Part 2 : New Tyron

18 0 0
                                    

                             • Chapter 2 •

Tyron's POV

Natatandaan ko pa kung paano niya ko iwan para lang sa kanyang pesteng career na yan.

Oo na selfish ako, pero masisisi niyo ba ako? Mahal ko si Alex eh!

Flashback

"Hi. Baby! How are you? Miss me? I miss you. Where are you?" excited na sabi ko habang kausap siya sa phone.

"See me at the Coffee Shop,5pm. I have to tell you something!"

parang may iba sa mga sinabi niya pero di ko nalang inintindi basta I'm just excited to see her.

I haven't seen her  for almost two weeks, busy kasi ako sa company at siya rin naman sa pagiging model. Miss ko na talaga siya.

Kaya nga dali dali akong lumabas ng office dumiretso ako agad sa coffee shop. Maaga pa naman pero excited lang talaga kasi ako.

Naghintay ako ng ilang oras at dumating naman siya.

"Hi Baby."  sabay yakap ko sa kanya.

"Uh. Ty, I just want to tell you something."

parang kinutuban ako sa mga sinasabi niya.

"Pupunta ako ng States. I want to continue my modeling career there. They are giving me lots of projects and they want me to take it." mahinahon at tila walang pag aalinlangang niyang sabi.

"And its okay with me. I can visit you and you can also visit me here. Right?"

"Actually, I want to end up this relationship. I'm sorry but I have to this. I'm sorry."

sabay alis niya sa harapan ko.

Ang sakit pala. Masakit. Ang iwan ka ng mahal mo. Wala ka ngang ginawa pero mas mahal niya ang career niya kesa sa akin. Kaya pinabayaan ko nalang siya. Alam ko naman ang ugali ni Alex na kapag ginusto niya ang isang bagay, gagawin niya ang lahat paramakuha lang ito.

Wala na kong magagawa. Ginusto niya yun.

Pumunta nalang ako ng bar. Nagpakalasing.

Hanggang sa may isang babae ang tumabi sa akin. Di ko nalang tiningnan, paki ko ba dito. At habang umiinom ako ay kinuha niya ang baso ko at sabay halik sa akin. Di naman ako pumalag ngayon pa na iniwan na ako ni Alex.

Agad naman kaming umalis at pumunta sa isang hotel. Syempre nagpakasarap, alam ko naman na kahit ginawa ko ito, nandun parin ang sakit na iniwan sa akin ni Alex.

"Pare! Ano ba naman yan? Umaga pa para magdrama dyan. Si Alex na naman ba? Nagkita na ba kayo?" sabi ni Reid, ang bestfriend kong makulit. Dun ko pa nalaman na nakatulala na naman ako sa wala.

"Bakit ka nandito? Ano na naman ang kailangan mo dito?" seryoso kong sabi.

"Bakit pare kailangan ba talagang meron? Ang sakit ha?" tatawa tawa pa tu. Sarap sapakin. Ano naman kaya ang nakakatawa.

"Pare, may nakita akong chix dito kanina. Grabe parang dyosa talaga." parang kilala ko na ang sinasabi niya.

"Baka ang bagong model yun." lahat naman ata maganda sa paningin nitong mokong natu wala yatang sinasanto. Playboy parin hanggang ngayon.

"Pakilala mo naman ako oh! Hindi naman ako nakadiskarte kanina eh." ang laki ng smile, parang gusto na namang magtrip. Hay!

"Bahala kang dumiskarte. Huwag ako ang idamay mo!" gusto ba naman akong isali. Bahala siya.

Love me for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon