CHAPTER 6

403 6 4
                                    

Dapat ay mabura na sa lalong madaling panahon sa utak mo ang babaing iyon, Slater. Deklara ni Maldi.

Iyan na nga ang mangyayari. Dahil pormal na kaming naghiwalay ng landas gaya nga ng sabi ko sayo kanina pa.

May pupuntahan nga pala akong seminar mamaya, premyadong Science professor ang speaker, sumama ka.

Why not? Wala akong gaanong trabaho.

Cheer up, darling! Ayokong makarinig ng lungkot sa boses mo!

Selos na naman ba iyan?

Can't help it. Baka naman ngayon na hindi mo na siya makikita ay hahanap-hanapin mong lalo?

That's nonsense! Pati ba naman nobya ko'y naniniwalang i'll fall for a very irresponsible young woman like Christine?

Samantala.....

Naging fair naman si Tintin kay ate Naty.

Kahit malaki ang mababawas sa huling perang ibinigay sa kanya ni Slater ay talagang binuo niya ang huling suweldo ng katulong.

Paano ka na, Tintin? Baka kukuha ka pala ng ibang maid? Baka ayaw mo na lang pala sa akin kaya pinapaalis mo na ako.

Ilang taon po kayong nagsisilbi dito, ate Naty. Kung may pera lang ako, hindi ko na kayo papalitan.

Talaga bang hindi na kana kukuha ng maid?

Mamumuhay na lang po akong mag-isa. Wala na akong pansuweldo e. Sinabi ko na sa inyo ang dahilan. (kapagud lang ulitin hahaha) Hindi na ako makakaasa pa kay Sir Slater mo.

Ano mo ba talaga si Sir Slater, Tintin?

Basta ... may arrangement sila ng Daddy ko. At tinapos niya na iyon. Ganoon lang.

Tintin, nagaalala ako saya. Ikaw na ang magluluto, maglilinis, maglalaba, mamamalantsa... Parang hindi maimagine ng katulong ang mga gawaing-bahay na haharapin ng magandang dalaga.

Wag po kayong mag-alala ate Naty. Kakayanin ko po. Ang pagluluto, ipaglilinis, ipaglalaba at ipagpaplantsa ko lang naman ay ang sarili ko.

Kunsabagay.

Basta hindi ako magsi-senyorita Ate Naty. Naiiyak pero nagpapakatapang si Christine.

Siya, sige. Ako'y tutuloy na. Uuwi na lang ako sa mga kamag-anak ko sa may Alabang.

Good luck, Ate Naty. Sosyal at sa alabang na ikaw titira. Ingat po! Nalulungkot din naman si Christine na magkakahiwalay sila ng matagal nang kasama niya sa bahay.

Madali ang magsabi na makakayanan dahil sarili lang naman niya ang ipagtatrabaho niya sa bahay.

First day na wala si Aling Tuding ay nag-try magluto ng kanin si Tintin.

Nasunog ito.

Naggisa lang siya ng sardinas.

Natilamsikan pa siya nang katakut-takot na mainit na mantika.

Gusto niyang labhan ang paborito niyang set ng panty at bra, hindi niya alam kung paano ang tamang pagkusot ng mga may garter.

At namangha siya sa kanilang salas at iba pang parte ng bahay.

Aba, kahapon lang naglinis si Ate Naty bago ito umalis, puro na naman alikabok ang mga gamit?

Iisa-isahin ba niyang pupunasan?

Ang tagal noon!

Ang dami pa naman nilang mga gamit at mga pandekorasyon.

Nag-isip ng solusyon si Tintin para hindi na pumasok ang mga alikabok.

Lahat ng bintana at pinto ay sinara niya.

Ang resulta ay hindi siya makahinga sa init at sa kakulangan ng hangin.

Nanlumo si Tintin.

Kaysimple ng mga problema sa pamumuhay nang mag-isa, parang susuko na siya?

Kunsabagay, kaysimple ring mag-aral ng mga subjects sa Education, pero nairaos ba niya?

Hindi.

Dahil nga wala siyang focus.

Puro umpisa lang siya.

Kapag kalagitnaan na ng semestre, tinatamad na siyang i-maintain ang tamang panahon ng pag-aaral kaya ito ang napala.

Mayaya lang siya ng kahit sino na maglakwatsa, sama na siya agad agad PbbTEENS.

Bored na bored siyang pumasok sa klase, ang exciting para sa kanya ay mamasyal sa mall.

Oo. Masarap naman talaga magmalling eh. (ohh para sa mga mallers jan)

Ang paborito niyang mall ay ang STMall.

Sana nga ay sa STmall nalang nakalagay ang classroom nila, siguradong perfect attendance siya.

Malamig kasi sa mall kaya bet na bet niya ang surroundings. Malinis. Pagkatapos ang dami-dami mong makikitang mga bagay na bubuhay sa iyong kuryusidad.

Masarap din mag-people watching sa mall.

Iba-ibang tao na class. Iba-ibang tao na baduy. Iba-ibang tao na gaya niya ay gustong maglibang.

And of course, suki ng mga theaters ng STmall.

Lagi siyang nanonood kahit mag-isa.

Kung wholesome movie naman ay hindi masamang manood mag-isa.

Mga safe na tao naman ang nanonood din doon kaya kering keri.

Iniingatan nga lamang niya ang kanyang bag, baka siya madukutan, lalo na kung siksikan sa sinehan.

Sa katayuan niya ngayon, ano ba ang gusto niyang gawin?

Ah, hindi pala ....

Hindi dapat na gusto niya ang mahalaga sa ngayon e.

Kundi kung ano ang dapat.

So. Hindi na talaga siya mag-aaral dahil wala nang magpapaaral sa kanya.

The next best thing is for her to look a job, right?

Mabuti pa ay magikut-ikot siya si STmall. Baka may makita siyang opurtunidad doon.

Sa paghahanap ng pagkakataon, dapat lang na ang unahin niya ay ang paborito niyang lugar.

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon