CHAPTER 2

409 3 1
                                    

Habang galit na nakatutok ang hintuturo ni Slater sa mukha ni Tintin, naligaw ang isip ni Slater.

What a waste!

Ang ganda pa naman ng mukha, tila pilya na Birhen, di makabasag pinggan!

How kissable is her mouth! Utang na loob!

Ang mga labi ay tila mga makakapal pero matatamis na talulot ng mga bulaklak, na animo'y nag-aanyayang dampian ng kanyang labi.

And her eyes, naiiba ang mga matang ito tila ba laging nangungusap.

At anp mga pilik-mata na very abundant, sobrang dami pero sa halip na magpapangit ... ay lalo lamang nagbibigay ng artistic beauty sa may-ari.

Ang mga mata ni Tintin ay isang uri ng sandata na papatay sa iyo nang patalikod.

Kung puwede lang ay huwag kang tumitig sa mga ito.

Kungdi'y para kang kunehong bigla na lamang mapapaamo.

And look at her brows. Bakit ba masyadong na-bless ng mga balahibo sa tamang lugar ang Christine na ito?

The thickness of her brows is another plus factor of her savage beauty!

Isa pang asset ni Tintin na aywan kung bakit sa babaing ito ipinagkaloob.

It's seems unfair!

Na ang dami-daming pampagandang katangiang napunta sa babaing ito na pinaka-iresponsable sa lahat nang iresponsable!

Hello? Hey, Slater ... where are you? May magic ba ako at para ka nang natulala diyan? Biglang nabalik sa kasalukuyang eksena si Slater medjo matagal na pala siyang napatanga sa harap ng magandang dalaga.

Si Tintin ay pakumpas-kumpas ng kamay sa harap ng kanyang mukha.

She is into her childish appeal, once again.

Ganito naman talaga si Christine, e.

She can't get away with what she is, kung wala siyang charm.

Kaya kahit napaka-spoiled nito ay hindi pa rin nawawalan ng mga nagmamalasakit, dahil nga marunon itong kumarinyo at magpatsarming.

At aaminin man o hindi ni Slater maging siya man ay biktima rin ng wicked charm ni Tintin.

Ano?! Bulyaw ni Slater sa dalaga.

Aba, ikaw pa ang galit! Samantalang ginigising lang naman kita!

Hindi ako natutulog!

Eh, bakit nakatingin ka sa akin na parang natulala, naka nganga ka pa jan. Hehe ?

May ... may naisip lang ako!

Bumungisngis si Christine.

Parang akala mo ay wala itong nagawang malaking kasalanan.

Si Slater talaga, alam ko namang matagal mo na akong crush, e!

Parang tigreng sumingasing si Slater.

Sabihin na ni Tintin ang lahat, huwag lang na may crusg siya dito.

Never.

Never siyang magka-crush sa isang babaing kahit minsan sa buhay nito ay hindi pa natutong kumilala ng salitang responsibilidad.

Kaya nga pati tatay nitong namayapa ay sumuko na, right?

Sumuko na nga kay Tintin ang father nito na nagpaaral sa kanya sa college.

Nag-isip nalang ng isang extraordinary way ang daddy ni Tintin, na si Mr. Carlo Romero, para may mapupuntahan ang pera nito.

Si Slater na lang ang pinaaral.

At nakipagkasundo na kapag nakatapos si Slater ay hindi pababayaan ni Slater ang nag-iisang anak nitong babae na reyna ng pagka-iresponsable.

Si Tintin na nga iyon.

Para kay Slater, hindi niya lang talaga matalikuran at tuluyang kalimutan ang kasunduan sa isang matinong tao na gaya ni Mr. Carlo Romero.

Kaya hanggang ngayon, kahit parang magdudulot sa kanya ng maagang sakit sa puso si Tintin, naririto pa rin siya.

Umaalalay pa rin sa babaing ito.

Pero tila ngayon ay dumadating na siya sa hangganan ng kanyang pagtitimpi.

Christine, ni biro ay huwag na huwag mong sasabihin iyan. Na may crush ako sa iyo.

Natigilan si Tintin.

Nanliit sa kahihiyan.

One thing with her, tinatablan pa rin siya ng mga panghihiya sa kanya ni Slater.

Bakit, imposible ba talagang mangyari iyon, ha, Slateqg? Mapait na tanong ni Tintin.

Hindi ako kukuha ng batong ipupukpok sa sarili kong ulo. This is even too much. Na ako ang kumakargo sa iyo.

Napapailing-iling si Slater. Pagkatapos ay magbibiro ka pa diyan sa akin na may personal akong interest sa iyo? My eye! Ang laki ko talagang hangal kung sakali!

Nagpapadyak na sa galit si Christine. Kung ayaw mo sa akin, de huwag!

Na-hurt ang pride mo, ha? Akala mo kasi lahat ng lalaki magkakandarapa sa iyo. Well iba ako.

Hindi naman. Pinagmumukha mo lang akong kawawa. 'bout naman sa inaakala kong lahat ng lalaki e magkakandarapa sa akin, well ikaw lang may sabi at hindi ako.

Kawawa. For once, sana naman ay maintindihan mo na ang meaning ng salitang iyan, Tintin.

Ano ka ba? Bakit naman hindi ko makakayanang intindihin ang meaning ng kawawa?

Sa maling context mo kasi naiintindihan, e. Kaya hindi ito nagdudulot ng tamang attitude mo.

Anong context ba ng salitang kawawa ang nasa brilliant mind mo ha, Slater?

Diyan... diyan ka magaling, magiging sarkastiko sa mga pangaral ko!

Bumuntong hininga si Tintin. Kawawa lang pinagtatalunan pa natin.

Maawa ka sa tatay mong namatay na hindi ka nakitang umasenso sa sarili, Christine.

Oh, tapos? Ano pa? Paulit-ulit na itong narinig ni Tintin kaya dinadaan niya nalang sa pamimilosopo.

Maawa ka sa akin na hindi pa rin nagkakaroon ng normal na buhay dahil pabigat ka pa sa akin.

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon