iv

112 4 1
                                    


Parang may kung anong pwersa ang dumaan sa aming komedor, dahil biglang tumigil ang galaw ng bawat taong naroroon. Lahat ng atensyon nila ay nasa dalawang Ginoo na magkatabi sa mesa.

"Mawalang galang na po, Ginoo, ngunit ako mismo ang nagsikap para makamit ang posisyong ito. Marapatin nyo ho sana na huwag maliitin ang pagiging Indio ko." Sambit ni Heneral Patricio na mas lalong ikinasama ng tingin ni Julian. Sa sobrang sama ng tingin niya ay parang makapapatay siya anumang oras.

Bigla namang napasinghap at napatawa ng mahina si Julian sa sagot ni Heneral, "Ang mga Indiong katulad mo ay dapat nasa mga hacienda namin at nagtatrabaho ng maigi para may maipambayad sa tributo."

Uminom muna siya sa kopita niya bago nagpatuloy. "O kaya'y mas maganda kung may magtatala sa iyo para sa polo y servicio. Mas nararapat ka roon, mas mapapakinabangan ang lakas mo."

Dahil sa sinabing iyon ni Julian, ang Punong Heneral Rafael na ang sumagot pabalik.

"Mawalang galang, Ginoo, parang hindi ka ata nakinig sa kinwento ng aking amigo. Ang kinukutya mo ngayon ang itinalaga kong Heneral ng hukbong sandatahan para sa buong probinsya ng Laguna. Ipinapaalala ko lamang ito sayo, dahil baka nakakalimutan ng bibig mong lumugar sa tama."

Napayuko na lamang ang batang Heneral dahil rito. Walang sinuman ang may gusto na malagay sa gitnang lugar ng dalawang nagbabangayang kampo, at sa oras na ito, ang mga kampong iyon ay sina Punong Heneral Rafael at Julian.

"Huwag mo kong pagsalitaan na para akong mangmang gaya ng ibang Heneral na naririto ngayon. Sa isang salita ko lang, maaaring mawala ang posisyon ninyo."

Ibinagsak bigla ni Punong Heneral Rafael ang kanyang kamao sa ibabaw ng mesa, dahilan upang malaglag ang ibang kubyertos at kopita.

Maya maya ay narinig ko na lamang si Papa na pinapatunog ang kanyang kopita gamit ang kanyang kutsara.

"Sa tingin ko'y tapos na ang kainang ito. Kung gugustuhin niyo ay maaari na kayong umalis, pero may kasiyahan pa naman kaya dumito muna kayo."

Pagtapos na pagtapos mismo ni Papa sabihin iyon ay tumayo si Julian at lumabas. Siya lang ang kaisa isang lumabas at umalis ng hapag noon.

Nagpaalam naman ako kay Mama at Papa na pupuntang kusina upang tawagin si Mona. Magpapasama ako sa babaeng iyon sa hardin dahil sobrang nabigla ako sa nangyari habang kami'y kumakain.

Nang mahanap ko si Mona, dumaan kami sa pinto sa may likurang bahagi ng bahay para mabilis makapunta ng hardin.

Nang makalabas kami, ang malamig na simoy ng hangin at samyo ng mga tanim naming mga bulaklak ang sumalubong sa amin. Hinatak ko si Mona patungo sa lagi kong pinagpapahingaan, sa isang lamesita at upuan sa ilalim ng puno ng mangga.

"Señorita, bakit gusto niyong pumunta ng hardin? Gabi na po, baka kayo'y magkasakit." Sabi niya habang nakasunod sa akin. Umupo ako agad sa upuan ko at sinenyasan ko siyang maupo rin.

"Gusto ko lang naman magpahangin dito. Nawindang kasi ako sa mga narinig ko sa hapag."

"Gaya ng ano po, Señorita?"

"Gaya ng pagaaway ni Ginoong Julian at Heneral Patricio. Kinutsya kasi ng ginoo ang heneral sa pagiging Indio nito, kung kaya't nagsimula na ang sagutan. Napasali pa nga ang punong Heneral Rafael sa gulong iyon."

Mukhang nagulat naman ata si Mona sa narinig niya. Kumunot ang noo niya at bigla siyang nangalumbaba.

"Papaano ho nagyari yun? Indio si Heneral Patricio?! Mukha nga po talaga siyang Kastila. Kahit malayo pa lang ay makikita na may dugo siyang Kastila."

Letters to the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon