Spoken Word Poetry
"PAGLABAN KAHIT IKA'Y PAGOD NA"
Bawat araw na lumilipas
Unti-unting nagbabago ang lahat
Unti-unting nababawasan ang saya
Unti-unting nagsasawa
Unti-unting lumalamig ang turing saakin
Pagod kana ba?Mahal mo pa ba talaga ko?
Susuko kana ba? Sawa kana ba?
Di kana nga ba masaya?
O mas masaya kana kasama ang iba?
Mas mahal muna ba sya at sa akin ay wala ng nadarama?
Mga tanong na gumugulo saking isipan
Sa paglipas ng araw itoy nasasagot
Ngunit di alam kung tama ba
O mali ang iniisip ko
Sana mali ako dahil di ko alam kung papaano ako
Kapag nawala ang taong mahal na mahal ko
Ang hirap magpanggap na ok ang lahat
Sa kabila ay gusto ko nang lumisan
Lumisan para di kuna maramdaman ang sakit
Sakit na dulot ng iyong mga malalamig na turing
Nagmistulang yelo sa sobrang lamig
Kakapit pa nga ba ako?
Mahal mo pa nga ba ako?
May iba kana ba o pagod kana talaga?
Sawa kana ba sa mga bagay na aking nagawa?
Susuko kana ba?
Mahal sabihin mo kung ikay pagod na
Mahal sabihin mo kung ikay sawa na
Mahal sabihin mo kung di muna ako mahal pa
Mahal masakit na pagod na ako lumuha
Mahal Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko
Mahal pagod na akong patulungin ng aking mga luha
Mga luha na di ko naman ninais
Ngunit kusang bumubuhos
Mahal may nagawa ba akong di tama?
Para tayoy masira sa di inaasahan panahon?
Panahon na mas kailangan kita
Mas kailangan ko ng taong magmamahal ng lubusan
Lubusan na kung gaano mo ako minahal nong una
Nong una tayong nagkakilala
Nagkakilala ng lubusan sabay ng pagmamahalang walang hangganan
Katulad ng mga pangako nating di magiiwanan
Hindi kuna alam mahal
Ang tanging alam ko lang ay MAHAL KITA
MAHAL NA MAHAL KITA
Pero ano na nga ba ang nangyayare satin mahal
Susuko na lang ba tayo?papatalo na lang ba tayo?
Lumaban ka mahal katulad ng punong matatag na kahit anong pagsubok ay di bibigay
Katulad ng paglaban ko higit pa sa punong matatag,
Kahit gaano kadaming bagyo ang dumaan
Di ako bibitaw sa pagkakakapit
Katulad ng pagkapit ko sa mga pangakong ating binitawan
Na buong buhay kung panghahawakan hanggat akoy nabubuhay
Akoy lalaban hanggat ikay nasa akin
Dahil di ko nanaisin na ikay makita na masaya sa piling ng iba
Lagi mong tandaan na mahal kita at ikaw lang ang minahal ko ng ganito
At ikaw na lang ang mamahalin ko ng ganito
Hanggang akoy lumisan sa mundong ikaw ang nagbigay kulay at saya
MAHAL KITA MAHAL NA MAHAL KITA
DI KITA BIBITAWAN HANGGANG KAYA KO PA
SANA NAMAY KUMAPIT KA KASABAY NG PAGKAPIT KO
AT WAG NA WAG KANG SUSUKO
DAHIL ANDITO LANG AKO SA TABI MO DI MAWAWALA
MAHAL KITA AT KUNG MAPAGOD MAN AKO IPAGLALABAN PARIN KITA HANGGANG SA AKING HULING HININGA!
BY:YeL_Marquez
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( TAGALOG )
PoesiaPlease Vote! Please Vote! Please Vote! .-Our-.