*ASSUMING*

312 0 0
                                    

Spoken Word Poetry

"Assuming"

Oo assuming ako
Kaya nga nasasaktan ako
Dahil sa pagmamahal ko sayo
Dahil akala ko mahal mo din ako
Pero akala ko lang pala.
Oo madaming namamatay sa akala
Yung akala mo mahal ka din niya
Pero ang totoo may mahal siyang iba
Masakit isipin diba pero kailangan kong tanggapin.
Walang kayo, at wala ding tayo
Sobrang sakit kasi alam mo na malabo na magustuhan mo ko.
Kailangan kong magparaya kahit hindi naging tayo.
Tatanggapin ko ang sakit makita ka lang masaya.
Oo masaya, masaya sa piling ng iba.
Kasi kung mapapasaakin ka di tayo liligaya diba?
Dahil alam ko at alam mo na ako lang ang magmamahal at hindi ikaw..
Mas masakit kung iisipin ko na maging tayo
Kahit malabo
Kaya masakit mag assume kasi inaakala mo na mahal ka ng taong mahal mo pero hindi pala. Saglit na kalandian ang pinadama para mahulog ang kalooban sa kanya. Saglit na kalandian upang paasahin at saktan ka. Salamat sa saglit na kalandian dahil jaan natutunan ko na ako lang, ako lang ang nagmamahal at hindi ikaw. Salamat Sa landing pinadama mo kahit hindi tayo.
Salamat sa landing pinadama mo at ngayo'y natuto na ako.
Maraming salamat sayo.
Paalam sa kalandian mo.
At paalam na sayo.
Oh minamahal ko

-Yel

Spoken Word Poetry ( TAGALOG ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon