Chapter 5 - The Deal

5 0 0
                                    

Chapter 5 - The Deal

-Star-

Nang makababa na ako sa unang palapag ng building namin ay nagtungo ako sa clinic. Medyo sumasakit na naman kasi ang tiyan ko, wala akong ganang kumain at inaantok ako. Mabuti naman at bukas na ang clinic ngayon ‘di tulad nung maaga akong pumasok nang nilalagnat ako.

Balak ko na sanang pumuntang clinic kaso sarado pa pala ito at inisip ko nalang na baka masyado pang maaga at matagal tagal pa bago dumating ang nurse kaya bumalik nalang ako ulit sa paglalakad, paakyat na sana ako ng hagdan at laking pasasalamat ko dahil hinablot ni Shawn ang librong dala ko kaso ‘di na ako nakahingi pa ng tulong sakanya nang nagpatuloy lang siya sa pag-akyat at ‘di ako nilingon. Nahihilo na ako nun at ‘di ko alam kung kaya ko pa bang umakyat baka ma-aksidente pa ako, pakiramdam ko kasi ang bigat ng katawan ko’t nasitayuan ang balahibo ko sa lamig. And all went black, that’s what happen saka ako nagising at nasa ospital na.

***

Bigla-bigla na naman niya (Jared) akong hinala. His always like this, hindi na ako magpapahila para dalhin niya kung saan na naman this time. Tumigil ako at dahil nakahawak parin siya sakin ay napahinto rin siya, sumingkit lalo ang mata niya at tiningnan na naman akong maiigi. Na-gets niya na sigurong namimilipit ako sa sakit ng tiyan ko kaya bumalik kami ulit at siya na ang nagbukas ng pinto ng clinic para makapasok kami.

Naabutan namin ang nurse na nag-aayos ng mga pinampalit niyang kurtina na nagsisilbing division ng mga kama doon, naupo ako sa tapat ng mesa ni Nurse Dian at agad siyang binati ng magandag umaga kahit namimilipit parin ako sa sakit.

"O ikaw pala Star, masakit na naman ba tiyan mo? Nako ah, palagi ka nalang ganyan baka hindi na simpleng pagsakit ng tiyan ‘yan." Tapos agad niya na akong sinuri nagtanong din siya kung kumain na ba ako at wala akong naisagot sakanya.

Napailing nalang siya saka ako pinahiga sa isa sa mga kama roon, inutusan narin niya si Jared na bumalik na dahil nagsimula na ang 3rd period ngayong umaga, pero nagdahilan rin siyang masakit ang ulo niya at matutulog sana siya. Naririnig ko pang inasar siya ni Nurse Dian kesyo ako talaga raw ang rason kung bakit ayaw niyang pumasok sa klase. I'm against the idea, di naman kasi siya pumapasok kahit noon pa, minsanan lang dahil may tinuturuan siyang 3rd year at nagpapraktis sia ng soccer.

Bakit ko alam? Let’ just say “keep your enemies closer." at dahil nakikinabang siya sa set-up ng mom ko saamin gagamitin ko naring advantage para saakin yun, namaman-manan ko ang bawat kilos niya at activities niya sa school and vice versa.

Nagkakagamitan lang kami. Minsan nang wala siya at may assignment pala sa English at late ko nang ginawa. Kinabukasan nun naasar siya saakin at tinanong ako "Bakit ‘di mo man lang sinabi, magkasama naman tayo." Tinutukan niya ako at parang papatayin niya na sa inis gamit ang mga mata niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay and rebutted "Ba't ko naman sasabihin? Obligado ba ako?"

Napikon na siya kaya mas binilisan niya ang paglalakad at iniwan ako.

***

Naramdam kong may taong umupo sa kamang hinahagaan ko dahilan para magising ako. Nakita kong umupo pala si Jared sa kama ko. Balak ko na sana siyang paalisin dahil medyo natabingi ako ng higa pero ‘di ko naituloy nang itinapat niya saakin ang isang pack ng Yakult at Mamon.

"Eat this." Tipid niya ring sabi at tumayo narin pagkatapos. Nagtalukbong ako ng kumot at muling sinubukang makatulog para maibsan ang sakit. ‘Di ako kakain nawalan ako ng gana dahil kay Shawn, naiinis parin ako. Ayoko na ayaw ko na ginugulo ang buhay ako lalo na ang nangingialam ng gamit ng may gamit.
***

The Falling StarWhere stories live. Discover now