"NAKAKULONG SA KANILANG ISIPAN,
WALANG REHAS O BANTAY NGUNIT NAPAKAHIRAP TAKASAN,
MADILIM AT MASIKIP, TANGING IISA LANG ANG LIWANAG,
ITO AY KAMATAYAN; ANG LAGUSAN. BANGGIT NG SA KANILA AY TUMATAWAG"Ang depresyon, Ay likha ng mga taong kulang sa pansin.
Mula sayo, Na di pa sumubok na sumilip sa bangin.
Ng kalungkutan na sa kanila ay mahigpit na nakayakap.
Nakalikha ng maraming sugat sa kanilang mga balat.
Mga hiwang nasa likod ng mahahabang tela.
Nag iwan ng markang kita sa kanilang mga mata.
Na hindi na maitago ng suot na maskara.
Nag babalat kayo na sila ay talagang masaya.
Tuwing gabi sa isang sulok ay parating umiiyak.
Umaasang sa pagtulog sana ang araw ay di na sumikat.
Kada bagong umaga ay walang pagasang masipat.
Kada humihilom na sugat ay nag iiwan ng lamat.
Kaya nang nagkaroon ng pagkakataon na sila ay makalaya.
Pinili nila ang kamatayan dahil madali at mas mabisa.
Ngayon alam nyo na. tulong kanilang kailangan at hindi ang inyong mga nanghuhusgang tawanan.-Darrel Caugiran
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( TAGALOG )
PoetryPlease Vote! Please Vote! Please Vote! .-Our-.