CHAPTER 1

604 8 4
                                    

          Nasaan ang mga grades mo? Mga classcards mong may grade, kailangan kong makita! Kakaiba ang talas ng mga mata ni Slater. Mga matang malalamig ang galit.

         At si Christine o Tintin ay marunong kumilala ng panganib.

        She knows Devon from top to toe.

        Lagi naman itong nagagalit at nagsesermon sa kanya but nothing like this.

        Ngayon, hindi niya maawat ang takot niya kay Slater.

        Ito ang pinakaunang pagkakataon na nasagad na niya ata ang lahat ng pasensiya ni Slater sa kanya. Wala na itong natitirang amor para sa kanya.

       M-mga grades ko? Nakatago lang, Slater... okay naman ang mga grades ko, sabi ko sa'yo, 'di ba?

       Sabi mo nga! Pero dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi mo, ha, Christine? Ang tinig ay tila nanggaling sa pinakailalim ng bulkan may pinaghuhugutan.

       B-bakit nga? Ano ba ang problema? Mangiyak-ngiyak si Tinti.Hindi niya alam kung paano ang pagtakas. Kung tatakbo ba siya o ibabaon ang sarili sa lupa.Hindi talaga siya sanay na nagagalit sa kanya ng ganito si Slater.

       It's no longer a problem! Ang dapat itawag sa nangyayari ay isang delubyo!

       May kutob na si Tintin kung ano ang dahilan ng poot ni Slater.Patay baka alam na nito na matagal na akong di pumapasok?

      Parang sagot sa tanong niya sa sarili'y iyom na nga mismo ang inuusig sa kanya ng binata. Hindi ka na nag-aaral, hindi ba? Matagal na!

      H-ha? S-saan mo naman nakuha ang chika na yan? Sino nag esfluk sayo Slater? Naku nagpapaniwala ka dun.

      Noon, duda lang ako. Nag-imbistiga ako at napag alaman kong di ka na nga pumapasok!

       S-slater, magpapaliwanag ako.

       Ayoko na Christine, Suko hanggang langit na mga konsumisyong ibinigay mo sa akin! Nakakapagud kana! Ibinigay ko ng lahat sayo pero binaliwala mo lang, akala mo ba ganun lang kadaling kitain lahat ng perang nilulustay mo!? Bahala kana sa buhay mo!

      S-slater, alam mong di mo pweding gawin sakin yan, nangako ka sa daddy ko.. O gusto mong ipaalala ko ulit lahat ng pinag-usapan niyo ng yumao kung ama?

      Hindi na. Dahil alam ko naman, iyan ay palaging nakatanim sa utak mo! Na kaya ako propesyonal ngayon ay dahil sa halip na ikaw, ako na lang ang pinatapos ng parents mo!

     Nanginig si Christine.May kasunduan kayo ni Daddy, right? Tila pilit pa ring ipinaaalala niya ky Slater ang lahat ng nakaraan.

     0o nga. Kaya nga kahit nakakasira ka na ng buhay ko, patuloy pa rin akong sumusunod sa kasunduan namin!

       Uulitin ko ang kasunduan ninyo ni Daddy. Ganito iyon....Bago magsalita ang bumuntung hininga muna si Tintin.

       Dahil nga nakita niyang nagloloko ako sa pag-aaral, and I seemed to be hopeless, ikaw na lang ang inalok niyang kanyang paaaralin. Nagtatrabaho ka lang noon bilang YOUNG janitor sa opisinang pinagtatrabahuhan ng Daddy ko. Pero may usapan kayo at nagpirmahan pa kayo, hawak ko nga pala ang papeles na iyon, na kapag propesyonal ka na at kumikita, hindi mo ako pababayaan lalo na kapag wala ang daddy ko.

      Akala ni Tintin ay kung ano ang gagawin ni Slater.

      Bigla na lang kasi nitong hinawakan ang kanyang baba.

      Hahalikan yata siya ni Slater!

      Pero baka naman magalit ang insecure at mataray nitong girlfriend na si Maldi?

Si Ms. Nothing Nangangarap Maging Ms. SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon