BOOK 1 - Chapter 6: Flashback

417 10 0
                                    

Taehyung's POV

Hay nako.

Bakit ba kasi ayaw nilang sabihin yung totoo sakin. Obvious naman na adopted ako eh.....

Si dad lang yung nagmahal sakin buong buhay ko sa loob ng bahay na yun. Si dad lang may malasakit sakin, pero si mom?! Tsss. Si Yoongi lang naman paborito niya eh. Si Yoongi yung kapatid ko na playboy at heartthrob. Pero mabait yung kapatid. Magkapatid kami, pero feeling ko adopted ako.

***flashback***

Sa wakas nasa bahay na rin ako.

Pumunta kasi ako sa mall para mag-relax. Pinagiisipan ko pa kung sasabihin ko na ba kay Irene na mahal ko siya o wag nalang. Natatakot ako na lumayo siya sakin. Ayokong mawala yung pagkakaibigan namin.

Hindi ko makakaya kapag iniwan niya ako. Kahit sinasabi nila na playboy ako, never pa akong nagka-girlfriend. Nakikipag-flirt lang yung mga babae sakin at sasabihin na boyfriend raw nila ako.

-_-

Paakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang tawagin ako ni mom.

"Saan ka na naman nanggaling ha?!" Sigaw niya 'sakin.

Hay nako! 'Eto na naman.

Lagi nalang ako yung pinapagalitan niya. Sinasabi nila na pinapagalitan ako ni mom kasi mahal niya ako, pero nasaan yung pagmamahal niya diyan?! Kahit kailan hindi ko naramdaman yung pagmamahal niya sakin.

"Galing lang po ako sa mall mom" magalang ko sinabi yan.

"Mall ka ng mall, hindi ka na nga nagtatrabaho ganyan pa ugali mo!" Sigaw niya.

"Ano ba problema mo ma?! Lagi mo nalang akong pinapagalitan, ang aga na nga ng uwi ko oh! 8 PM pa lang! Makapagsalita ka ha! Si dad lang naman nagtatrabaho dito ah! Akala mo hindi ko alam yung nakaraan mo?! Alam na alam ko na iba ang nanay ko at hindi Ikaw! Si Yoongi lang yung minahal mo kasi siya yung tunay na anak mo diba?! Tunay na anak sa ibang lalake." Sabat ko.

*SLAP*

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin yan sakin ah! Oo na! Hindi na ako nagtatrabaho. Oo na! Alam mo na lahat! Lumayas ka sa pamamahay ko!" Sigaw niya.

"Pamamahay mo?! Talaga?! Sige lalayas ako, Ikaw na magpaliwanag kay dad ha! Tignan natin kung sino paniniwalaan niya. Ako o Ikaw na ngayon palang nag-iisip na ng ipapaliwanag?!" Sabi ko sabay talikod at tumigil sa paglakad.

"Sabihin mo na rin na hinding-hindi na ako babalik dito sa pamamahay ninyo!" Dagdag ko.

Sumakay na ako sa kotse ko para hindi na ako mahabol pa ni mom.

Isa nalang ang naiisip ko na pwede ko puntahan. Si Irene, si Irene nalang.

Pero wag muna ngayon, mamaya nalang. Pupunta na muna ako sa park para maglabas ng galit.

Pagkadating ko sa park, pumunta ako sa place ko. Yes may pinagawa akong maliit na bahay dito na sakto para sa dalawang tao. Pero gusto ko kay Irene parin ako pupunta.

Pumasok ako at umupo sa may bintana.

Naramdaman ko nalang na tumulo yung luha ko....

Alam ko na para akong bakla, pero wala na akong pake.

"BAKIT BA LAGI NALANG AKO?!" Sigaw ko sa kawalan.

Naglabas lang ako ng naglabas ng sama ng loob. Pero naisipan ko nalang na pumunta na sa bahay ni Irene.....

***end of flashback***

Falling  In Love With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon