Reila
Sumasayaw sila na para bang kailanman ay hindi sila nag-away. Nye, anong nangyari? Naalala ko tuloy yung nangyari doon sa ferris wheel.
“Lance, palit nga kayo ni Blake. Mas maganda kapag partner mo si Elise at pareho kayong matangkad,” true, si Lance at Elise ay matangkad talaga. Mas maliit nang unti si Blake kay Lance kaya siya yung pinartner sa akin.
“Ma’am, kaya na po nila iyan,” reklamo ni Lance.
“Hindi sila ang may problema, kayo. Kaya go na at tumatagal ang klase,” sabi ni Ms. Grace at nagsigh si Lance. Nagpalit na sila ni Blake at pumunta na siya kay Elise.
Tulad ni Lance ay namumula yung pisngi ni Blake. Baka hindi lang talaga siya sanay sa paghawak sa mga babae. “Tss, huwag ka na mahiya. Ako lang naman ito,” sabi ko sa kanya.
“Agh, iyon nga yu— tch,” sabi niya at sumayaw na lang kami. Tinignan ko si Elise at nakita kong okay lang sila ni Lance.
May napapansin na talaga ako kay Elise ngayon kapag kasama niya si Lance. Hindi ko sure kung tama ito pero sa tingin ko may gusto siya kay Lance. I don’t know, woman’s intuition? Sweet naman talaga si Elise pero ayaw lang niya ipakita. Ayaw niya aminin yung side niya na iyon. Nagpapakita lang iyon kung kinakailangan ng sitwasyon.
After niyon ay mabilis na natapos ang magdamag ko sa school at wala namang nangyari. Cleaners sina Blake at Elise ngayon kaya hindi ko sila kinakausap para nakaconcentrate sila. Pumunta na lang ako sa cr para umihi. Mag-isa lang ako naglakad papunta doon.
Maraming estudyante ngayon dahil uwian na kaya hindi ko maiwasan na mapatigil kapag may dadaan sa harap ko. Malapit na sana ako doon nang may humila sa kamay ko. Humarap ako sa direksyon kung nasaan yung taong nakahawak sa akin para malaman kung sino iyon.
Hinihila ni Sapphire ang kamay ko at ang lakas niya. Sumasama talaga ang katawan ko sa kanya. Para na siyang lalaki at sinilip ko talaga yung braso niya kumg may muscle. “Sapphire, ano bang ginagawa mo?”
“May ipapakita lang akong sikreto tungkol sa bodyguard mo na si Blake,” huh? Paano niya nalaman na bodyguard ko siya.
“Bitawan mo nga ako,” utos ko sa kanya at sinubukan kong makatakas sa kanya. Mahigpit masyado ang pagkakahawak niya at wala namang pumapansin sa amin. Pumunta na kami sa harap ng cr. Tinignan niya kung may tao sa loob at saka pumasok. Pagtingin ko ay kaming dalawa lang ang nandoon at binitawan na niya ang kamay ko.
“Reila, alam mo na siguro na taga-Shaden ako,” sabi niya at siguardo na ako. Kaya nga uncomfortable na kasama siya dahil baka may gawin siya.
“Don’t worry. I won’t hurt you, but maybe Blake will,” nagtaka ako doon sa sinabi niya. Una, mind reader ba siya. Pangalawa, bakit naman ako sasaktan ni Blake?
“Ano naman itong pinagsasabi mo?” tanong ko sa kanya. Hay, I swear ipapadala ko na talaga siya sa mental. Kukunin ko lang yung number niyon mamaya.
BINABASA MO ANG
Light of Darkness
AksiPwede siyang magtago sa bahay niya. Pwede siyang pumunta sa kahit saan niya gusto. Pwede siyang lumaban at gamitin ang kapangyarihan niya. There's only one catch. She'll never be safe. Ipinanganak sa mga taong may kakayahang gumamit ng enerhiya, ang...