Reila
Ang puti nang buong paligid. Iyon lang ang nakikita ko. Nawala sina Blake, Harold, at yung iba pa.
Panaginip lang kaya ito?
"Reila," may narinig akong boses lalaki na tumawag sa pangalan ko. Hinanap-hanap ko siya sa paligid pero hindi ko siya makita.
"Sa'yo ko idadaloy ang kapangyarihan ko. Alam kong mahirap itong intindihin pero malalaman mo ang lahat kung... makakaligtas kayo," dagdag ng boses at kinikilabutan na ako.
"Sino po kayo? Nasa'n kayo?" tanong ko sa kanya. Biglang lumiwanag ang paligid at nakakita ako nang lalaki. Ah, si Blake.
Teka, ba't parang lumiit siya nang unti?
Lumapit pa nang lumapit yung figure sa akin hanggang makita ko ang mukha niya. Sa hitsura niya ay naalala ko si Blake pero hindi siya iyon. Kamag-anak kaya niya iyon?
"Heto, nakatayo sa harap mo," sagot niya sa akin at may umikot-ikot na kulay sa paligid. Ang puting background ay napalitan ng masasayang kulay. Feeling ko nasa rainbow ako na kahit malapit ay kitang-kita mo pa rin ang kulay.
"Reila, maari ko bang hingin ang halik sa iyong labi?" tanong ng lalaki sa akin at nagulat ako sa sinabi niya.
Kiss daw?
"Ah! Rape! Bad dream! Gigising na ako!" panay sigaw ko at sinubukan kong lumayo sa kanya sa pamamagitan ng paglalakad pero para lang akong naglalakad sa hangin. Walang nangyayari.
Gosh, hindi ko alam na posible ito. Sa aking panaginip mismo ay may lalaking may masamang balak sa akin. Hindi naman ako magising.
"Teka, teka, teka. Wala akong gagawing masama sa iyo. Ito kasi ang paraan para idaloy ko sa iyo ang aking kapangyarihan," paliwanag ng lalaki sa akin.
"Hindi niyo po ba kaya na hawakan lang ako para gawin iyon?" tanong ko sa kanya at napatawa siya. Nakakatawa ba yung tanong ko?
"Hindi pwede. Ito lang talaga ang paraan dahil kapag bumalik ka na sa totoong buhay, maibibigay mo lang ang kapangyarihan sa paghalik din sa kanya. Sa kanya lang ito gagana dahil siya na lang ang natitirang taga-Shaden na lalaki na may dugo ko," sabi ng lalaki sa akin. Bigla akong napa-isip sa sinabi niya.
Taga-Shaden daw, lalaki at kadugo niya. Ibig-sabihin ba nito isa siya sa mga naging ninuno ng mga taga-Shaden. At kung kamukha niya si Blake nang unti, ibig sabihin ba si Blake yung tinutukoy niya?
Ibig-sabihin din nito ay patay na siya. Hindi rin ako nananaginip ngayon at nasa katotohanan pa rin ako, wala lang ako doon sa totoong mundo.
"Eh, sino po ba yung taong hahalikan ko?" tanong ko na medyo kinakabahan. Ang weird talaga ng pangyayari ngayon at unti lang ang naiintindihan ko. Panaginip lang ba talaga ito?
"Siya si..." ugh, may pabitin pa siyang nalalaman. Mukhang alam niya yung ginagawa niya at niloloko lang ako.
"Sino po?" ah, ugh, kinakabahan na ako. Siya ba kasi iyon?
Kung si Blake, kaya ko ba siyang halikan? May nararamdaman ba ako sa kanya?
Totoo ba itong nararamdaman ko?
"Si Harold," sagot niya at napanganga ako sa sagot ng lalaki sa akin.
"Ano po?! Si Harold?" tanong ko sa kanya. Oh no, no way na gagawin ko iyon. Akala ko ba paraan para makaligtas ako? Bakit siya ang hahalikan ko?
"Ito naman hindi mabiro. Si Blake!" tumawa siya nang tumawa at medyo nakaka-inis na siya. Patay na siya pero magaling pa rin magjoke. Ang weird niya! Seryoso kami ngayon pero halos wala siyang pake.
BINABASA MO ANG
Light of Darkness
ActionPwede siyang magtago sa bahay niya. Pwede siyang pumunta sa kahit saan niya gusto. Pwede siyang lumaban at gamitin ang kapangyarihan niya. There's only one catch. She'll never be safe. Ipinanganak sa mga taong may kakayahang gumamit ng enerhiya, ang...