CHAPTER 16

369 7 3
                                    

Sa PRESENTATION Night sa STmall, ang iba't ibang Miss Tourism candidates ay nagpapaligsahan sa ganda.

Hindi naman pahuhuli ang pang-akit ni Christine.

Isa siya sa mga paborito ng mga tao.

At siguro au nakatulong pa ang kakaibang konsorte niya.

Siya lang kasi ang may kapartner na oo nga't mukhang kagalang-galang na gentleman ay kita nang halos lolo na ang edad.

Pero si Mang Eting ay relax naman, never na ikinahihiya ang edad, he is actually enjoying the event.

Si Mr.M na nasa harapang upuan ay naaaliw kina Tintin at Mang Eting.

What a unique pair, sabi niya.

Mali pala ang balitang nasagap niya, na si Slater mismo ang magiging konsorte ni Tintin.

Oh, well, kung babasahin niya ang ugali ng nobya nito, hindi na siya magtataka kum bakit hindi si Slater ang naging escort ni Tintin.

Anyway, pinatunayan lang ni Tintin na may sarili itong karakter , na kaya nitong tumayo sa stage kahit hindi regular guy ang konsorte.

Sa interview ng media ay hindi nagkaila si Tintin.

Maiinit na tanong ang ipinukol sa kanya ng ilang reporters na nakasagap na ng tsismis tungkol kay Christine.

Tintin, is it true na ikaw daw ay dating kinakalinga ng isang guwapong arkitekto na ngayo'y biglang bumitiw na sa iyo?

Correction, miss. Hindi architect kundi isang engineer ang binatang dati kong benefactor. Oh, yes, binitawan niya ako dahil nagluko ako sa pag-aaral, ginagastos ko sa lakwatsa at kung ano-ano pang kaalwan sa buhay ang malaking perang sustento sa akin ng guwapong engineer.

Pero walang malisya ang aming relasyon, siya ay tumutupad lamang sa kasunduan nila ng yumao kong ama, na siya--ang engineer na pinaaral ng aking ama--ang magpapaaral at aaruga naman sa aking financial needs.

And he dropped you? Susug na tanong ng babaing reporter.

Tumango si Tintin. Yes, kasi nga ay nasagad na siya sa aking pagiging irresponsible. But that bad traits of mine is a thing of the past. Matino na ako, responsible, marunong nang magluto ng sariling kanin, ulam, naglalaba na ako, nagko-commute, nagpapakatutoo na ako..

Palakpakan ang mga tao pati media, nagustuhan nila ang pagiging very honest ni Christine.

At bakit naman ang iyong konsorte, no offense meant naman sa kanya because he is a fine man, ay napakalaki ng tanda sa iyo?

Isa namang baklaing media practitioner ang nagtanong.

I see nothing wrong with my escort, he's old but he's a true gentlemen, kinukonsider ko na ngang friend si Mang Eting.

Lalong na-amuse sa sagot ni Tintin ang media, kasali na si Mr.M. Mamaya ay makikipagpalitan siya ng kuro-kuro sa Mang Eting na ito, nasabi ni Mr.M sa sarili.

Pero all the while na nagaganap ang event ay palihim na may hinahanap sa paligid si Tintin.

Nasaan na ang pinakaimportanteng lalaki sa kanyang buhay?

Ang binatang nangakong sisilip sa okasyong ito sa STmall?

Inspiradong-inspirado pa naman siya sa paggalaw sa stage, sa pagsagot sa members of media, sa pagnamnam sa glorios moments niya bilang kandidata sa pagka Miss Tourisim.

Mababalewala ba ang lahat niyang pagpapaganda sa gabing ito?

Hindi man lang siya masisilayan ni Slater?

Hindi makikita at maririning ang matalino niyang pagsagot sa harap ng mga reporters?

Ano 'yon, pinigilan na naman ni Maldi?

At nagpapigil naman ang Slater na ito?

Biglang nag-ring ang kanyang cell.

Si Slater, nabasa siya sa screen. HELLO?

Tintin, I'm really sorry. Hindi ako makaalis....

Dahil hawak-hawak ka sa leeg ng nobya mo? gustong itaray ng magandang kandidata.

Pero nanaig naman ang kanyang pride. Sino ba siya sa buhay ni Slater? It's all right, Slater. Okay naman ako, Mang Eting is taking care of me...

Ini-off na agad niya ang cell, hindi na hinayaang makapangatwiran pa ang binata.

What's the point? E di ba nga dapat ay i-detach na rin niya ang kanyang sarili sa lalaking ito?

He is getting maried, idinikdik niya sa isip.

He is getting married to Maldi, Tintin matauhan ka na!

Tintin, ano ang wish mo? Tanong ng isa pang taga-media.

Ang maging commercial model. Kulang daw po kasi ako sa height kaya hindi pupwede sa ramp modelling e.

Aba, duling siguro ang tumangging iyon sa iyo! 5'7 ka, pwedeng-pwedeng maging modelo! sabi mismo ng baklang reporter na umiinterbiyu sa kanya.

Ang nakapagpaligaya nang husto kay Tintin, before the night is over, siya ay halos sabay-sabay na nilapitan sa backstage ng tatlong representatives ng iba't ibang ad agency.

Kinuha siyang commercial model para sa kanilang mga produkto.

May mula sa agency na nag hawak na produkto ay Conditioner at shampoo.

Meron ding ang produktong ieendorso ni Tintin ay feminine wash.

Powdered milk naman ang hawak ng isa pang ad agency na nais kumuha sa services ni Tintin bilang commercial model.

Gusto na yatang mapaluha ni Tintin sa sobrang galak ng mga oras na iyon.

Imagine, nagkakatotoo na ang kanyang pangarap, na maging career woman!

At parang kulang pa, ang mismong director ng fashion show na tumanggi sa kanya ay heto at bumubulong sa kanya, kayganda ng ngiti.

Kinukuha siya para sa summer collection nito na gagawin sa Singapore.

Isa pa ring blessing ang paglapit sa kanya, sa gabi ring ito, ng sumisikat na couturier na si Arky Lequasi.

Iha, magmomodelo ka ng mga wedding gowns na likha ko! Here and Abroad! Tinitiyak ko sa iyo, Tintin, sisikat ka ring tulad ko!

Hindi nga ba siya nananaginip?

Everything ba is turning up roses for her?

Hindi pala everything. Kasi ay hindi na talaga nagpakita sa kanya si Slater sa gabing ito.

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon