CHAPTER 5

396 5 1
                                    

Nakauwi rin naman ng bahay si Christine. 

Para pa ngang nagtaka si ate Naty na siyang nagbukas ng gate para sa kanya. 

Dahil nakita nito na traysikel lang ang kanyang sinakyan, hindi siya nakataksi. 

At pawisan siya, halatang galing sa hindi aircon na sasakyan. 

Ma'am Tintin, nadukutan ba kayo? 

Hindi po. 

Eh bakit ho hindi kayo nagtaksi? Nakasunod sa kanya ang kasambahay patungo sa bahay. 

Mamaya na po tayo mag-usap, ate Naty. Pagpahingahin niyo na ho muna ako, may lunch na ba? 

Aba, meron na iha. Ang paborito ninyong kare-kare with bagoong ang niluto ko. Para sa dessert naman ay nag-chocolate cake naman ako. May bananastrawberry shake din ho akong inihanda sa ref. 

Malungkot na napangiti si Christine. My last good meal, hay buhay! 

Hindi iyon naintindihan ng kasambahay. Ano ho? 

Wala, ate Naty. Mamaya ho, may pag-uusapan tayo. 

Sige po. 

Ang unang-unang tinawagan ni Slater pagkatapos ng pagbitiw niya kay Tinthn ay ang nobya siyempre niyang si Maldi o Ip-ip. 

I have enough of her. I let her go. Ang deklarasyon ng malungkot na boses ni Slater. 

Darling, bakit naman ganyan? 

What do you mean? 

Kung magsalita ka, para bang nakipaghiwalay ka sa nobya mo. 

Ikaw ang nobya ko, Maldi. 

Mismo. Kaya nga masakit sa teynga iyung sentimental declaration mo kanina. Iyong pinakawalan mo is nothing but a pain in your ass! 

Maldi naman, hindi na kailangang maging vulgar ka pa. 

E sa matagal na talaga akong inis sa babaing iyon! 

Siya ay anak ng taong nagpaaral sa akim. Kung hindi dahil kay Mr. Carlo Romero, hindi ako isang magaling na engineer. 

Nasulit na naman, hindi ba? 

I would like to think it na ganoon nga. 

Ganoon nga talaga, Slater. Ang tagal mo ring palamunin, paaral at lahat-lahat na ang Chrisine na iyon! 

I agree. 

Mumurahin nga lang ang engagement ring natin kasi hindi mo ma-afford ang mahal! Dahil puro panggastos na lang ni Tintin ang inaalala mo! 

Alam mo bang isinumbat ko nga iyan sa kanya. 

Naku, kulang pa! Ang dami pang puwedeng isumbat sa babaing iyon! 

I let her go na nga! 

Masama ba ang loob mo sa pagbibitiw sa pag ako ng lahat ng resp0nsibilidad diyan sa bruhang Christine na iyan? 

Hindi naman ... gaano. 

Ayoko ng sagot mo. 

Ip-ip, i feel bad, i must admit. Dahil sumuko ako. At the same time, i feel relieved. 

Pakasal na tayo kaagad, ha? 

Iyan na nga ang aasikasuhin natin. 

Hindi na naman siguro siya magpapakita sa iyo, ano? 

Iyon ang sinabi ko. Huwag na siyang magpakita. Kanya-kanya na kami ng landas. 

Good. I love you, Slater. 

Yeah. 

Mag-I love you ka naman. Ano ka ba? 

I love you? Hindi naman praktikal iyan, hindi ba? Sa ating relasyon, kaya tayo nagkakasundo, ay dahil pareho tayong may respeto sa isa't-isa. 

Dahil bilib ako sa pagiging engineer mo at bilib ka naman sa pagiging professor ko? 

Exactly. Ganoon tayo pareho. Career-oriented. Mga praktikal na tao. Hindi ba? 

But we love each other, Slater. Hindi ba? I love you, i can feel that. 

All right, all right. 

Kailan ko kaya maririnig na sabihin mo rin sa akin ang i love you, huh? 

Tumawa si Slater. Kung ako ay hindi na isang praktikal na tao, Christine. 

Slater, ang kausap mo ay hindi si Christine, kundi nobya mong si Ip-ip. 

Ooppss! Nagkakamali lang talaga ang dila ng tao kung minsan, Maldi.

pagpasensiyahan niyo na udate ko at sobrang ikli...wahahahahhaha

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon