KALAYAAN

1.6K 3 0
                                    

Setyembre bente uno
Isang malagim na anibersayo
Sino nga ba ang nakalimot ?

Sa madugong kasaysayan na
Nag dulot ng poot?
Poot at galit ng sambayanang pilipino!
Pilipino na nakakaranas ng hignapis at kahirapan,
Kahirapan! Sa maduming politikang ipinatupad,

Sino nga ba ang hindi makakalimot?
Sa ganitong karanasan
Karanasan sa madugong kasaysayan,
Kasaysayan na nakatatak na sa ating isipan,

Pilipinas, pilipinas, kailan kaba makakamtan ang kaginhawaan
Laban sa maling patakaran !

Patakaran sa gobyernong may nakaupong may kapangyarihan,

Masunod lang ang maling patakaran

Patakaran na nais ng iilan mabigyan ng katarungan at kalayaan,
Kalayaan! Kalayaan! Na nais ng karamihan,
Kalayaan para maliwanagan

Maliwanagan sa madilim na karanasan,
Karanasan?
Karanasan sa mga taong namatayan at nasugatan,
Nasugatan dahil may pinaglalaban para sa kalayaan,
Kalayaan kalayaan kailan kaba makakamtam ng Pilipinas?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry ( TAGALOG ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon