Thread Seventeen

96 1 1
                                    

The 17th Thread, Mysteries in the Emptiness

It's been more than a year since she left. I would say it was the best thing that could have ever happened, but it wasn't. By now, I thought this time around, People should have soon moved on from her sudden disappearance! But that wasn't so. Of course in my eyes I believed that by this time, they should have long forgotten about it. But that's not it.

Pero kung ikukumpara mo, mas tahimik na ngayon. Hindi na katulad nung araw na yon. Hindi na umiikot-ikot ang paulit-ulit na Bakit? na mga tanong. Pero kahit na ganun naroon parin yung sakit na naramdaman nila at lungkot nilang lahat na wala na atang makakapawi pa. Sabihin man nila o hindi, Ipakita o itago. Alam ko! Kasi di ko man narinig sakanila, di ko man nakita sakanila yung sakit na nadarama nila. Nararamdaman k naman. Ou at hindi ko na naririnig yung mga tanong nila na Bakit kaya siya umalis? Bakit wala siyang sinabi? Bakit kaya hindi siya nagpaalam? Pero marinig ko man yon o hindi alam ko rin naman na andun parin yung pagtataka at mga tanong na kahit gano nila itanong sa mga sarili nila o kahit kanino pa hindi na masasagot pa dahil wala na siya. Pero higit sa mga yon... Naroon parin yung puwang na iniwan niya sa mga puso nila at sa samahan na toh. Para bang isang kwarto na napundihan ng ilaw at tuluyan ng nabalot ng dilim at kalungkutan. Tuwing naiisip ko yon naiisip ko rin na sana nga kwarto lang. Pero hindi kasi talaga yun lang! Daig pa siguro ng pagkawala niya ang End of The World dahil mistulang mga mundong nawalan ng araw, maging buwan at mga bitwin sa langit ang mga taong kasama ko. Daig pa nila ang mga bulaklak na nadaanan ng bagyo, napitas at nabunot sa lupa at tuluyan ng nawalan ng buhay. Ou nga't naryan sila pero kung titignan mong maige parang wala naman talaga. Ngayon ko lang naisip na possible pala ang mabuhay ka pero parang wala ka. Para silang mga empty shells, kung hindi lipad at tulala sobrang deep naman at minsan umiiyak habang walang mga emosyon sa mukha.

Pero ano namang gagawin ko o kaya nama'y sasabihin ko para sakaling matulungan sila o maibsan manlang kung ano yung sakit na nadarama nila!? Ilang beses ko ng naitanong yan, there are times panga na nakakausap ko na yung sarili ko at nagsasagutan na kme at nag-aaway. Baliw na kung baliw! Who wouldn't be out of their minds and heads kung gnun ba naman ang mga kasama at nakapalibot sakanya! Ako nangalang atah ang tao pa sakanila eh! Ako nalang atah ang may  espirito pa at kaluluwa! Sila kasi parang wala na atah, matagal ng nahipan at tuluyan ng natangay kung san. At tulad nga ng ipinapaliwanag ko kanina matagal na namin tong napag-uusapan ng sarili ko. Sarili ko nalang rin kasi talaga ang makakausap ko ngayon ng medyo matino pa. Ayoko rin namang kausapin yung baliw kong kapatid na babae. Ni dko nga alam kung kapatid ko ba talaga ang nababaliw na babaeng iyon. (*A*) I sometimes really just don't understand and get her! Her and her crazyness! (=w=) Tuwing nakikita ko siya na sakto pa na kailangan ko talaga ng kausap bago pa siya makalapit at mag "Hi Kuya!" nakikita ko na agad ang resulta kapag kinausap ko siya at tiyak talaga na baka mas lalo akong mabaliw kapag kinausap ko siya! So tumatakbo nalang ako agad... And in the end kailangan kong magtago sa boys bathroom dahil manghahabol siya kaya wala ng choice kundi kausapin ang reflection ko sa salamin dahil yun nalang ang kasama ko.

Madalas kong ipilit na gusto ko silang tulungan at gawan ng paraan yung nararamdaman nila na sasagutin naman ng sarili ko na wala raw akong magagawa dahil walang maaring pwedeng gawin, walang kahit anong solusyon sa problema. Na ipipilit ko namang impossible na walang solusyon ang simpleng bagay na yon. Pero ako sa sarili ko alam ko rin naman na mali ang lumalabas sa bibig ko at mas tama ang sinasabi ng utak ko. Ou nga't may punto ang bibig ko. Meroong maaaring solusyon! Pero bago ko pa magawa yon baka tapos na at huli na dahil napaka impossible naman non eh, at iyon ang gusto nila. Syempre ano panga bah! Edi ang bumalik siya. Sa huli walang kahit sinong may kayang gumawa ng paraan kundi si God nalang. At ako, ang pwede ko lang gawin eh maging taong andito para sakanila. No words and no actions can honestly comfort them and make them feel better for good.

The Red ThreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon