The Glory Of Being Free

15.2K 290 37
                                    

Chapter 11

"RAYA, what’s wrong? You looked haggard and your lines are showing. Daig mo pa ang gising buong magdamag. Bakit parang hindi ka masaya? Natupad na ang isa sa mga pangarap mo, ah.”
Inilihis niya ang mukha sa pag-iinspeksiyon ni Mariz. Totoong halos hindi siya nakatulog. Ganoon naman lagi. Sa nakalipas na mga buwan ay halos hindi siya nakakatulog kapag sumasapit na ang gabi.
Naroon sila nito sa pasinaya ng bagong tayong 3-storey dormitory building para sa mga scholars ng foundation niya na nakatira sa malalayong lugar. Magwawalong buwan na ang tiyan nito at ayaw nang papuntahin ng asawa nito sa kung saan-saan, ngunit nagawa pa rin nitong dumalo roon at mag-cut ng ribbon.
“Alam mo, ikaw lang naman yata ang ganyan ka-affected sa breakup n’yo ni Adrian. Kung talagang naging importante ka sa buhay niya, sana  man lang nagpakita siya ngayon. Alam niya kung gaano kahalaga sa iyo ang project mo na ‘to.”
Alam nitong nagpadala siya ng imbitasyon sa mansiyon ni Adrian. Ngunit gaya nga ng inaasahan na niya, hindi ito dumating.
“Raya, it’s been four months since your breakup. Sana naman palayain mo na ang sarili mo. It’s about time you move on.”
“I know. Pero paano ako makakapag-move on, Mariz? Hindi pa gumagaling ang puso ko,” aniya kasabay ng pagpatak ng luhang hindi na niya nagawang pigilan.
“Raya, I’m sorry I brought that up.”
Sumagap siya ng hangin, pinuno ang nagsisikip na dibdib bago iyon pakawalan. “It’s okay. Kahit naman hindi mo banggitin ang tungkol doon, hindi ‘yon nawawala sa isip ko.”
Binago na nito ang usapan. Trivial na bagay na lang ang mga napag-usapan nila bago sila maghiwalay. Nagpapasalamat siya na naging sensitive ito sa pagkakataong iyon. Alaga na kasi nitong ireto siya kay Kuya Cody. Bagay na madalas nilang pagtalunang magkaibigan.
Alas singko na silang naghiwalay ni Mariz. Pagod siya ngunit pinili niyang umuwi na lang sa bahay niya sa Sta. Rosa kaysa umuwi sa condo unit niya sa Makati.
Madilim na nang makarating siya ng bahay. Pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng halimuyak ng mga bulaklak. Marahil nagsimula nang mamulaklak ang mga tanim niyang camia at white lilies sa tabi ng man-made pond na ipinalagay niya sa isang sulok ng kanyang garden.
Iniiwan niya ang duplicate ng susi ng gate kay Ate Glory tuwing lumuluwas siya sa Makati. Nagboluntaryo itong diligan ang mga halaman niya at buksan ang garden lights niya sa gabi kapag wala siya. Kaya hindi napapabayaan ang garden niya kahit madalas na umaalis siya ng bahay.
Kapag nakakaamoy siya ng halimuyak ng bulaklak, naaalala na naman niya si Adrian. Masipag itong magbigay ng bulaklak sa kanya noong sila pa nito.
Adrian… hanggang kailan ba ako magmamahal nang ganito sa iyo?
Sa halip na magtuloy sa kanyang silid ay sa master bedroom siya nagtungo. Madalas niyang gawin iyon mula nang maghiwalay sila. Parang nakikinita pa niya kung paano ito nakahiga roon noong masagip niya.
Naupo siya sa gilid ng kama at hinubad niya ang kanyang sapatos. Dahil ang dating rubber slipper lang noon na ginamit ni Adrian ang tsinelas doon ay iyon ang isinuot niya, kahit mas malaki ang sukat sa kanyang mga paa.
Biglang tumunog ang doorbell. Mabagal na tumayo siya at lumabas ng silid. Isang lalaki ang nakita niya sa labas ng bakod. Hindi nga lang niya mapagsino dahil bukod sa suot nitong sombrero ay natatabingan pa ang mukha nito ng isang malaking bungkos ng bulaklak na ang karamihan ay mga naglalakihang stargazers.
May nagpadala ba ng bulaklak sa kanya?
Nang buksan niya ang pedestrian gate ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi pala delivery boy ang may dala ng mga bulaklak. “A-Adrian?”

“PUWEDE bang makatuloy?”
Nagising si Rayanisa sa pagkatulala. Nangurong yata ang dila niya, nanuyo ang lalamunan. Apat na buwan niyang hindi nakita si Adrian. Ganoon katagal din niyang labis-labis na na-miss ito. Wala sa loob na pinisil niya ang braso niya. Nasaktan siya.
“Hindi ka nananaginip, Raya.” Nakangiti pati ang malamlam na mga mata nitong tila sabik na pinagagala ang tingin sa kabuuan niya. “Ako ito, si Adrian, ang gagong boyfriend na nakipag-break sa iyo sa pag-aakalang iyon ang pinkatamang gawin.”
“B-bakit ka nandito ngayon?” Nakapa na rin niya ang boses niya sa wakas.
“Para humingi ng tawad sa ginawa ko. At hihingi rin sana ako ng permisong makaligaw uli sa iyo.”
Sukat doon ay napasigok na siya. Sinugod niya ito ng yakap. Pumikit siya at ninamnam ang init ng solidong katawan nito, ang panlalaking samyo, ang pakiramdam ng makulong sa mahigpit na yakap nito. She had missed that for ages. At kung nananaginip man siya, babaunin niya ang pakiramdam at mga sensasyong nararanasan niya ngayon kahit na magising pa siya.
Naramdaman niya ang dampi sa noo niya. “Does this mean I am forgiven, honey?”
Kumalas siya rito nang bahagya at pinagmasdan ang mukha nito. “Kahit kailan, hindi ko inisip na kasalanan sa akin ang ginawa mo.”
Kumislap ang mga mata nito. Umabot ang isang kamay at pinahiran ang luhang gumulong sa mga magkabling pisngi niya. “Totoo?”
Ngumiti siya at tumango. “Alam ko naman ang totoong dahilan kaya mo ginawa ‘yon. Alam kong kasinungalingan lang ang mga dahilang sinabi mo sa akin noon. Ipinagparaya mo lang ako, iyon ang totoo. Not knowing na hindi mo kailangang gawin iyon dahil hindi ko kayang magmahal pa ng iba.”
Nangilid ang luha sa mga mata nito. “Salamat, mahal ko. Ang totoo, kahit kailan hindi nabawasan ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa iyo. Para pa ngang lalong lumakas ‘yon habang magkalayo tayo. Kaya nga hindi ako nawalan ng pag-asa na isang araw, makakabalik pa ako sa iyo.”
“You’re the most selfless man I’ve ever met, Adrian.”
“And you’re the most loving, most caring, most sensitive and most lovable woman that I’ve ever met.” Bumaba ang mukha nito sa kanya hanggang sa magkatapat ang kanilang mga mukha. Naging anas na ang tinig nito. “I missed you so bad, honey… I love you so, so much…” Masuyo nitong sinakop ang mga labi niya.
Para siyang tinangay paitaas ng luwalhating naramdaman niya sa halik na iyon. I love you, too, Adrian Ngunit hindi pa nagtatagal ang halik nito nang bigla siyang napakalas. “Bakit- Adrian, hindi ka nawala!” bulalas niyang nanlalaki ang mga mata.
“Oh, honey, I forgot to tell you, malaya na ako. Wala na ang sumpa sa akin. Naawa sa atin ang Diyos, mahal ko. Inalis na niya ang sumpa sa akin.”
Napaluha na naman siya sa kaligayahan. Thank you, dear God.
Nang muli nitong sakupin ang mga labi niya ay tinugon niya ang halik nito ng kaparehong sidhi at pananabik.

A YEAR LATER…
Naghahabol ng hiningang huminto sa paghalik si Adrian kay Rayanisa. “Honey…”
“Why?” Kakalas sana siya sa pagkakayakap nito ngunit hindi siya nito pinakawalan.
Sampung buwan na silang kasal ni Adrian. Sa wakas ay nagkaroon din ng happy ever-after ending ang love story nila.
Kuwento noon ni Adrian sa kanya, isang spiritual counselor pala ang tumulong dito para makalaya ito sa sumpa. Sumailalim daw ang nobyo niya sa pagpapalakas ng spiritual life nito. Sa tulong din ng counselor na iyon ay nagawa nitong i-renounce ang sumpa at lahat ng mga negatibong bagay na idinulot dito ng mga pinagdaanan nito sa buhay. May ilang manifestations daw na nangyari dito pagkatapos. Tulad ng pagtangis. Nakatulong daw iyon para gumaan ang dibdib nito sa lahat ng pait na kimkim nito sa puso. Nagsuka rin daw ito ngunit pagkatapos noon ay naging magaan na ang pakiramdam nito.
Pinaniwalaan daw nito at pinagtiwalaan ang pangako ng Diyos na humingi ito nang may pananalig, at ipagkakaloob dito ang kahilingang iyon. Nang araw na makipagkitang muli ito sa kanya, iyon din ang unang pagkakataon na napatunayan nilang nakalaya na ito sa sumpa.
“There’s something about your kiss, today,” sabi nitong parang nagtataka.
“Ano naman?”
“I don’t know, parang… parang lasang gatas?”
Napangiti siya. Kinuha niya ang isang palad nito at dinala sa kanyang tiyan.
Namilog ang mga mata nito. “Are you saying what I think you’re saying?”
“Yes, Daddy Adrian.”
Kay lakas ng sigaw nito. “Magiging daddy na ako!” Pagkatapos ay pinupog na siya nito ng halik.

-end-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kissing The Naked Cinderella Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon