CHAPTER 4

444 5 1
                                    

Malakas na NO na naman ang naisagot ni Christine.

You have to let her go. Pag-aralan mo at sanayin ang iyong sarili sa mga gawaing dati ay si Ate Naty ang gumagawa. That's just it, Christine.

Ano ka ba, Slater? Ako na ang magtatrabaho sa bahay, ako pa ang magtatrabaho para may pangkain ako?

Nakikita mo ba ang mga patpating bata na nagtitinda ng mga sampagita sa kalye?

O, ngayon?

Tintin, kung sila nga ay nabubuhay, mabubuhay ka rin. Kumilos ka lang.Ngumawa na talaga si Tintin.Ito lang ang maibibigay ko sa iyo. The last money from me.

Dumukot ng pera sa wallet si Slater at inilagay niya sa sobre na nasa loob ng drawer ng mesa.Sobreng may laman ang ibinigay niya kay Tintin.

Kunwari ay ayaw pa ni Tintin na tanggapin iyon.

Alam kong gastador ka. Tiyak na walang natira kahit na isang kusing mula sa huling ibinigay ko sa iyo.

Huwag na nga lang! Nag-attempt pa ring magmalaki si Tintin.

Baka maputulan ka na ng ilaw, ikaw din takot ka pa naman sa dilim.

Ninerbiyos kaagad si Tintin.

Kung aalis na ang yaya niya na si Ate Naty pagkatapos ay wala pa siyang ilaw kung gabi, hindi kaya manigas siya sa takot?

Para pa rin siyang bata na naniniwalang may multo.

Kaagad na niyang tinanggap ang kahuli-hulihang pera raw na ibibigay sa kanya ni Slater. Salamat!

Good luck, Tintin.

Natigilan ang dalaga.

Kayhirap maniwalang nakipaghiwalay na ng landas sa kanya ang lalaking natutunan na niyang ituring na kanyang pader na masa-sandalan.This is it?

Bakit pati puso niya ay nasasaktan?

Slater... Gusto pa ring niyang maki-usap.

Ayaw niyang maputol ang uri ng ugnayang meron siya kay Slater.

Tinitigan lang siya nang malamig ng binata. I want to move on, Christine. Please, understand.

Napatango na lang si Tintin.

Ang gahibla niyang pribe ay nanaig pa rin.

Magmamakaawa pa ba naman siya eh, talagang disididong-disidido na si Slater na bitiwan siya?

Tumingin si Slater sa nakabukas na pinto ng townhouse nito.

Hudyat na iyon na dapat ay umalis na si Tintin.

Ang bibigat ng mga paa ni Tintin na tinungo ang pinto.

She could not even utter goodbye to the man.

Para bang ang paggu-goodbye niya kay Slater ay unnecesary na. Hindi na kailangan.

Kasi nga ay matagal na yata siyang gustong-gustong bitiwan ni Slater. Nang nasa labas na ng townhouse si Tintin ay lumingon pa rin siya.

Nakatingin man lamang ba sa kanya si Slater.

Pero ang nakitat niya ay ang nakapinid nang pintuan.Nagsara na ng pinto si Slater para hindi na siya makakapasok pa kailanman.

Kailan kaya mag-aasawa si Slater?

At may date na kaya kasal niya with that ip-ip o Maldi?

Ang pangit talaga ng pangalan at petname ng pet ni Slater, este girlfriend niya pala.

Maganda ba iyon?May itsura siguro kc unggoy nga may itsura yun pa kaya? Lagi na lang kasi ito nakasimangot sa kanya everytime they see each other, as if naman maganda.

Kapag asawa na ito ni Slater, may karapatan na itong tarayan siya kapag tatanghud-tanghod pa rin siya kay Slater.

Kahit luhaan ay may nakitang taksi si Tintin.

Automatikong pinara niya ito.

Tumigil naman ang taksi sa harap niya.

Pero may naalala siya nung bubuksan na niya y0ng pinto ng taksi, naalala ni Tintin na ang hawak niyang pera at huli nang bigay sa kanya ni Slater.

Saan pa si kukuha kung madali itong maubos?

Kailangang hindi na siya masanay magtaksi.

Nagtaka ang driver nang hindi siya sumakay.

Nagalit pa ito "Aba, miss ...kung tatayo lang kayo jan sa labas habang nakatanga ako dito kakahintay pasukin mo ang taksi ko, sana'y nilampasan ko na lang kayo.

"Sorry, mama. Wala nga po pala akong pera.

Sira! Sigaw sa kanya ng driver bago nito pinaharurot ang sasakyan.

Hindi ako sira! Wala lang ako pera! Palibhasa hindi mo lang alam ang--Natigilan si Tintin.

Pati ba naman sa istrangherong taxi driver ay magkukuwento siya ng buhay niya?

Who cares if she was dumped by Slater ?Pinara na lang ni Tintin ang isang pampasaherong jeep.

Nagtanong muna siya sa driver. Mama, ano po ang sasakyan papuntang San Juan, iyong sa bandang munisipyo?

Mag-bus ka miss. Doon sa kabila ang sakayan ng bus.

Tumawid si Tintin.

Pinawisan na siya kaagad dahil sa sobrang tirik ng araw.

Dapat ay masanay na siyang ganito.

Panay na ang lakad niya sa mainit na kalye kung siya ay sa jeep at bus sasakay. Dahil ang mga sasakyang ito ay hindi kagaya ng taksi na nagbibigay sa kanya ng convenience.

Ihihinto siya ng taxi saan man niya gusto.

Kung bus o jeep, kailangang pumunta talaga siya sa sakayan at babaan ng mga ito.

Ngayon pa lamang, nagrereklamo na ang katawan niya sa hirap.Sa init lalo.

Masusunog ba ang kanyang makinis at magandang kutis?

Damn it, Slater ... naisip mo man lang ba na pini-preserve ko nga ang beauty ko para makapag-asawa ako ng mayaman?

Iyon lang naman ang alam kong solusyon, e.

Marry a rich man.

Kung nakapag-asawa na ako ng mayaman, hindi na rin naman sana ako aasa sa iyo, Slater.

Pero hindi pa nga nangyayari iyon, inilaglag mo na ako!

Akala mo lang kasi ay wala akong plano.Meron nama, ano?

Iyon ngang mag-asawa ng mayaman. Praktikal nga ako, e. I was not born to work.

Kahit pag-aaral ay trabaho pa rin iyan, e.

Gaya nang magpapakahirap kang mag-aral ng kursong Nursing, iyon naman pala kapag tapos ka na ay kailangang mas maghihirap ka muna sa pag-aalaga ng lahat na klaseng may-sakit para ka susuweldo.

Sa ibang tao, okay iyon.

Pero para sa akin, hindi praktikal.

There is a better way. Kung ako ay asawa ng isang matagumpay na negosyante, he will bring home the bacon at ako naman ang bahalang magsu-supervise sa mga maids at yaya sa aming tahanan.

Ang trabaho ko lang ay makipaglaro sa mga anak ko.

O kaya ay magsa-shopping kami para malibang ang mga bata.

Puwede ring mag-world tour para maging very educated ang aking mga anak oh diba sosyal lang mga tumatakbo sa utak ko.

Why can't I marry a rich man?

It's just a matter of time.Alam kong maganda ako. Ismarte rin naman. Nakakapag-English nang okay.

I have the potentials to be a rich man's wife.

Iyon nga lang, Slater. Hindi mo muna hinintay. Makakalaya ka rin naman sana sa responsibikidad mo sa akin, konting tumbling at kembot na lang ang dapat hintayin eh.

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon