siya para sa akin,” request ni Elise sa akin at tumayo na ako. Siguro nga ang tagal na niyang wala at kailangan ko na siya este kailangan na namin siyang makita.
“Fine. Hahanapin ko na nga kung saan siya naglaho.”
“Okay, thanks bro,” pasasalamat niya sa akin na parang ewan at naglakad na ako paalis.
Hinanap ko nga talaga siya sa clinic at wala siya doon. Nagtanong din ako sa mga babaeng nasa cr pero ang sinabi lang nila ay, “Gusto mo ba malaman? Tara, pasok ka.”
Sigurado ako na wala siya doon. Wala rin naman siya sa classroom namin at canteen. Kanina pa ako naglalakad at hindi ko pa rin siya nakikita.
Babalik na sana ako sa auditorium nang makita ko yung wallet ni Elise. Nahulog siguro iyon ni Reila. Unti lang ang tao sa third floor ngayon at nasa second floor yung wallet. Mukhang walang nakakita niyon. Bumaba ako para kunin iyon at nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.
“Wah! Itigil niyo na please. Huwag sabi,” boses iyon ng nanay ni Lance.
Pumunta ako sa ground floor at nakita ko si Reila na nakaupo sa sahig. Pagod na ang hitsura niya. Pinalilibutan siya ng tatlong lalaki at pinagpapalo ni tita Coral yung isang lalaking may spiky hair. Teka, kilala ko siya! Sila yung Triple Trouble Gang ng Shaden. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga codenames nila ay Donut, Fries, at Cola.
Argh! Anong ginagawa nila kay Reila? Mukhang may kukunin sila kay Reila at necklace niya iyon. Tinaasan din nila ng kamay si Reila at hindi ko sila mapapatawad.
Tumakbo agad ako sa kanila at nagflying kick doon sa mukha ni Donut, yung may spiky hair. Buti na lang at nakasuot ako ng eye contacts doon sa Shaden at iba rin ang hairstyle ko. Plus may glasses pa ako. Kung hindi ay baka mamukhaan na nila ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Light of Darkness
ActionPwede siyang magtago sa bahay niya. Pwede siyang pumunta sa kahit saan niya gusto. Pwede siyang lumaban at gamitin ang kapangyarihan niya. There's only one catch. She'll never be safe. Ipinanganak sa mga taong may kakayahang gumamit ng enerhiya, ang...