Kaitlyn's POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nung malaman ko ang kondisyon ko ngayon. Hindi ko rin naman sinadya nang madisgrasya ako nung isang araw.
Tinakbuhan ko lang naman ang pamilya ko sa States dahil lang dito sa problema.
Buntis ako. Tama! At 3 weeks na ito sabi ng doktor. Hindi ko pa rin sinasabi kay Ara ang kondisyon ko ngayon. Pero sasabihin ko rin naman.
Feeling ko kasi sinakluban na ako ng langit. Iniwan ako sa ere. Bulag, manhid at martyr. Isa ako sa mga pinakatanga na nilalang. Nagmahal lang naman ako kaya nga lang sobra eh! Sa maling lalaki pa ako nagmahal.
Sa taong walang alam sa salitang --
'Responsibilidad'
Wala naman akong balak na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko. Blessing tu na ibinigay ni Lord kaya mahal ko ito. Wala na akong pakialam sa ama niya na walang kwenta. Bahala na siya dahil wala na rin akong balak ipakita ang anak namin.
Ara's POV
Nandito ako ngayon sa condo ni Kaitlyn. Ako muna ang nagbabantay sa kanya ngayon. Hindi parin kasi niya sinasabi sa akin kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.
"Ohh! Bessie okay ka na ba?" sabi ko sa kanya kasi mukhang di pa siya okay.
"Okay na ako. Wag kang OA!" ganyan niya ako kamahal palagi akong nababara.
Ilang sandali tumakbo na naman siya papunta ng CR. Mukha yata may nakain siyang masama kaya nagsusuka.
"Bessie ano bang nakain mo? Ang putla-putla mo na oh! Hay! Kung anu-ano siguro ang kinain mo kagabi kaya ka nagkakaganyan."
nag-aalala lang naman ako sa kanya. Kung titingnan kasi nakakaawa talaga siya.
"Aaaaaack! Aaaaaaack!" hinahaplos haplos ko naman ang likod niya.
Maya-maya ay tumayo na siya.
"Okay lang ako." mukhang may gusto siyang sabihin saken.
"Uhm? Bessie may sasabihin ako sa'yo." yun nga ang hinihintay ko kaso sa utak ko lang naman siya sinabi.
"I'm pregnant. 3 weeks."
"WHAAAAAAAAAT?" na shock kaya ako dun.
"Oh? Narinig mo na yun."
"Who's the father? San kayo nagkakilala? Kaya ka ba umalis sa inyo kasi buntis ka? Alam ba ng parents mo?" hindi ko napigilan ang magtanong ng sunud-sunod. Concern lang talaga ako sa sa bestfriend ko.
"Ano ba Ara? Makapagtanong ka naman, talo pa ang taga-NBI. Nakilala ko lang siya sa New York nung nagbakasyon ako. Wala rin akong balak ipakita sa tarantadong lalaki na yun ang anak namin!"
Wala na rin akong magagawa kung yan ang desisyon niya. Kilala ko na si Kaitlyn ang gusto niya ay talagang masusunod.
"Ano bang pangalan nung lalaki?" tanong ko sa kanya.
"Huwag mo nang alamin. At wala narin akong pakialam sa kanya. End of discussion. Anyways, bakit ka pa nandito? Hindi ka ba hinahanap ni Tyron? Wala ba kayong date?"
iniba na talaga ang usapan.
"Mamayang gabi pa kami magkikita. Bakit? Pinapalayas mo na ba ako? Grabe ka ha? Pahawak nga ng tiyan mo." hinimas-himas ko ang tiyan niya kahit hindi pa naman malaki.
"Ano ka ba Ara? Hindi pa nga yan malaki."
"Ayieeee. Magiging Ninang na ako. Wow! Nakaka-excite naman." nakaka-excite naman talaga. Minsan lang din ako makakita at makahawak ng baby.
--
Tyron's POV
"What now Alex? I told you already. I love Ara so will you please stop. Find another man, that will love you." naririndi na ako sa pagpipilit ni Alex. Kung pwede pa ba daw ibalik kung anong meron kami noon.
Hindi ko na siya mahal.
Totoo.
Wala na ang dating pagmamahal na sa kanya ko lang ibinigay.
Sinayang lang niya.
Iniwan at winasak.
At ngayon na may mahal na akong iba, saka lang siya bumalik para balikan ako.
Iba na ngayon, kung noon pagpapanggap lang ang trato ko sa amin ni Ara.
Ngayon, mahal ko na siya at ramdam ko na mahal din niya ako.
"No, Honey. Remember I'll do everything. This time I will win you back." pagkatapos niyang sabihin yun na bahid napagbabanta ay agad din naman siyang umalis sa harap ko.
Kahit anong gawin mo Alex, si Ara na ang nagmamayri nitong puso ko na noon ay
nagawa mong iwan at wasakin.
--
"Hi. Babe. How's your day?" sabi niya sabay dampi ng labi niya sa labi ko. Kaya nga mahal na mahal ko siya because she never fail to let me feel how much she really loves me.
From her sweet gestures.
Sweet words.
Beautiful Face.
Plus being Sexy and Hot.
No Doubt.
She's the only one.
"Good. uhm? Shall we? Gutom na kasi ako." hindi kasi ako nakakain ng lunch kanina dahil sa mga meetings with the investors.
"Let's go. Kawawa naman babe ko." pinagbuksan ko siya para makapasok sa sasakyan na katabi ko lang nakaupo.
Sa isang Filipino-Cuisine Restaurant kami kumain. Mas masarap kapag Filipino foods at iyon din ang gusto ni Ara. Nagkwentuhan lang kami kung anong ginawa namin sa buong araw.
At nalaman ko rin na buntis ang bestfriend nito na si Kaitlyn. Tarantado lang ang lalaki at
hindi nito kayang panindigan.
Kung kay Ara man yun mangyari, hinding-hindi ko siya kailangan dahil alam kong kailangan niya ako sa mga oras na iyon.
Kitang-kita ko ang excitement ni Ara dahil magiging Ninang na raw siya.
"Pwede naman tayo gumawa, sweetheart. Ayaw mo nun, dugo't pawis natin gaga--Aray! Bakit ayaw mo nun? Excited ka nga sa iba--Aray! Aray!" nakakatawa talaga ang reaksyon ni Ara. Tawa lang ako ng tawa habang siya ay namumula na. Ang ganda talaga niya kapag nagbablush.
Hinampas niya ang kabilang braso ko. Grabe talaga tung babaeng tu hindi pa nga kami kasal bugbog na ako. Under yata ako dito.
"Anong pinagsasasabi mo dyan? Magnininang muna ako bago ako magkaroon. At yang ngiti mo ha? Ngiting aso ka naman." ihalintulad ba naman ako sa aso. Sa gwapo kung to? Aso? Huh?
Masaya na ako nakikita siyang tumatawa habang nawawala ang mga mata nito.
My Chinita Ara.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito.
Masaya sa piling ng isa't isa.
Masayang nagmamahalan.
BINABASA MO ANG
Love me for Real
RomancePaano kung nalaman mong pinaglalaruan ka lang? Pinagpustahan? Anong gagawin mo? -------------------- "Kelan nga ba Tyron? Yung masasabi mo na mahal mo na rin ako? At hindi na si Alex kasi -------- AKO NA!"