i

385 12 4
                                    

"Bilisan mo na ang pag-aaayos sa buhok ng aking kapatid, Mona. Malapit na siyang ipakilala ni Papá sa mga bisita." Pagsesermon ni ate Fiorella sa katiwala naming kasing edad ko lang, si Mona.

Labing-siyam na taon rin si Mona Anihay, isang Indio ngunit napayagan ni Papá na maging alalay ko, sa pagpupumilit rin ni Mamá. Namatay kasi ang nanay ni Mona na dating nagsasaka sa mga lupain namin, at isa pa wala na siyang matatakbuhan pa.

"Malapit na po ito, señorita. Ilalagay ko na lang po itong bulaklaking payneta at matatapos na po ako." Sabi nya at saka isunuksok sa nakapulupot kong buhok ang paynetang sinasabi nya.

Tiningnan ko ng maigi ang itsura ko sa salamin, at napangiti sa aking nakita. Naging mas marikit ako dahil sa mga iniregalong kolorete ni Papá, na ginamit naman ni Mona sa mukha ko. Nilagyan ni Mona ng unting kulay pula ang mga singkit kong mata, na namana ko sa pagiging kalahating Intsik ni Mamá. Dinampian na rin nya kanina pa ng pulang pangkulay ang aking labi at pisngi.

Ngayon ay nakasuot ako ng magkahalung pula at itim na baro't saya. Kulay pula na merong mga itim na linya ang saya ko. Itim naman ang nakapatong na tapis dito, na naburdahan ng mga gintong palamuti. Parehas namang puti ang kamisa at panuelo ko, ngunit may burda ulit na itim ang laylayan nito.  Ang lahat ng ito'y ipinasadya pa ni Mamá sa kapatid niya na nakatira sa Binondo upang wala akong makapareho ng suot.

"Halika na, napakagandang Claudia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Halika na, napakagandang Claudia. Nasasabik na akong ibigay ang regalo ko para sa iyo." Sabay hawak ni ate Fiorella sa pulsuhan ko at hinatak ako palabas ng pinto, papuntang kwarto nya.

Pagbukas nya ng pinto, nakita ko na agad ang kahong nakabalot sa pulang tela na nakapatong sa lamesita nya. Lumapit siya rito at kinarga ito.

"Mamaya mo na ito buksan bago ka matulog. Kaya't kung ika'y matutulog na, sabihan mo ako nang maibigay ko sa iyo. Sa ngayon, dito muna ito sa kwarto ko." Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Inilapag niya muna sa kama niya ang regalo at inayos ang kanyang baro.

"Halika na, ate Fiorella. Mamaya'y mapagalitan pa tayo ni Papá dahil tayo'y nahuli." At ako naman ngayon ang humila sa pulsuhan nya. Tumawa sya at isinara ang pinto nya.

Naiwang nakatayo sa pasilyo si Mona na halatang hinihintay kaming dalawa. Yumukod siya ng tiningnan siya ni ate mula ulo hanggang paa.

"Mona es muy gorda y fea. (Ang taba at ang pangit ni Mona) "

Sinimangutan ko si ate at inunahan siyang maglakad pababa. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang braso ko.

"Lo siento, Claudia. Hindi ko lang talaga matigil ang bibig ko lalo na't umaaligid sa akin ang estupidang Indio na iyan, at isa pa, may hindi akong magandang kutob sa kanya."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinambit nya, at saka ko siya binigyan ng isang yakap.

"Ate, alam ko namang gusto mo lang ako protektahan ngunit, hindi isang banta iyang si Mona. Matagal naman na natin siyang kilala hindi ba? Kaya't nasisigurado kong wala siyang gagawing masama. Kaya't tayo'y humayo na. Kanina pa tayo nagtatagal rito."

Letters to the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon