Chapter 8 - Call Me

15 0 0
                                    

Chapter 8 - Call Me

-Star-

"Ito na nga." Ani ko nang napipilitan. I can't believe this. He tricked me. Muli ko nang ipinasok sa loob ng bag ko ang mga gamit ko pati narin ang reading glasses ko, It's useless anyway.

"Where do you think you're going?" Sabi ni Shawn at hinarangan niya ako sa dadaanan ko, nakalimutan ko na tuloy na andito pa pala siya.

"Your heard him right? I owe her mom a dinner." Agad ko na siyang nilampasan at nilabas ko na ang susi ng library, ako kasi magsasara.

"Wait, give me your phone." Sabay lahad niya ng kamay niya saakin. Ano bang kailangan nito saakin?

"Why would I?" Pagtataray ko, ayaw ko ngang pinapakialaman ang gamit ko tsaka hindi kami close para ibigay ko sakanya number ko, mamaya jejemon pala siyang magtext.

"Just hand it over." Muling pakiusap niya. Hay nako, ang kulit! Binigay ko nalang sakanya nang matahimik na siya, narinig ko namang nag-dial siya at tumunog yung phone niya. Habang nagta-type siya sa phone ko ay pinaalalahanan niya ako, "Call me, I'll take you home." Saka ibinalik niya ang phone ko't nakasave na doon ang pangalan at number niya.

"I won't call you. I can go home by myself."

Is this what I'm supposed to say? CLEARLY HINDI KAMI CLOSE, bakit niya naman ako ihahatid? Magkapitbahay ba kami? Joiners lang, 'di ko kayang magtiwala.

"Sumunod ka nalang." Aniya nang medyo naiinis na. "Tumabi ka nga jan! Why would I call you?"

This is the right thing to do, trust your instincts Star.

"Fine! Then don't call me." Lumabas na siya dala dala yung bag niya. Screw it, I'm pushing everyone away from me. How hard could it be to trust someone?

I'm beyond rock bottom when I trust people's actions and words. It's insanely hard.

-Shawn-

Naiinis na ako sakanya, nakakaubos ng pasensiya ang babaeng 'to paminsan-minsan. 'Di ko alam pero lagi kasi siyang nagdududa sa mga ikinikilos ko, magsasalita pa nga lang ako o 'di kaya kinakalabit ko pa lang siya parang ayaw niya nang humarap saakin. Sa pag-walk out ko naiwan ko tuloy ang sketch pad ko.

Bukas ko na babalikan 'yon, matapos kung umalis sa tingin niyo babalikan ko pa yun? Hindi na no, bahala siya. Multuhin siyang mag-isa sa library. Nilampas ko rin ang taong tinuruan niya na Andy raw ang pangalan at dahil nauna akong umalis ay tinext ko nalang si Tita Briana nang hindi siya mag-alala.

---------------------------------------------------------
Tita Briana

Tita nauna po ako, 'di ko mahahatid si Star sa Johny ngayon.
Nagdinner po kasi siya kasama ang principal.
-----------------------------------------------


Wala na akong magagawa kung ayaw niyang tulungan ko siya, kailangan ko nang mag-isip ng ibang paraan para mapalapit sakanya, kung kailangan kong gayahin ang pananamit at ugali ni Brent gagawin ko, nauubusan na ako ng oras.

-Star-

Matapos niyang mag-walk out na akala mo bagay sakanya ay umalis narin ako at binitbit ang naiwan niyang sketch pad saka nilock ang library gamit ang authorization code na ibigay saakin ng librarian. Napaismid ako nang muling maalala ang ginawa niya, para talaga siyang bata.

Habang naglalakad ako dala dala ang sketch pad na-curious ako sa mga nakaguhit sa loob, parang kahapon lang nung may nilagay siyang doodle sa maliit na piraso ng papel nang ibalik niya ang phone ko, malinis ang pagkakadoodle nun kaya namangha ako, may talent pala ang isang 'yon bukod sa panggugulo at pang-iistorbo saakin?

The Falling StarWhere stories live. Discover now