Chapter 7 - Meet Andy Rivera
-Third Person's POV-
Wala masyadong ginagawa tuwing martes hanggang huwebes si Star at nagkaroon na ulit ng schedule ang pagiging student tutor niya. She's looking forward to it kahit dalawang linggo nalang bago ang exam, dedicated parin si Star at alam niyang kakayanin niya ang hamon sakanya.
Nakakagulat lang na pumasok siyang may mask dahil sinisipon pala siya at kulay pink ang ilong niya kakasinghot, inasar siya ng paulit-ulit ni Shawn at muling pinilit na lumabas at sumama sakanya sa cafeteria pero hindi parin siya nagtagumpay.
Nanatili lang si Star sa clinic at sinamahan nalang siya ni Shawn, his worried dahil alam niyang kaya nagkaganon si Star ay dahil naulanan siya kahapon, sana ginising niya nalang si Star at nakalabas ng maaga't di sana siya naabutan ng ulan that thought rush in him habang namamalagi sila sa clinic at natutulog si Star.
Patapos na ang klase nila at masyado nang maingay sa labas ng classroom, mas nauna kasing lumabas ang ibang section at ang malas nila dahil ang huling subject ngayon ay English. Akala nila matatagalan pa ang leave of absence ng teacher nila pero bumalik na pala ito. Akala ng mga classmate ni Star ay ligtas na sila ng isang linggo dahil sa short notice pero 'di ito natuloy.
Nagbell na at umalis ng dismayado ang teacher nila dahil hindi siya nakapagpaquiz, muli namang nabuhayan ng loob ang lahat at agad na nagsilabasan ang mga ito. Gaya ng nakaugalian ay late na lumabas si Star dala-dala ang kanyang mga libro at nagtungo na sa library kung saan niya tuturuan si Zander at siyempre dahil hindi na muling hahayaan ni Shawn na makauwing late si Star at walang kasama ay nagdahilan siyang may hihiramin siyang libro at magpapraktis siyang magsketch sa library, binitbit niya narin ang mga aklat ni Star kahit ayaw naman ni Star na ganun ang gawin niya kaya imbis na magtalo sila ay hinayaan nalang ni Star ang gustong gawin ni Shawn dahil masasayang lang ang laway niya kakatalak sa may katigasang ulo na si Shawn.
-Star-
All I could think is that I'm hungry pero wala akong ganang kumain, nag-iba panlasa ko. Gusto ko sanang pumunta ng canteen para bumili kaso tinatamad ako at ang ingay dun baka atakihin ako at masigawan ko ang mga andon na wala namang ginagawang masama saakin pero nang dahil sa sakit ko nadadamay ko sila. Naubusan ako ng enerhiya sa katawan matapos kung making sa English teacher namin, 'di ko pa kasi nagagawa ang mga activities ngayon may bagong dating nanaman. Matalino kami pero sobra naman kasi kung magbigay siya ng activities wala na kaming time sa ibang subject dahil naging priority na namin ang subject niya, nakakahilo isipin.
Nilalamig ako sa sobrang malakas ng aircon sa library, wala nang katao-tao sa loob at naging exclusive spot na ito after class dahil sa ST ko. Baka makatulog ako kakahintay dito, ang tagal naman ng anime looking guy nayon. Nagbasa ako ng manga nang sa ganoon ay hindi ako mabagot kakahintay dito total maraming gaoon si Shawn at pinapahiram niya rin saakin.
"Baka mahulog ka jan. Umayos ka nga ng upo." Suway niya sabay pitik sa noo ko na agad ko naman ginantihan ng batok. Buti nga sayo, ang bigat kasi ng kamay ng lalaking 'to.
"Now, what?" Sabi ko sabay yuko sa mesa nang maipatong ko ang aking ulo. Ano ba kasi pinainom saakin ng nurse ba't antok na antok na ako. Nabuhayan ako nang biglang bumukas ang pinto at 'andyan na ang tuturuan ko, naka-mask siya at nakasuot rin ng hoodie, a disguise huh? 'Di siya naka-uniform.
"I'm sorry, kanina pa ba kayo naghihintay? I'm Zander Rivera please call me Andy and be good to me." Matapos nun naupo na siya sa tapat naming dalawa ng kasama ko. Nakatingin lang ako sakanya at siya naman ay naglabas ng mga textbook niya.
"Wait. Gusto ko sanang malaman ang mga topic niyo since minsan ka lang nakakapasok. I know you wanted to be good in school and do what you are good at." Panimula ko, initially 'yon naman talaga ang nakikita kong dahilan kung bakit niya kailangan ng STP.

YOU ARE READING
The Falling Star
Novela Juvenil"Competing against oneself was the hardest thing a person had done.", And yet Star Guzman a Grade 10 student with a god-gifted level of intelligence conquers it all to achieve her dreams. She had a twisted, cold and basically doesn't care what other...