CHAPTER 7

387 6 1
                                    

Masigla nang nagbihis ng casual si Tintin.

Dahil nga hindi na siya nagtataxi simula ng inabandona siya ni Slater, kailangan ay pang-commute talaga ang kanyang kasuotan para naman kahit papano komportable siya.

Maong jeans at hanging tapered blouse na lang na cotton ang outfit niya.

Tapos ang katerno ay rubber shoes na lang na malambot sa paa, para if ever na mawalan siya ng pera at mapasabak sa alay lakad ang beauty niya eh handa siya.

Kahit papaano ay binuhay ni Tintin ang kanyang pag-asa.

Seeing herself in the mirror ay mukha namang nagkakaroon siya ng tiwala kahit papano sa kanyang sarili.

Talagang maganda siya.

At may katawan pa.

Natutunan na rin niya ang pagsakay ng jeep at bus papunta sa STmall, amazing diba? hahaha

Aw, shit! She is the last person na gusto kong makita ngayon! Don't look, Slater! Don't look! Don't----

Huli na ang pagbibigay babala ni Maldi sa binata.

Dahil sa direksiyon na iyon ay napatingin na rin si Slater.

Inangilan tuloy siya kaagad ng nobyang si Ip-ip. I told you not to look! Pero parang hinila talaga ng kung anong demonyong puwersa yang leeg mo!

Ang nakikita ni Slater ay si Tintin na nag-lalakad sa maluwag na pasilyo ng STmall.

Madali talagang maispatan ang mga kasing-ganda ni Tintin.

So, nariritp rin pala siya!

What an unfortunate coincidence! Gigil na panunuya ni Ip-ip.

It's not my fault na naririto rin siya, Maldi di naman kasi natin pag-aari ang mall na 'to. This is a public place you know that. Everybody can come and go.

I know right! It's her fault not yours! Baka sinusundan ka niyan, e!

Biglaan naman ang pagyaya mo dito, so, paanong makakarating sa kanya ang balita na dito tayo pumunta?

Hay naku, Slater, malay ko ba! Makikipagtalo ka pa ba? Naiinis na nga ako, e. Halos pumadyak sa pagkasuya si Maldi.

Hindi namna iyon napansin ni Slater.

Si Christine na ang umuokupa sa kanyang utak. Tingnan mo nga naman ang babaing iyan, huwag sabihing sa kabila ng nangyari sa kanya ay nakukuha pa niyang mag-malling at magshopping?

Great! Ngayon ay nasa kanya na naman ang atensiyon mo! Parang gustong manakal ng tao ni Ip-ip.

Maybe she is looking for a job? Kaya? Is it possible? This girl is looking for a job?

Hoy, nagsasalita ka na lang mag-isa diyan! Saway ni Maldi sa kanya.

Look at her. Manonood pa yata ng fashion show. Patuloy si Slater sa pagmamasid kay Tintin.

Nanonood nga si Tintin ng fashion show.

At may pumasok sa isip ng dalaga.

Why not?

Lakas-loob siyang pumunta sa backstage kung saan busy na busy ang mga tao.

Ang mga models ay hindi magkandatuto sa pagsusuot ng damit, pagri-retouch ng make-up habang hinihintay ang cue nila sa stage.

Ang mga make-up artist ay parang hinahabol ng multo kung kumilos.

Retouch ng make-up ng model na matangkad.

Suklay nang konti sa buhok ng model na suot ay shorts at baby-tee.

Sinita ng fashion show coordinator si Christine. Miss, bawal dito ang ordinaryong viewer. Doon ho kayo sa harapan manood.

Ah, hindi naman ako nanonood lang, e. Gusto kong mag-apply bilang modelo.

Busy ho kami. Hindi ka mae-entertain ng sumisipat kung pupuwede ka.

Nag-pose si Tintin sa harap ng coordinator. Sa palagay mo, miss .. puwede ako? May pag-asang maging modelo? Ano sa palagay mo?

Ang direktor na lang ang titingin sa iyo. Pero mamaya pa siguro. Pakialis na muna.

Sino siya? Mataray na tanong  ng presured na fashion director na siya ring may-ari ng mga creations na minomodelo sa stage.

Gusto raw mag-apply na modelop, Mr. Innos.

Isang sipat lang ni Mr. Innos kay Tintin ay umiling na kaagad ito. Maganda ang mukha pero kulang sa height. Iha, hindi baleng hindi kagandahan basta matangkad at balingkinitan, okay?

Nanlumo si Tintin.

Mag-apply ka nalang na commercial model, pupuwede ka doon. Hindi masiyadong kailangan doon ang height, e. Iyang mukha mo kasi ay puwede.

Bahagya nang sumigla si Christine.

Nakatikim na kaagad siya ng unang kabiguan.

The first time na nag-attempt siyang magkaroon ng trabaho.

Could she go on?

Ganito pala ang makiusap sa isang opurtunidad.

Hindi nice ang mga tao. Kailangang ipagsiksikan mo ang sarili mo.

Matamlay siyang lumayo sa fashion show na iyon.

At ang hindi niya nakikitang nakamasid na sina Slater at Maldi ay nadaanan lang niya.

Nanggaling siya sa backstage, mukhang kung ano man ang gusto niyang makuha doon ay hindi siya nagtagumpay. Pagoobserba ni Slater, sinikap niyang huwag rumehistro sa kanyang boses ang awa niya kay Christine.

Puwede ba, Slater? Kung ang panahon mo ay mauubos pa rin sa babaing supposed to be ay binitiwan mo na, umuwi na lang tayo! This is a date, o baka nakakalimutan mo?

Natauhan naman si Slater.

Bakit nga ba nagkataon na ngang nakita nila si Tintin, hinayaan pa niyang ma-distract ang kanyang sarili?

Sorry, darling Ip-ip. Tama ka. Dapat ay parang wala akong nakita.

Manood na lang kaya tayo ng sine?

Sure.

Doon sa ibang mall!

Bakit naman doon pa sa iba? This is our favorite mall, right?

Hindi sa ngayon. May palaboy-laboy na pampasira ng mood ko. Nakasimangot si Maldi.

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon