Chapter 17

729 19 2
                                    

Blake

 

Ano naman kaya yung bad news ni tito?

Tito Dolphy: Blake, may bad news ako.

Wala muna ako sa bahay for one week kaya hindi ako makakapunta sa birthday ni Reila bukas. Hindi ko pa pala pinapayagan ni umalis si Kathleen doon sa hideout.

Hay, kaya naiinis sayo si Reila kasi ganyan ka. Bigla-bigla na lang yung mangyayari.

Tito Dolphy: Well anyway, nandiyan ka naman kaya “bantayan” mo si Reila. ‘Kay? Patulong ka sa mga tao diyan para sa birthday ni Reila. Natext ko na nga rin pala siya tungkol dito. Except doon sa last part na sinabi ko. ;)

Tinanggal ko na yung earphones ko at pinasok na yung cellphone sa loob ng bulsa ko. Lumingon ako sa kanan at nakita kong nakangiti pa rin si Reila. Pero sigurado ako na nabasa na niya yung message at tinatago lang niya ang lungkot niya.

Naihatid na namin sina Kiyo at Elise bahay nila at pagkatapos niyon bumalik na kami sa bahay ni Reila. Pumasok na ako sa loob at nagulat ako dahil nauna sa akin si Reila at tumakbo siya papunta sa kuwarto niya. Pupuntahan ko sana siya kaso naisarado na niya yung pinto.

Agh, malungkot na naman si Reila. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko sana siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkatapos niyon ay humiga ako sa kama at nakinig sa music. Nagsuot ako ng earphones sa tainga ko at nagsimulang mag-isip.

Birthday pala niya bukas. Alam naman siguro ito ni Elise kaya pupunta siya bukas para batiin si Reila. Syempre, umaga pa lang ay babatiin ko na siya. Bigyan ko kaya siya ng regalo? Agh, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka isipin niya na mahal ko siya. Totoo naman iyon pero ayaw ko nga na malaman niya.

Teka, sinabi ko bang totoo na mahal ko siya?

Argh, bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Saka hindi ko naman alam kung anong regalo ang ibibigay ko sa kanya. Iyon pala ayaw niya iyon.

No more excuses. Hindi naman kailangan na materyal na bagay ang ibigay ko sa kanya. Basta gawin ko lang siyang masaya.

Natigil ang pagmunimuni ko nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako agad at binuksan yung pinto. Nasa harap ko si kuya Jojo na may mga dalang screwdriver at kung anu-ano pa.

“Blake, okay lang ba kung may pagagawin kami sa iyo?”

***

Nagbihis ako ulit dahil aalis ako para bumili ng cake para kay Reila. Favorite daw niya yung chocolate kaya iyon ang bibilhin ko. Busy si kuya Jojo sa pag-aayos ng kotse dahil may sira ito kaya ako na raw ang bibili. Naglilinis naman yung mga maid ng bahay at nagtanim ng mga halaman para mas maganda tignan yung labas namin. Yung iba ay namili ng mga lulutuin sa palengke.

Nagsuot lang ako ng pantalon at isang dark red t-shirt na may design nang unti.

Light of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon