vi

62 1 0
                                    

"Sabi ko na nga ba't matutuwa ka sa sopresa ko, mi princesa. Alam kong matagal mo nang hinihiling na umuwi na ang kuya Juan Antonio mo. At tinupad ko nga iyon." sabi ni Papá habang nakaakap sakin. Ikinuwento ko kasi yung nangyari doon sa opisina niya, na siyang ikinatawa nila ni Mamá.

"Siyang tunay, Claudia. Sumakto ang dating ng sulat ni Papá sa España, aking kapatid. Katatapos lang ng taunang ensayo naming mga doktor doon, at nabasa ko ang sulat, kaya't napagpasyahan ko ng umuwi para sa iyong kaarawan. Sayang nga lang at hindi sumakto mismo sa araw ng kapanganakan mo ang pagdating ko." kwento ni kuya Antonio sakin. Nakita ko namang nalungkot siya ng papaano kaya kumalas ako sa yakap ni Papá at siya naman ang niyakap ko.

"Mahal kong Kuya Antonio, huwag kang malungkot. Masaya akong nakauwi ka ng ligtas kahit isang araw kang huli sa aking kaarawan." Isang mahinang kurot sa tagiliran ang binigay ko sa kanya para matawa siya.

"Hayan na naman ang pagkapilya mo, Ayang. Tigilan mo nga iyan, ginugusot mo ang damit ko." Saka niya ako binigyan ng maliit na ngiti at inayos ang aking buhok.

Sobrang natutuwa talaga akong nakabalik na ang aking kuya Juan Antonio. Halos apat na taon rin syang nawala rito sa bansa upang pumuntang Europa para makapag-aral ng medisina. Lubos akong nalumbay noong araw na umalis siya dahil, maliban kay ate Fiorella, sa mga magulang ko at mga criada namin, siya lang ang madalas kong kausap rito sa hacienda.

"Oh, natulala ka na ata dyan, anak. Halika na at baka mahuli pa tayo sa misa." sabi Mamá at nauna na sa paglakad patungong kalesa sa labas.

Heto na.

Huminga ako nang malalim at itinapak ko ang aking paa sa labas ng bahay, at nagsimulang maglakad patungong kalesa. Ganito pala ang nararamdaman kapag nasa labas. Masamyo at malamig ang simoy ng hangin at medyo mainit ang araw. Ganito pala.

Noong sumakay na kami, nanahimik na lang ako at tumingin tingin sa ventanilla o munting bintana na meron ang kalesa.

Hekta-hektaryang tanimang pagmamay-ari namin ang aming nadaanan bago tuluyang makalabas ng hacienda. Nariya't nakita ko ang mga ubrero na nagsimula nang maggapas at magtanim na ng bagong pananim. Ganyan pala ang ginagawa ng mga tauhan ni Papá dito sa hacienda. Ngayon ko lang ito nakita at naintindihan, ngunit mukhang hindi na ako interesadong malaman pa.

Ilang minuto pa ang nakalipas at narating na namin ang sentro. Bago pa pala namin marating ang bayan, ipinasara na agad ni Mamá ang bintana upang hindi raw ako makita ng mga tao.

Sa katunayan, ito ang unang beses kong makalabas ng bahay at ng Hacienda Gonzales. Sa loob kasi ng halos labingwalong taon ay ikinulong lang ako ng aking magulang sa aming bahay. Ang pinakamalayo ko lamang na napuntahan ay ang hardin sa likod ng casa namin. Kung kaya't ang tanging nakakakita lamang sa akin ay ang mga katulong sa loob ng casa, higit pa roon ay wala na. Wala rin akong mga kaibigan galing sa ibang pamilya o kahit sa loob mismo ng hacienda. Ni hindi ko wari kung bakit ako ikinubli ng aking mga magulang sa loob ng aming tahanan.

Natigil na lang ako sa aking iniisip ng bumukas ang pinto at bumaba si Papá at kuya Juan Antonio. Nang makababa sila, inalalayan muna nila si Mamá na makababa at ako naman ang isinunod.

Paglabas ko, tumambad sakin ang itsura ng simbahan. Naalala kong sinabi sakin ni Mamá na Nuestra Señora de Maria Immaculada raw ang ngalan ng simbahang ito. Itinayo raw ito magsasampung taon na ang nakakalipas, kaya't mukha pang bago.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakatingin samin- o baka sa akin, ang mga tao. May dalawang dahilan lamang iyan; una ay nagagandahan sila sakin, at pangalawa'y nagtataka sila kung sino ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon