MERON DIN KAYA?
Meron din kayang ngumingiti nang palihim kapag nakikita ako?
Susulyapan kapag hindi ako nakatingin o kaya naman ay nakayuko
Ibabaling ang kanyang tingin kapag ako'y napatingin sa kinaroroonan niya
At pipigilin ang pamumula ng kanyang pisngi at magpapatay - malisya.Meron din kayang nagagandahan sa boses ko kapag ako'y nagsasalita?
Na kahit madalas akong pumiyok ay okay lang sa kanya.
Hindi niya binibilang kung ilang beses nang nabasag ang boses ko
Kundi kung ilang beses nabuo ang araw niya nung marinig niya ako.Meron din kayang nasasabik na makita ako araw - araw?
Yung tipong hindi siya buo kapag hindi ako natatanaw
Maghahanap ng paraan at pagkakataon para lang makita ako
Kapag hindi ako nasulyapan kahit sandali
Kung ano ano na ang papasok sa isip at hindi na mapapakali.Meron din kayang nalulungkot kapag ako ay malungkot?
Gumagawa siya ng paraan kahit simple mabawasan man lang ang aking pagkabugnot.
Patatawanin ako hanggang mawala ang pagkakunot ng aking noo
Hanggang bumalik ang dati kong sigla at bumalik ang masayahing ako.Meron din kayang nasasaktan kapag nakikita akong may kasamang iba?
Yung magkukunwari siyang masaya kapag ako'y kaharap niya
Ngunit bubuhos ang luha sa gabi kapag siya ay mag - isa na
Tanging basang unan lang at gabi ang karamay niya at kasangga.Meron din kayang humihiling sa Maykapal na sana'y mahalin ko siya?
Na masuklian ko ang pagmamahal na ibinigay at ibibigay niya pa
Na sana, ako na ang taong inilaan para sa kanya
Yung tipong magtatagpo kami sa tamang panahon, kapag tadhana na ang nag - adya.Meron din kayang nagkakagusto sa akin o magkakagusto?
Yung tipong hindi niya titignan kung gwapo ako dahil malayong malayo rin akong maging ganito
Yung mamahalin niya ako dahil sa pagkatao at personalidad ko
Ang sarap isiping meron, pero wala naman ako sa telebisyon o anumang kuwento.Meron din kayang sa aki'y may lihim na pagtingin?
Kung meron, pasensya ka na at hindi kita nabibigyang halaga at pansin
Siguro kasi ang mga ginagawa mo sa akin, sa iba ay ginagawa ko rin
Sa iba rin ako nakatingin at pinipilit ang isang bagay na hindi naman para sa akin.Meron din kaya? O sadyang wala?
Kung wala, wala namang akong magagawa
Kundi tanggapin ang katotohanang hindi ako ganoon kadaling mahalin
At walang espesyal sa akin kaya hindi ako magawang ibigin.din kaya?
Siguro nga, wala
BY: Yel_marquez