Chapter 4 - Personal Space

5 0 0
                                    

Chapter 4 - Personal Space

-Star-

It's already 9:45 am, patapos na ang recess at maririnig ko na naman ang nakakarinding school bell, ayoko talaga sa maingay. Every now and then kapag naririnig ko 'yan bumibilis ang tibok ng puso ko, naninigas ako sa upuan at nanginginig minsan ang tuhod ko. That uncomfortable feeling of hearing loud noises most especially when someone shouts it hurt my ears and, it reminds me of my parents when I was little.

To distract myself nilabas ko nalang ang phone ko, checking if my mom message me weird stuff again. Seriously, ang mom ko na 'ata ang pinakamakulit sa lahat yet I let her behave like that. She often text asking how am I doing, madalas rin pinapapunta niya ako sa office niya kasama si Jared. 'Di ko nalang siya sinusunod minsan dahil malayo ang company building sa school at ma-traffic papunta dun, nasa downtown kasi katabi ng mga naglalakihang mga building while our school was located in a more reserved and less fancy part of Metro City.

Why bother, nagkikita naman kami sa bahay. Creepy nga minsan ang text ni mom because she's also asking me kung sabay ba kaming kumain ni Jared, for Pete's sake! 'Di kami close, 'di niya ba nahahalata 'yon sa tuwing nandoon kami sa office niya?

'Di ko rin naman kinakausap yung Jared nayon kung okay lang ba sakanya ang set-up ng mom ko at mom niya saamin dahil sa totoo lang wala rin akong pakialam basta't 'wag niya lang akong guguluhin kapag nagbabasa ako.

'Di ko dinadala sa school ang mga nobelang binibili ko online, I don't want them to share the same interest as mine, they are too noisy talking about Wattpad books and all but I'm not against the thought it's just because I hate the noise they make as they brag about good books to read since I like reading some too.

Habang kinukulikot ko ang phone ko ay bigla nalang itong kinuha saakin. "Oy, Star gusto mo bang kumain sa cafeteria mamaya? O titipon ko nalang tung phone mo mula sa third floor."

WHAT THE HELL! Nananahimik ako! Sa inis ko lumabas nalang ako baka kung ano pa masabi ko sa nakakainis na Shawn na'yon, lagi niya akong ginugulo napipikon na ako, ngayon naman kukunin niya bigla bigla nalang ang phone ko.

"Ayoko ko kumain ng lunch sa cafeteria ang iingay niyo!"

"Sorry pero 'di ko kasi nagustuhan sagot mo, dapat kasi umoo ka nalang para 'di na ako mag-eefort na itapon 'to." Sabi niya sa tunong pang-aasar tapos bigla siyang lumapit sa railings ng third floor, iniunat niya ang kamay niya at umacting siyang bibitawan niya ang cellphone ko para maging katapusan na.

'Di ko na siya sinagot, tumalikod na ako at nagmadaling bumaba ng hagdan para mas lalo siyang maasar saakin. Bahala siya sa buhay niya ang mga ganyang gawain 'di umoobra saakin, sanay na ako sa kakulitan ng kapatid ko, siya pa ba? Tingnan lang natin.

Buti nalang at hindi niya na ako sinundan pa sa paglalakad. Nakakasalubong ko na ang ilang mga classmates ko at ibang mga batchmates ko, many of them make way as they saw me. Ganito naman lagi kapag dumadaan ako sa hallway at may iilang estudyante akong nakakasabay their aware that I'm short tempered and hated noise too much kaya tumahimik nang konti at humina ang usapan ng ibang estudyanteng nadadaanan ko.

-Shawn-

Hay kainis! Mali naman kasi ang ginawa ko para mapalabas ko siya ng classroom nang makakain man lang siya, nag-walk out tuloy. 'Di siya nag-agahan dahil late na siyang gumising sabi ni Tita Briana, tinawagan ako ni tita kanina at sinabing bantayan ko si Star baka kung anong mangyari dahil hindi kumain. 9 minutes nalang matatapos na ang break.

Nagmadali akong habulin siya pero 'di ko na siya makita dahil marami nang estudyanteng paakyat ng hagdan. 'Di ko na hahayaang maulit ang nangyari noon, ang kulit ko rin kasi akala ko papansinin niya na ako dahil nakukulitan na siya pero mas lalo lang lumayo ang loob niya. Alam kong mahirap at mabigat ang responsibilidad dahil napapansin kong nahihirapan siyang makapukos sa pag-aaral dahil sa sakit niya kaya wala akong ibang magawa kundi ang magsilbing distraction.

Sa tuwing may malakas na tunog siyang naririnig gaya na lang nang pagkalampag ng pinto ng room namin tuwing may papasok o lalabas at pati narin ang mismong tunog ng school bell pagkatapos ng bawat klase ay nanginginig siya bigla para 'di mapansin ng iba naming kaklase umaacting siya na parang natutulog sa desk o kaya'y nagbabasa na lang siya ng mga kinopya niya, madali kong nahahalata 'yon dahil magkatabi lang kami. Gusto ko nga sanang takpan ang tenga niya pero baka naman mabigla siya tapos mababatukan niya na naman ako, masakit pa naman siyang mangbatok gaya ni Tita.

"Hey, watch where you're going!" Angal ng nakabanggaan kong babae at tinulungan ko siyang pulutin lahat ng nahulog niyang gamit matapos kung gawin ay mas lalong minadali pa ang paglalakad ko.

Saan ko siya hahanapin ngayon?

Sa mga club room kaya?

Sa rooftop kaya, imposible. Pababa siya ng hagdan kanina.

Sa gym kaya? Maingay doon dahil nagpapraktis ngayon ang basketball team.

Sa soccer field naman mainit.

Sa cafeteria naman maingay.

Nauubusan na ako ng pwedi niya pang puntahan.

Mababaliw ako sa kakahanap sakanya, malaki ang school na'to at 'di ko pa masyadong kabisado kahit tatlong linggo na mula nang lumipat ako.

***

'Di na ako pumasok sa dalawang subject dahil umabot ako ng 2 oras sa paghahanap sakanya, alam kong mali ang ginawa ko at napasobrahan ako, nakokonsensya talaga ako. 'Di ako nakapasok kakahanap sakanya, saan ba kasi siya dapat pumunta?

Kung i-check ko kaya ang girl's locker room o kaya ang CR, mapapahamak pa ata ako sa ginagawa ko, kasi naman baka 'andun lang siya at 'di siya lumalabas. Baka mapagkamalan akong nambubuso nito mapapasama pa record ko sa school.

Ano kayang gagawin ko maglulunch na siguradong marami na namang tao at mas mahihirapan ako dahil mas lalong hindi lumabas yun, takot kasi si Star na mapalapit ang loob sa iba liban sa pamilya niya, gusto nun tahimik at ayoko naman ng gusto niya, kailangan ko siyang bantay at obserbahan dahil di naman siya nagsasabi kung may nararamdaman siyang mga sintomas kay Tita Yvies, masyadong masekreto si Star at hindi yun maganda para sa kondisyon niya ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ang ibang estudyante at teacher dito nakikita na akong pabalik-balik sa dinadaanan ko, napatigil ako ng makita kong papalabas ng Clinic ang school nurse naming at agad ko na siyang nilapitan, tinanong ko na kung may tao ba sa loob, Ngumiti lang siya at sinabing nakaalis na kanina pa para pumasok sa classroom nila.

Agad akong tumakbo pabalik ng room namin matapos kong magpasalamat dahil alam kong si Star ang tinutukoy niya, sino ba kasing 4TH year student na tulad ko ang may kakaibang pangalan? Si Star lang naman pero bakit "NILA" at 'di niya ang sinabi ng school nurse?

[End of Chapter 4]


(A/n: Si Zander Neo Rivera po ang nasa picture. Here's Chapter 4 - Personal Space, Enjoy Reading!😊)

The Falling StarWhere stories live. Discover now