Chapter 9.1 - Kindness
-Zander-
Napapahamak ako lagi nang dahil sa masungit na babaeng yun. Kainis patatakbuhin niya akong Auditorium mula dito sa third floor, ang layo kaya nun.
Nang makarating na ako sa Auditorium nagulat ako dahil ang daming Faculty Staff, buti nalang at madilim sa pinto ang tanging may ilaw lang na parte ng auditorium ay ang stage at mga nasa unahang seat malapit sa stage.
Nagtago ako sa likod ng mahabang kurtina na nagsisilbing panakip ng sound system, mga ilang hakbang lang naman yun muli sa pinto at may hagdan paakyat, naiwan ko pa naman ang bag ko sa library dahil hinintay kong lumabas ang mabagal kong gumalaw na si Star, sa totoo lang pinagtitripan ko lang naman siya dahil ang totoo nyan napag-aaralan ko naman lahat ng mga tinuro niyang lesson na di ko alam, wala lang talaga ako sa fucos dahil mas marami na ang schedule ng taping at madalas rin akong nakakatulog dahil sa pagod. Nawawalan na ako ng oras mag-aral, salamat sa dad ko.
-Star-
Nasaan na ba kasi yung taong yun, kanina pa ako nandito sa tapat ng pinto ng auditorium, di ko matawagan ang number na ginamit niya kanina. Nakailang dial na ako bago ako sumuko at naglakad pabalik. Bahala siya sa buhay niya!
****
------------------------------------------------------
Calling... 0909*******●Answer●Decline
------------------------------------------------------Finally! "Where are you?!" Di ko mapigilang di sumigaw, naiinis na ako!
"I'm inside. Upstairs." Kalma pa siya niyan huh? Nako kapag naulit to babalatan ko siya ng buhay, pahamak. Sinabing wag nang lumabas ng library para di siya dumugin, nagmatigas parin.
"Come down here."
"I won't!" See ang tigas ng ulo. It's been 3 days since I'm teaching him.
"Where's Sec. Gab?"
"She's absent, why? Are you scared she might find out?"
"You brat! Come down here!"
"Relax, nothing bad happened." Sigh, so hihintayin niya pang may mangyaring malala pa kaysa nung nakaraan para tumigil siya.
"Listen, I'll get our things, I'll meet you at the Principal's office."
"What? No! Isusumbong mo pa talaga ako!"
"Wag mo akong sigawan!" Pinatayan ko na siya. Ang tigas ng ulo, nahihigh-blood ako. Sana makayanan ko ang katigasan ng ulo ng lalaking yun, ang bully talaga niya.
****
Naiinis akong bumalik ng classroom namin kahit dismissal na dapat nga sana masaya ako gaya ng mga classmate kong nakaalis na, kinuha ko lahat ng gamit ko at di ko pinansin si Aline, kukulitin niya na naman ako sa tarpulin na pinapagawa niya she's the vice president of science club. Tapos ko na yung gawin, ang gusto ko lang naman pasalamatan at tantanan niya na ako, kahit kelan talaga ang babaeng yun, cute siya at sobrang kulit.
Lalabas na sana ako kaso natigilan ako sa sinabi niya.
"Gagawin ko ang lahat para mapasalamatan kita. Maging alalay mo pa ako, ayos lang!" See, wala naman akong sinabi di ko naman siya pinilit maging alalay ko.
"Ok, help me out with my ST, I think that would be enough."
"Ang dali naman nun!" Proud siyang kaya niya ang tinuturuan ko? Right, [facepalm*] 'di niya pala alam kung sino. *Smirk*
We'll see about that.
"Come with me, I'll introduce you to him."
"Huh? Ngayon na agad?!" Hay nako, isa pa'tong babaeng 'to. Magkakasundo talaga sila nung bully nayon. Tsk, sabay iling at face palm. Why is this happening to me again?
****
Nang makarating kami sa Principals office ng kasama ko, akala niya nung una pinagtitripan ko lang siya, todo pa nga ang tawa at siko niya saakin sabay sabing bawiin ko ang sinabi ko pero natahimik siya bigla nung nakita niyang di ako natatawa sa akala niyang joke ko.
Ganito kasi ang nangyari. May sinasabi siya saakin at walang tigil siyang nagkwento mula library hanggang sa makarating kami sa Principal's office, natahimik lang siya nung tinanong niya ako kung sino nga pala ang tinuturuan ko. Mukhang kinabahan siya nang mag-smirk ako at nang sabihin kong si Zander Rivera, ay ayon umangal na siya na parang ang lugi niya sa usapan naman.
Sa totoo lang crush kasi ng Vice President ko sa club -Science Club- si Zander noon paman, bakit ko alam? Secret 'di niyo na kailangan pang malaman.
Tahimik ang kwarto nang makapasok na kami, yaong ingay ng aircon lang ang naririnig namin, I feel good. This is a place I wanted to be. Sa Principal's office kami namalagi dahil marami ang nag-aabang sa library kahit 6 pm na marami parin, akala siguro ng mga fans ni Andy 'andoon siya. Buti nalang walang nakakaalam na ako ang ST niya, kundi marami nang gusto akong balatan ng buhay.
I faked a cough to distract the two, ito namang nasa tabi ko kunwari inaantok tapos 'tong isa naman ang tahimik at may kasama pang "Sino ba kasi siya?!" look tuwing napapatingin siya saakin habang tinuturuan ko siya kanina pa.
"I talked to the Principal Reyes, lilipat ka na sa section namin pagkatapos ng exam." Kunwari nagulat siya pero ang totoo niyan alam niya na. Ang galing talaga umakting ng lalaking 'to. Itong katabi ko naman 'di ko alam kung natatae ba siya o ano, halata namang tuwang-tuwa siya sa sinabi ko. Wag mo akong titigan ng ganyan, alam kong masaya ka at 'di ka makapaniwalang nasa harap mo lang siya.
"She'll be your seatmate." Sabay turo ko sa katabi ko, nung isang araw kasi pinatawag ako ni Mrs. Reyes at balak niyang ipagtabi kami para mas madali ko siyang maturuan and I politely decline, gusto ko sana hindi ako makita ng ibang tao na kasama ang anak niya. Ayaw kong madumog isang araw paglabas ko ng room namin kaya bilang pabor sa ginawa kong tarpaulin namin para sa club si Aline Keith nalang ang tatabi sakanya, total crush niya naman si Zander mas mapapadali ang trabaho ko.
"What?! No way." Angal ni Aline. Susmaryosep, kunwari pang ayaw gustong-gusto naman.
"Alam mo ayos karin, sabi mo gus..." Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.
"Oo na, papayag na." Sabi ni Aline. See, nagblush pa siya pero tinakpan niya gamit ang wavy niyang buhok.
"Top 3 siya sa klase namin, I'm sure marami ka ring matututunan sakanya."- Ako
"Pero diba dapat ikaw ang katabi ko?"- Zander
"Unforntunately not. Besides~~" Lumapit ako sakanya ng konti pero 'di ganoong talaga, yung tama lang na marinig niya ang dugtong ko.
"Nagpapakopya siya ng assignment 'di gaya ko." Sabay smirk, ngumiti naman si Andy at sinabing ang talino ko talaga. Naghigh-five pa siya saakin sabay focus ulit sa pinapasagot ko sakanya. Sabin na nga ba papayag siya, ayaw niya pa noon, may mabait siyang seatmate.
[End of Chapter 9.1]
YOU ARE READING
The Falling Star
Novela Juvenil"Competing against oneself was the hardest thing a person had done.", And yet Star Guzman a Grade 10 student with a god-gifted level of intelligence conquers it all to achieve her dreams. She had a twisted, cold and basically doesn't care what other...