Part 4: Doubtful

13 1 0
                                    

                              • Chapter 4 •

Ara's POV

Alam niyo ba yung feeling na kilig na kilig ka na ng Toda Max!? hahahahaa.

Araw-araw na nga ako dinadalaw ni Tyron. Araw-araw akong may surprise galing sa kanya. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nitong mokong natu.

Ngayun gusto ko naman na ako ang magsusurprise sa kanya.

Pupunta ako sa office niya. Magdadala ako ng lunch para sabay na rin kaming kumain.

Aaaaaaaayyyyyy! hihih.

Yun nga! Tama! Magbbake din ako ng cookies para sa kanya. Sana magustuhan niya.  ^_^

Nagsimula na akung magbake. Hmmmmmm!

Ang bango. Cookies na may design ang ginawa ko. Merong heart, Kiss mark na design. Hihihih. Wala akong maisip eh. Pagbigyan niyo na. ^_^

Nagbihis na ako. Blue Flowy dress ang sinuot ko at isang parisian lang na flat sandal.

Hindi nalang ako nagtext sa kanya.

Suprise nga diba? Diba? ;)

Kinakabahan ako na parang ewan.

Nagddrive na ako papunta sa office niya.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator. Malapit na kasi mag12 noon. Kailangan sabay kaming maglunch.

Todo smile naman ako sa mga empleyado na bumabati sa akin. Lahat din sila nakangiti.

Ang ganda naman dito, lahat nakasmile.

Inspired din ata sila! ;)

Wala ang sekretarya ni Tyron. Eh? Nasaan kaya yun. Baka nagCR lang. kakatok na sana ako ng may narinig akong nag-uusap.

Di kasi nakasarado ang pintuan kaya rinig ko ang pag-uusap nila.

"Alam ko hindi mo siya mahal. Ginagamit mo lang siya para magselos ako. Ramdam ko Ty, ako parin ang mahal mo."

pamilyar ang boses na yun. Sinilip ko, tama nga ako. Si Alex nga. Pero tama ba yung narinig ko?

Pinaglalaruan nga lang ba ako ni Tyron?

Ang sakit naman nun. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Parang di ko kinaya ang  mga sumunod na nangyari. Sumilip ako ulit, sana nga hindi nalang ako sumilip ulit.

(Naghahalikan sila! Aaaaawch! Ang Sakit!)

Parang uminit ang mga sulok ng aking mga mata. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Umatras ako ng kaunti.

"Miss Ara, bakit po kayo nandyan? May ipagbibil --- "

di ko na siya pinatapos.

"Pa..pakibigay nalang kay Tyron. Salamat!"

utal kong. Alam kong kapag nagsalita pa ako ay tutulo na talaga tong mga luha ko. Alam kong napansin ito ng kanyang sekretarya kay nagmadali akong umalis.

Naguluhan siguro siya inasal ko kaya di siya nakasagot. Wala na akong pakialam.

Ang sakit eh! Ang sakit pa lang malaman na ginagamit ka lang. Pinaglaruan. Ewan ko ba.

Umiyak nalang ako dito sa loob ng kotse.

Kailangan kong mag-isip ng maayos.

Kailangan ko ng makakausap.

Tyron's POV

Ano na naman ang ginagawa niya dito?

Di pa ba tapos na saktan ako? Nakamove on na nga ako.

Love me for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon