Part 6: Love

12 0 0
                                    

Ara's POV

Naisipan muna naming kumain bago magpahinga malayu-layo rin naman kasi ang Batangas. Alam kong napagod rin si Tyron sa pagdadrive. Pero kahit pagod sweet parin.

Eto nga oh, bigla nalang akong niyakap sa likod. Yung feeling na hinding-hindi niya ako iiwan. Masaya kasi palagi siyang nandyan. Masaya kasi hindi siya napapagod na pasiyahin ako. Masaya kasi hindi siya nagsasawa na iparamdam sa akin araw-araw.

Masaya kasi may isang Tyron na nandyan para mahalin ako.

Sarap ng feeling kapag inlab! ^__^

"Hey! Ayaw mo pa bang magpahinga? I know you're tired." sabay harap ko sa kanya. Gwapo naman talaga nitong nasa harap ko.

"Kapag nakikita kita na-eenergize narin ako."

grabe mukhang tumaas ang dugo at alam kung nagblush ako. Ngumiti nalang ako, kinikilig kaya ako. Hihi ^_^

"Ang cute mo talaga kapag nagbblush.!"  tapos hinawakan pa niya talaga ang cheeks ko. Nahiya tuloy ako.

Dahil sa ginawa niya nagkalapit tuloy ang aming mukha. At sa hindi ko inaasahan hinalikan niya ako.

He kissed me gently. Iba yung halik niya ngayon. Lumalambot nga ang tuhod ko kaya napahawak nalang ako sa leeg niya. Lutang ako dahil sa mga halik niya. Hinila niya ako para maging mas malapit kami. At nang matapos kami sa ganoong sitwasyon, alam ko kahit nakapikit pa ako, alam kong nakatitig din siya sa akin. Pilit parin akong nakapikit. Ngumiti ako dahil sa sobrang saya. Hindi ko kasi inaakala na may magmamahal sa akin ng ganito.

--

Umalis ako sa puder ng mga magulang ko dahil gusto kong mamuhay ng mag-isa para maranasan ko naman yung tinatawag na FREEDOM. Bata pa kasi ako palagi nalang akong nasa bahay. Dito ako sa Pilipinas ipinanganak pero nung 2 years old palang ako ay nagmigrate kami sa Canada. Nandun din kasi nakabase ang company namin.

Dahil dito narin ako sa Pilipinas ipinanganak mas pinili ko na rin na dito magstay. Hindi naman nagalit sina mommy at daddy sa ginawa kong pag-alis. Wala rin naman akong kapatid.

Kahit na aksidente lang yung pagkikita namin ni Tyron alam kong isa na ito sa mga plano ng Diyos. Kahit nga noon palagi lang kami nag-aaway. Para nga kaming aso't pusa kung magbangayan. Pero mahal na mahal ko talaga

tung lalaking kasama ko ngayon.

Masarap magmahal kung alam mong mahal ka din ng mahal mo. Hindi naman natin alam kung kailan darating ang mga pagsubok pero kung sabay niyo itong lalabanan, madali niyo naman agad itong malalampasan.

"Ang lalim ng iniisip mo ah." di ko pala namalayan na hindi na pala ako nagsasalita. Nakatalikod na ako sa kanya ngayon at siya naman nakayap lang sa likod ko.

"Masaya lang ako." humarap ako sa kanya habang nakangiti.

"Sana nga ganito nalang tayo. Masaya." inangkin niya muli ang aking mga labi.

--

Kagigising lang rin namin galing sa byahe.

Late narin kaya nagdinner nalang kami.

Habang kumakain ay nagring ang cellphone ko at agad ko naman itong sinagot.

"What? Sa..Saan po?" utal kong sagot sa kabilang linya. At agad na naputol ang nasa kabilang linya.

"Ty si Kaitlyn. Naaksidente. Kailangan natin siyang puntahan." mangiyak-ngiyak kong sabi. Bestfriend ko si Kate at parang kapatid ko narin.

Hindi ko alam kung bakit siya naaksidente. Ang importante mapuntahan namin siya. Wala rin kasi dito ang mga magulang niya. Alam naman ni Tyron mahalaga rin sa akin si Kate.

Nagmadali kaming umalis.

"Sorry Ty." ngayon hindi ko na napigilan. Umiiyak na ako sa loob ng kanyang sasakyan.

Nasira kasi ang bakasyon namin.

Bigla niyang hininto ang kotse. Nakita niya kasing umiiyak na ako,

"Sssssh! Tahan na. Let's just have this some other time. Your friend needs you now so stop crying. Please." agad naman niya ako niyakap habang sinasabi niya iyun.

Agad naman akong tumahan. Nang masigurado na okay na ako pinaandar na niya ulit ang sasakyan.

"Bessy what happen?" naiiyak na talaga ako habang nakatingin sa sitwasyun ng kaibigan ko. Naka-cast ang kanyang kanang kamay at paa. Mabuti nalang kahit papano okay lang siya.

Hindi siya sumagot kaya hindi nalang ako nagtanong ulit. Gusto lang siguro niyang magpahinga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero may something talaga. Hihintayin ko nalang kung kailanman niya iyun sasabihin. May tamang panahon naman para sabihin niya ang lahat.

Love me for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon